Lei's Pov
'Hey Leihla! Let's go muna sa canteen. I'm hungry na kaya, its too maaga pa. We're not male-late naman. Errr! You make tayo na nga. You're so mabagal errr!' sabi ni Prezilah Mey, bestfriend ko. Tinitigan ko lang siya kaya padabog siyang umalis at iniwan ako.
First day of school palang pero gusto ko ng mag-bakasyon. Nga pala I'm Leihla Pattriccia Alonzo, Lei for short.
18 years old from Quezon City. Grade 12 na ako pero di halata sa height but it's okay because bawing-bawi naman sa face. Di sa nagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo.Hindi ko namalayan na dumarami na pala kami dito sa classroom. Dumating na rin yung adviser namin pero wala pa rin si Prezilah. That girl errr! Don't tell me she's going to skip classes? Mygheee first day palang!
Maya-maya dumating na din ang magaling kong kaibigan. Pangiti-ngiti pa si gaga sa pintuan. Seriously?!
'Sorry po I'm late.' Sabi niya sabay pasok.
'Binigyan ba kita ng permiso na pumasok?' Tanong ng adviser namin sabay taas ng kilay. Napa-irap nalang ako. Pag ang estudyante ang nalate bawal? Tapos pag sila, pwede? Duh!
'Sorry po. There are madaming students po kaya I can't make bilis. Alangan naman pong I use boys' cr eh I'm not lalaki naman. I'm a babae kaya. A pretty babae.' Banat ni Prezilah. Hindi ko naiwasan ang pagtawa kaya naman nalipat sakin ang tingin ni ma'am.
'Anong tinatawa-tawa mo ha? May nakakatawa ba ha?' Inis niyang tanong.
'Hindi naman po ako tatawa kung walang nakakatawa. Hindi naman ako baliw.' Mahina kong sagot na ikinatawa ng mga kaklase namin.
'Anong sabi mo?' gigil na tanong ni ma'am.
'Papasukin niyo na po si Prezilah. Mauubos po oras natin ng walang nagagawa.' Sabi ko sabay ngiti.
Inis na pinapasok ni ma'am ang gaga kong bestfriend.'Waaaah! I'm so maswerte talaga because I have a kaibigan like you. ' Sabi ni Zi sabay punas-punas luha pa.
Napa-irap nalanga ako. Mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na lunch time na pala. Papunta na kami ni Zi sa canteen ng may biglang humarang sakin. Isang babae. Hindi ko kilala. Nagulat ako ng bigla niya kong sampalin.'What the hell?!' Sigaw ko.
'Malandi kang babae ka! Kapal mo naman para agawin ang boyfriend ko!' Galit niyang sabi.
'Are you crazy? Wala akong alam sa sinasabi mo. ' Inis kong sabi.
'Maang-maangan ka pa! Eh siya mismo nagsabi na ikaw ang bago niyang girlfriend. He even showed me your picture nung sinabi niya yon kaya hindi ako nagkakamali.' Sabi niya sabay hila sa buhok ko. Ayoko siyang saktan pero mapilit siya. Hinila ko din ang buhok niya at sinabunutan siya. Si Zi naman walang ginawa kundi icheer ako.
'Go Lei! Kaya mo yan! Ubusin mo buhok ni ate girl! Ikaw ang manok ko woooohoooo!' Sigaw niya. Maya-maya may umaawat na samin. Mga estudyante rin. Tapos may isang outsider na humila sa nanabunot sakin.
'What the hell are you doing?!' Galit na tanong nung lalaki. Ok gwapong lalaki.
'Papatayin ko yan!' Sabi ni ate girl sabay turo sakin. Tumingin sakin yung lalaki at halatang gulat na gulat. Oh so he's the guy na nagsabi na ako ang bago niyang girlfriend? What the hell? I don't even know him.
'Gago ka ba?' Inis kong sabi. Lumapit siya sakin.
'Are you hurt?' Tanong niya. Gosh!
'Pwede ba! Ilayo mo nga sakin yang baliw mong ex. Duh! Sinasayang niyo oras ko. ' Inis kong sabi.
'Hey don't be mad. I'll take care of her. Let's talk later ok?' Sabi niya sabay bitbit kay ate girl palabas ng university. Unti-unti ng nag-alisan ang mga chismoso't chismosa kong schoolmates at classmates. Niyugyog naman ako ni Zi.
'Wahhh! You got a boyfriend tapos you don't make sabe naman sakin ang about him? Ghad! You're so nakakainis. ' Madrama niyang sabi. Seriously naniwala siya sa lalaking yon?
'Duh! Hindi ko nga kilala yon tsaka hindi ko siya type. Babaero ew!'
'Eh why he make sabi na you're his girlfriend don sa ugly ex niya? Is he baliw ba para do that?'
'Di ko alam don. Hindi pa kami tapos. Kailangan niyang managot sa ginawa ng ex niyang panget. Bakit ba kasi ako pa ang dinamay niya sa kalokohan niya?! Kung makaasta pa kanina parang may relasyon talaga kami. Duh!' Inis ko sabay hila na kay Zi pabalik sa room. Malapit ng matapos ang lunch time besides wala na rin akong ganang kumain. Mukha namang busog si Zi dahil kumakain siya habang may klase. Gosh!
Uwian na! Myghad sobrang daming nangyari. Naalala ko na naman tuloy yung bwiset na lalaki kanina at yung ex niya.
'Hey Matt and I will kain sa labas. Wanna join us? Pero ikaw rin baka you'll mainggit lang to our sweetness.'
'Wow ha! Inaya-aya mo pa ko tapos gaganyanin mo ko. Anong klase kang kaibigan ha?! Duh!' Iritado kong sabi kay Zi. Tumawa siya sabay sabing 'Don't make tampo na nga. It's not bagay kaya. I'll go na. I don't want Matt make hintay pa to me.'
Tinulak ko na siya papasok sa van nila. Nagflyingkiss pa sakin ang gaga. Yuck!
I was about to call my driver when someone called me. Bigla akong nainis. Yung lalaki kanina.
'I'll give you 1 minute to explain.' Galit kong sabi. Mas lalo akong nainis dahil tumawa siya. What the?!!
'Are you serious?' Tanong niya.
'Yes! Kaya don't laugh! Its not funny! Gosh you're so annoying!' Sabi ko at sinamaan siya lalo ng tingin.
'Let's talk somewhere. Wag dito.' Sabi niya.
'Busy akong tao. Wala akong time para sayo.' Sagot ko.
'Ok. Di nalang ako mageexplain.'
'Edi wag. Pake ko sayo! Sainyo! Basta sabihin mo sa baliw mong ex na tigilan ako. Tell her na wala tayong relasyon dahil wala naman talaga. ' Sabi sabay alis pero dahil maganda ko hinabol ako ni kuya.
'Ano na naman?!' Errr!!
'Ayoko ngang sabihin. ' Pang-iinis niya.
'Ano ba?! Adik ka ba?!' Gosh inuubos niya pasensya ko ha.
'Chill ka lang, babe. Nga pala see you tomorrow. Classmates pala tayo. Tignan mo nga naman. Meant to be talaga tayo. '
'What the hell?!!!! Ano bang problema mo ha? Wag mo kong subuk-' Hindi nya na ko pinatapos. Bastos!
'Init ulo ha. Chill babe! See you bukas. Bye!' Sabi niya sabay sakay sa motor niya. Errr!
YOU ARE READING
That annoying transferee
RandomAnnoying transferee vs. Mahilig mambara na old student Away dito, away doon May pag-asa ba pang ang asaran ay mauwi sa pag-iibigan? -- this is my first story so pls wag kayong masyadong mag-expect