Chapter 18

208 6 0
                                    

Chapter 18: where am I?

Bigla nalang naging isang ipo-ipo/ turnado ang pangungusap at parang hinihigop nito ang kadiliman na siyang pumalibot sa buong paningin ko hanggang sa naramdaman ko nalang na pati katawan ko hinihigop din nito at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakakaramdam ako ng pagkahilo na siyang hindi kinaya ng isipan ko kaya napapikit ako.

Naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa isang matigas na bagay na siyang nagbibigay katinuan ng isip ko.

Ouch! Sigaw ko ng biglang tumilapon ang katawan ko sa malabatong lugar.

Tumayo agad ako at pinagpag ang alikabok na dumidikit sa damit ko.

Isa palang kuweba ang nilaglagan ko. Nakakabweset dito pa talaga ako nilaglag.

Ito na ba ang pangatlong station?

Malalaman ko din to mamaya.

Naglalakad lang ako ng dahan dahan dahil wala kasing nagpaparamdam sa kinatatayuan ko at wala manlang kaliskis o mga tunog na meron ang lugar na ito.

Lumipas ng ilang minuto ng paglalakad ngunit parang wala paring nangyayari. Parang nasa kinatatayuan ko parin kanina ang tinatayuan ko ngayon. Sa tingin ko ay pantay lang ang pagkakagawa ng kwebang ito kaya kasing kagaya o kasing sukat lang ang nakikita ko sa loob nito.

Mayamaya ay nakakarinig na ako ng mga patak ng tubig na siyang nagpapahiwatig sa isipan ko na malapit na akong makalabas sa kwebang ito.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang narating ko ang pinanggagalingan ng patak ng tubig kanina.

Pagdating ko ay bigla nalang bumulaga sa harapan ko ang umiikot na mga letra na bumubuo ng isang pangungusap. Para itong turnado na biglang bumibilis ang pag-ikot depende kung ilang minuto o oras mo itong natitigan.

Buti nalang at nabasa ko na ang katanungan bago ito bumilis na umiikot -ikot.

" I can turn your mind and make your sight out of control"

Nakakahilo na talaga ang pagikot ng mga letra na siyang nagpapasuko sa aking mga mata.

Pati utak ko ay hindi na kinaya ang pag-iisip ng tamang sagot na parang ilang minuto nalang ay babagsak at babagsak na talaga ang katawan ko dahil sa nararamdaman kung pagkahilo.

Pipikit na sana ang mga mata ko ngunit bigla nalang may pumasok sa utak ko na isang salita na siyang lumabas sa bibig ko at nasabi ko bago pumikit ang mga mata ko. " turnado"

.......................

Patricia POV

Besy! Anong nangyari sayo? Okay kalang ba? Ito ang mga katanungan na sumasagi sa isip ko. Hindi ko kasi alam kung anong nagyari sa kanya. Bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

Bigla nalang nailipat ang screen sa ibang players. Sa pagkakataong ito ay napakaraming kalahok ang natanggal sa paligsahan. Bumaba ang bilang nito sa sampo natanggal lahat sila sa pangalawang pagsubok. Sampo nalang ang natitirang kalahok at kasali rito sina Tristan at Dyniel.

Naiexcite tuloy ako sa kalalabasan ng compitisyong ito. Sa tingin ko ay ang station 3 na ang pinakahuli ng Compitisyon dahil sa nakasentro na ang malawak na kapatagan na siyang kinababagsakan kanina ng bessy ko.

Napatingin naman ako sa kinalalagyan ni Tristan. Nasa dulo na siya ng station 3 ng bigla itong huminto sa kinatatayuan niya at napalingon sa likurang bahagi niya.

Nakafucos naman ang screen sa likuran niya. Bigla nalang sumalubong sa harapan ng Screen ang seryusong mukha ni Dyniel na nakatitig kay Tristan.

Ngumiti lang si Tristan sa nakita niya na tila ba inaasahan na niya ang pagkakataong ito.


😐😎😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮

Susunod na ang next Chapter.

Spiriter World (The World Of Spirits And Spiriter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon