Part Six
KUMURAP ako ng paulit-ulit at nagbabaka-sakali na ilusyon o panaginip lang ang lahat. Hindi pa ako nakuntento at marahan ko pang sinampal ang pisngi ko para magising na sa kahibangang ito. Pero hindi naman ito gaya ng isang pelikula na kapag dehado na ang bida, magigising siya at malalamang panaginip lang pala ang lahat. Nasa realidad na ako. Hindi ako magigising, hindi ako nananaginip, at hindi ako nag-iilusyon. Totoong nasa harapan ko ang nag-iisang si Leo James Romero.
Kaklase ko siya sa university na pinapasukan ko sa US. Naging malapit kami sa isa't isa, nagkahulugan ng loob, naging kami at dahil naging boyfriend ko si Daniel pag-uwi ko dito sa Pilipinas, malamang sa malamang naghiwalay na kami nung nasa US pa lang ako. Hindi ako two-timer kagaya niya.
Gago kasi siya eh.
Nakita kong lilingon na siya sa direksyon namin kaya agad akong tumalikod. Tumangkad na ako at medyo nagkalaman na mula nung huling pagkikita naming dalawa. Hindi naman siguro niya ako makikilala dahil sa likod ko lang. Nagdasal ako ng taimtim at sana dinggin ni Lord ang aking pakiusap.
"Hello," bati niya sa kanyang malamig at mapang-akit na tinig.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na kinikilig si Miles. Nirolyo ko ang mga mata ko. Mahirap mang aminin pero talaga namang gwapo ang gago kong ex. Siya yung tipo ng taong lilingunin mo talaga at susundan ng tingin.
"Hello po," bati ni Miles pabalik.
"Ako nga pala si Leo James Romero. Ako ang bagong manager ng Chem Lab," pagpapakilala niya.
"Ako naman po si Miles Ocampo. Analyst po ako dito, more specifically sa Vitamin C and Raw Materials," saad naman ni Miles. Hindi na maialis ang ngiti sa kanyang labi.
"At ang babaeng nakatalikod ay si?" patanong na wika niya.
Tumingin sa akin si Miles at ngumuso sa harapan niya. Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya. Nagtatanong na ang mga mata niya. Nagkibit-balikat lang ako.
"Leo, nasa table mo na yung files na hinihingi mo," rinig kong sabi ng isa sa mga supervisors namin.
"Okay sige. Salamat," aniya. "Oh siya, mauna na ako sa inyo. Madami pa kasi akong gagawin. I'm looking forward to know all of you."
Narinig ko ang mga yabag niyang papalayo sa amin.
"Wala na ba siya?" tanong ko kay Miles.
Nagtatakang tumango siya sa akin. Sumilip ako sa likod ko at nakita kong wala na nga siya kaya naman humarap na ako.
"Anong problema mo? Ang gwapo kaya ni Sir Leo! Grabe, ang ganda ng mga mata niya. Parang gusto mo na lang maligaw sa mga iyon," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]
RomanceKathryn has always been unlucky when it comes to boys. Will she ever find the perfect boy for her? Or will she end up with her ex-boyfriend who she despised the most?