Part IX

48 0 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 9: Meet the others

Cas

Nagsimula lahat kay Cas nung namatay ermat nya. Nagtago sya sa drum, medyo matagal na sya sa loob kaya hinahanap na sya. Yun lang ayaw nya pa talaga umalis, kasi nirealtalk sya nung isang tita nya. Tapos saglit lang may narinig syang boses, ng kuya nya. Pero, sa isip nya naririnig. Sa takot, napalabas sya sa drum ng wala sa oras. Yun nga, katulad din nya kuya nya, madalas pinagtritripan nila ate nya. Pero, kuya nya lang kaya nyang makipag komunikasyon. Di pa sya nakakarinig ng iniisip ng isang tao.  Nagbago lahat nung 11th birthday nya.

Dahil nga sa wala na mama nya, parang walang nakaalala na birthday nya nun. Umalis sya sa bahay nila, kahit gabi na. Wala pa ate nya, wala pa kuya nya, wala pa papa nya, ang kasama nya lang sa kanila, yung nang rerealtalk na tita nya. Huwedi umalis sya, lakad lakad. Nasa may tulay na sya nung may masalubong sya. Mga tropa ng kuya nya. Pero sabi ni Cas, iba sila nung gabing yun. Parang may kakaiba. Lalo na nung pinagtatadyakan sya. Tapos bigla na lang, narinig nya kuya nya.

'Cas san ka?'

'Kuya tulungan mo ko, sa may tulay'

Kaya pala gabi na, wala pa rin kuya nya, gumawa ng project. Naka school uniform pa, una nakalaban pa kuya nya, pero realidad yun, hindi pelikula. Lima laban sa isa, talo talaga. Pinapaalis na sya ng kuya nya nung kinukuyog na, ayaw man nya sabi ni Cas, mas matutulungan nya kuya kung aalis sya para humingi ng tulong. Kaso hindi na nya nagawa, sinabunutan sya nung isa sabay umpog sa kanya sa railings ng tulay.

Nagising sya kasi ang ingay ingay. Nasa ospital na sya, umiyak na sya ng umiyak nung sinusubukan nyang kausapin kuya nya, pero static na lang. Tapos may babaeng pulis pa, sa dami ng pumapasok na thoughts sa isip nya, nadistinguish nya yung iniisip ng pulis. Naawa sa kanya, sa kanila ng ate nya, sa buong pamilya nya, kasi bakit, patay na kuya nya. Sinaksak ng ice pick.

Nakulong yung lima. Pero ang sinasabi daw nila lagi sa hearing, wala silang matandaan. Nung sinabi nga daw nung abogado na patay na yung kuya ni Cas, nagsi iyakan yung lima. Mula nun, nakakabasa na ng isip si Cas. Kaya lagi syang may headset, naging habit na nya. Akala nya kasi pag naka headset sya tapos naka full blast yung volume, wala na syang maririnig, pero wala eh. Pumapasok pa rin.

Carl

Si Carl. Bukod sa ability nya, may third eye sya. Pero ayaw nya ng mga nakikita nya. Hindi kasi sya naniniwala na yung mga nakikita nya, kaluluwa, kristyano sya e. Unang beses na nakapag galaw sya ng gamit, akala nya multo yung may gawa. Tinatamad kasi syang tumayo para kunin yung remote, tinitigan nya daw mabuti yung remote tapos napasigaw sya kasi lumutang yung remote. Pagsigaw nya, ayun nahulog, durog, kawawa pwet nya.

Edi akala nya nga multo. Kasi noon daw oras oras, minu minuto may nakikita sya, babaeng nakabigti. Pugot ulo, basta mga ganunan.

Hanggang sa mapatunayan nya na sya talaga yung may gawa. First year highschool sya. Oo hindi pa k-12 nun mga brad hahaha. Intrams, nagtatry out sya sa basketball. Pinagtatawanan sya ng iba, kasi maliit lang sya, hanggang ngayon, 5'2 lang sya. Yung bully sa school namin dati, tinulak sya paalis sa pila. Nasa huli tuloy sya. Tapos yung si bulldog na yung pumalit sa kanya. Nung titira na si Bulldog, tinitigan nya raw mabuti yung bola, inisip nya na hindi nya paabutin sa ring yung bola. Yun airball ang tira ni bulldog. Natanggap si Carl. Sya hindi hahaha.

Mula nun, nagpractice na si Carl. Tuwang tuwa sya nung napalutang nya yung kama nya, aparador, lahat ng gamit sa kwarto nya. Pero nung biglang pumasok tatay nya sa pinto, mali pala, giniba daw ng tatay nya yung pinto. Bumagsak lahat, pag sinabi kong lahat, lahat ng gamit nila sa bahay.

Pinagalitan sya ng tatay nya. Wag na wag daw nyang gagamitin yun kasi hindi bigay ng Diyos yung ganun. Mula daw nun, sinubukan ni Carl na hindi na gamitin. Pero nasa puberty stage sya nun kaya malamang sa komang, alam nyo na na hindi sya tumigil.

My Weird Sister in Law And Her Bestfriend.Where stories live. Discover now