Yung nakaraan, nakaraan na. Hindi lahat ng lovestory, pare-pareho. Kung matatakot ka sa multo ng nakaraan, hindi mo mahahanap ang tunay na kaligayahan kung di mo susubukan. Kung magkamali, edi mali, subok uli. Ganyan ang buhay, tuloy lang, hanggang matagpuan mo yung magbibigay sa buhay mo ng kulay. Parang pagluluto ng ulam lang yan, kapag sablay, malalaman mo kung anu kulang. Luto lang ulit hanggang sa makuha ang tamang lasa. Sa mga sablay na luto, syempre maaaring may nasasayang gaya ng rekado at effort. E kung ayaw mong maka-akasaya, dapat wag ka na magluto, wag ka na ring kumain. Ganun din sa pagibig, kung ayaw mong mag aksaya ng effort at panahon, wag ka na magmahal. Tatanda kang malungkot at mamamatay kang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Hugot Pa Besh
DiversosHugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018