Nung mga panahong walang problema.
Yung tipong kapag nabali ang ipit tsiyaka lang ngangawa.
Mga panahong tayo ay bata pa.
Dumating ka.
Sa tamang panahon, at tamang lugar.Kailangan ko ng magbibigay sa akin ng aliw.
Ayoko ng payaso, masiyadong nakakatakot.
Gusto ko yung kayang makipaglaro sa akin.
Yung kahit anong trip, sasakyan.Dumating ka sa buhay ko.
Naglaro tayo sa ilalalim ng mangahan.
Sabi mo ikaw ang tatay, at ako naman ang nanay.
Ang anak daw natin ay ang iyong kapatid na panganay.
Panganay nga ang tangkad nama'y pangbunso sa sobranh liit.Naglaro tayo, sabi ni kuya ikiss mo daw ako.
Sabi ko, ayoko.
Pero mukhang may sariking utak ang aking mga mata.
Tinitigan ko ang iyong labing kay pula.
Nakakaakit, wari sa aking murang isipan.Dahan dahan kang lumapit.
Ako nama'y kumapit.
Kumapit sa iyong balikat, at tayo'y sumayaw.
Sumayaw na ang tugtog ay ang ritmo ng mga batang pusong nagmamahalan.
Ang ilaw na nanggagaling sa buwan, ay ang ilaw para makita ko ang kabuoan ng iyong mukha.
Dahan dahan walng nagsalita.
Dumampi ang iyong malambot na labi sa akin.
Mabilis. Halatang bata pa talaga tayo.Tinawag kayo ng inyong ina't ama.
Kakain na daw ng hapunan.
Sabi mo naman paalam.
Pero di kita nasagot.
Dahil, kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari'y panigurado akong malalagot.
Di ko alam kung anong meron ka.
At ang "halik" na iyong binigay.
Para akong nanlambot.
At ng di ko mamalayan na hinawakan ko na pala ang aking labing nadampian ng iyo.
Doon ko napagtanto, sa musmos kong isipan, ako ay nagmahal...Kinabukasan, pumunta ako sa inyong tahanan.
Dala ko ang mga laruang luto-lutoan.
Aayain ka sana, kung pwede ka.
Pero iba ang nasaksihan.
Wala na ang inyong mga kagamitan.
Ako'y nag-alala, baka kayo'y nanakawan.
Tinawag ko ng paulit-ulit ang iyong pangalan.
Walang sumagot.
Humihikbing naglakad ako papunta sa mangahang saksi ng aking pagmamahal.
At paulit-ulit itong sinipa, hangang sa ako'y mapagod.
Umuwi ako't sinabi sa king pamilya ang nangyari.
Hindi ang "halik" kundi ang pagmamahal ko sayo.
Hindi sila naniniwala.
Bata pa lamang daw ako, at marami pang makikilala.Sampung taon?
May utak na ako nun.
Kailangan ko lang ng gabay.
Pata hindi mapariwara ang buhay.
Gusto kong isigaw sa kanila.
Nagkulong ako sa kwarto.
Umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog.Dumaan ang apat na taon.
Katorse anyos na ako ngayon.
Hinihintay pa rin kita.
Pero wag kang mag-alala, may mahal na akong iba.Salamat sa kaniya't di na ako nakulong sa mga bakit at sakit
Di na ako nagpaagos na lang sa pagtangay sa akin ng mga alaala ukol sa'yo.
Salamat sa taong minahal ko't, ika'y malaya na...Paalam, dating kaibigan.
Sana mahanap mo na rin ang tunay na kaligayahan.Kung inyong iisipin, ako'y bata pa sa inyong patingin.
Hindi ako malandi, hindi ako karengkeng.
Pianapapasok ko lang ang mga dumarating.
Bago niyo ako husgahan, kilalanin niyo muna ang inyong kinakalaban.
Ganitu lang ang itsura ko, pero marunong akong lumaban...
BINABASA MO ANG
Dating Kaibigan (Spoken Poetry)
RomanceHinintay kita, pero mukhang nahanap mo na ang kaligayahan. Kay sige, pinapalaya na kita sa mga kamay kong mahigpit na nakayakap. Nakayakap sa alaala ng dating pag-ibig