Part One

5.3K 66 4
                                    

Part One 

"KATHRYN, bilisan mo naman...” sabi ni Julia Montes, ang aking dakilang best friend na malapit ng ikasal kaya napagpasyahan niyang hilahin ako dito sa Camiguin para makapag-bonding. Aniya, baka hindi na kami masyadong lumabas na magkasama dahil bubuo na siya ng sariling pamilya. Clingy rin ang isang ito eh.

“Oo na, eto na nga di ba?” sagot ko sa kanya habang dala-dala ang bagahe ko. Ang bigat kaya nito. Paano niya ini-expect na magmadali ako?

“Ang dami mo naman kasing dala. Para namang dito na tayo titira,” ungot niya.

Siyempre marami akong dala. Isang linggo rin kami dito sa Camiguin. Alangan namang maglaba pa ako kapag wala na akong damit na isusuot.

Nirolyo ko na lang ang mata ko habang sinusundan siya papasok ng resort na may accommodation na tutuluyan namin ng isang linggo. Kaibigan ata niya ang may-ari nito eh. Hila-hila ko ang gamit ko papunta sa lobby.

Natigilan ako ng makita ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Itim na buhok, itim at mapungay na mata, matangos ang ilong at natural na mapulang mga labi. Matangkad at katamtaman lamang ang laki ng pangangatawan. Halos mapamura ako ng mag-angat siya ng tingin at nagkasalubong ang aming mga mata.

Bakit nandito ang isang ito?

Tumaas ang kilay ko ng naglakad siya papalapit sa amin na may nakakalokong ngisi na nakapaskil sa nakakainis na gwapo niyang mukha. Nakahalukipkip pa siya habang papunta sa amin. Tumigil siya sa harap ko at halos ihambalos ko na yung bag na bitbit ko dahil hindi nawawala yung ngiti niya sa labi na parang nanalo ng lotto.

“Long time no see, Kath,” sambit niya sa nakakaakit na boses.

“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?!” sigaw ko sa kanya.

Napatingin na halos lahat ng lobby sa aming dalawa, siyempre kabilang na si Julia.

“Nagbabakasyon ako,” sagot niya. “At bakit naman kita susundan?”

“Buti nakapagbakasyon ka pa. Eh halos mamatay ka nga kapag hindi ka nakakapasok sa ospital kahit isang araw man lang,” saad ko.

Daniel Padilla ang pangalan ng lalaking kausap ko. Isa siyang magaling na heart surgeon at malapit na siyang maging director ng isang private hospital. At itong lalaking ito ay naging ex-boyfriend ko. As you can see, ang bitter ko sa kanya dahil hindi naman naging maganda ang paghihiwalay namin.

“Grabe ka naman. Kailangan ko rin ng bakasyon, paminsan-minsan,” sabi niya sa akin.

Isang dahilan ng paghihiwalay namin ay kulang siya ng oras sa akin. Laging late sa mga dates namin na parang once in a blue moon lang naman. At isa pa, napaka-stiff niyang tao and he always wants to abide by the rules. One time, niyaya ko siyang makipag-sex sa hospital bed at itong lalaking ito, tinanggihan ang beauty ko. Hindi niya ba alam kung gaano kasakit iyon?

Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon