➳ 01.

79 10 0
                                    

Seokmin's POV

"seoks okay lang ba talaga suot ko? bakit kasi parehas tayo ng damit tapos sayo ang ganda-" nilagay ko ang dalawang daliri ko sa labi ni hyung dahil halos limang beses na siguro niyang sinasabing hindi bagay ang suot niyang damit sa kanya.

"hyung wala ka bang tiwala sa best friend mo? bagay nga kasi sabi sayo." sagot ko naman sa kanya

"seoks kinakabahan ako." hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako hindi dahil sa paghawak niya dito kundi dahil basa ang mga ito.

"hyung ano ba? bakit mukha kang natatae diyan? sa kasal ng noona ni seungkwan tayo pupunta, hindi sa kasal nat- mo." putek lee seokmin ayus ayusin mo naman mga sinasabi mo.

Napayuko naman siya sa sinabi ko. Malapit na kami sa venue ng kasal ni noona pero maaga pa pala.

"hyung, kumalma ka nga. kanina ka pa palakad ng lakad diyan, hindi ka ba nahihilo?" kalmadong sabi ko sa kanya. kanina pa ako nahihilo dito pero bakit hindi ko kayang mainis? kwon soonyoung naman tsk.

"seokmin alis na tayo dito." pagkasabi niya dito ay hinatak niya ako palabas at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay ko.

"hyung, hyung teka lang yung kamay ko masakit." napatigil naman siya sa paglalakad ng mabilis sa sinabi ko.

"seokmin totoo ba talagang bagay yung damit ko sakin?"

"hyung may problema ba? hindi ka ba komportable sa damit? mabaho ba yung pagkakalaba ko? may gusot? may pinopormahan ka ba dun? ikaw hyung ah" sabay ng pagtawa ko, pero napatigil din ako dahil sa napansin kong napayuko si hyung at biglang namula.

"h-hindi wala ah!" halatang hindi nagsasabi ng totoo. sino naman? babae ba? o lalaki? gwapo ba yan? baka mas gwapo ako dun ah. magaling ba kumanta yun? basketball player din ba sya? part ba siya ng music club sa school nila? matangkad ba yun? ano kayang pangalan niya? ano kayang meron siya na wala ako?

"huy seokmin! nakikinig ka ba sa sinasabi ko?! halos limang minuto ka na nakatulala diyan."

"ah hehe ano nga sinasabi mo?"

"sabi ko baka nandun si sharmaine."

"sharmaine? yung pinsan ni jeonghan hyung? yung nakatalo sayo sa dance competition last year?" napatango na lang ito sa sinabi ko.

"oh anong meron kay sharmaine?"

"wala wala halika, balik na tayo sa venue, pero bagay talaga suot ko ah?"

"putek naman soonyoung-hyung isang ulit pa masasapok na kita promise. halos 13 years na tayong magbest-friend pero ngayon palang kita masasapok."

"ewan ko sayo hahahaha" bakit parang may kutob ako?  bura bura seokmin, bakit naman may ililihim best friend mo sayo?

💬

Natapos na ang kasal nila noona kaya nandito na kami sa reception. Nagpaalam sakin si soonyoung hyung na mauna na daw ako kumain at pupunta lang siyang cr.

"Seokmin!" rinig kong tawag sakin, teka parang boses ni Joshua hyung yun ah?

Hinanap ko yung taong pinanggalingan ng boses at nakita ko nga si Shua hyung!

"Hyung!" pasigaw na sabi ko at binitawan ang pagkaing hawak ko at dali daling tumakabo at niyakap siya.

"Bakit ka nandito hyung? Nasaan si Jeonghan hyung? Kamusta kayo? Kailan pa kayo umuwi?"

"Oh dahan dahan lang diyan seokmin, hahahaha kaninang madaling araw lang kami umuwi, si jeonghan hyung mo, nandun kay chan, namiss niya talaga yung batang yun eh."

"Nandito din si chan? Hyung kumpleto na tayo ulit!" Napalakas ang boses ko kaya napatingin samin ang ibang tao dito. Ahh wala akong pake basta kumpleto kami ngayong gabi!

Hinanap namin sila soonyoung hyung at seungkwan dahil baka hindi din nila alam na nakauwi na pala sila joshua at jeonghan hyung galing LA. Nakita namin si seungkwan at nakita din kami nito at napalaki ang mga mata nito.

"OH MY GOD JOSHUA HYUNG?!?!" at sa sigaw ni seungkwan, wala na, napatingin na talaga samin lahat ng tao. Napa-peace sign nalang tong lalaking to sa mga tao.

"KAILAN KA PA UMUWI HYUNG? NASAAN SI JEONGHAN HYUNG? KAMUSTA KAYO?"

"Teka lang din seungkwan, hinaan mo boses mo at parehas na parehas talaga kayo netong si seokmin ng tanong ah."

"Ay sorry na kasi hyung, namiss ko lang talaga kayo." at lahat naman kami ay napatawa. Hindi katagalan ay nakita na rin namin sila jeonghan hyung at chan na mukhang tuwang tuwa nanaman sa isa't isa.

💬

"Aalis na kayo agad sa isang linggo? Ang bilis naman hyung." malungkot na sabi ni chan. Halos dalawang oras na kami nag uusap dito pero wala pa rin si soonyoung hyung. nasaan nanaman kaya sumuot yung lalaking yun.

"Hyung pupunta lang akong cr ah." palusot ko para hanapin ko na si hyung.

Pumunta muna akong cr at tsaka tinawagab ito.

"Soonyoung hyung naman, sumagot ka na please."

💬

23 missed calls from : seokkie
19 texts from : seokkie

💬



🌸shan ↻ note

sorry idk what i am doing aaaa medyo boring pa yung mga unang chapters
sorryyyy for the lame work, i promise to work harderㅠㅠㅠ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

words ↻ soonseokWhere stories live. Discover now