-Kyria-
Nasa library ako ngayon at naghahanap ng libro, maraming mga bago at bagong dating kaya't todo hakot ako, baka maunahan pako, mahirap na.
4rth day of school ngayon and It's been 3 days nung last akong nagpunta sa food court at nakasagutan yung lalaking di ko kilala, di narin nagcross ang landas namin,syempre ss laki ba naman ng campus. Hindi narin ako pumunta ng foodcourt simula nun. Ayoko ng gulo.. Ayokong magulo ang buhay ko.
Naging mabilis ang usad ng buhay ko, ewan ko. Siguro kung kayo maging ako, mabobored kayo pero ako? Never akong nabored sa buhay ko as long as i can read books. My books are my friends, siguro kaya walang nakikipag kaibigan saken kase ang hilig ko sa libro, di sila makarelate, iilan nalang ang gumagamit at nagbabasa ng libro. Puro na sila internet, mas maganda nga ang libro kasi kumpleto.
Speaking of kaibigan... Nagulat ako ng may umupo sa harap ko, as in nasa iisang table kami. Babae sya so don't conclude something okay.. Kase walang something.
Hindi ko parin tinitingnan yung babaeng umupo sa harap ko, nagfocus parin ako sa binabasa ko nang magsalita sya.
"Hi ^_^" she Nicely said with a sweet smile on her face showing her perfect white teeth. I look at her for about 3 seconds at ibinalik ko ang attention ko sa binabasa ko, She's a transferee I guess. Wala rin syang pin eh. Pero familiar yung face nya... Wait, why do I care? Arrgh
"Uhh.. I'm Keira Clare Gomez, 16 years old ^_^" ngiting sabi ulit nya, di ko nalang sya tinapunan ng tingin at nakatuon ang attention ko sa libro.
"Transferee ako...I mean kami ng kuya ko, from St. Patrick" at ngumiti ulit sya... How can I resist this beautiful girl in front of me?
"4rth day of school na... Wala parin akong kaibigan, eh ikaw, bakit wala kang kaibigan? Nakikita kasi kitang loner, I mean hindi ka naman transferee pero parang walang nakakakilala sayo at Parang wala kang kilala" sabi nya na parang nagtataka ang tono nya... Ang daldal nya grabe.
Ibinaba ko ng dahan dahan ang librong hawak ko, nakita kong nagulat sya at ngumiti. She's nice naman atsaka walang masama kung kakausapin ko sya ngayong araw (ngayon lang) siguro di narin kami magkikita bukas.
"I'm Ky--" before I finished my sentences, she cut me off "Kyria Arellano? I know, magkaklase tayooooo ano ba hahahah" mahinang tawa nya.. Ohh kaya pala familiar sya, so makikita ko parin pala sya. "Alam mo Keira, yung mga tulad mo, na nakikipag usap sa bookworm na katulad ko ay hindi kapani paniwala, tell me, may kailangan kaba? Projects? Assignments? Anything? " I asked.
Kumunot ng onti yung noo nya pero ngumiti ulit sya, "Grabeh ka naman, Di ba pwedeng nakikipag kaibigan Lang? Kase nga transferee ako at wala pakong kaibigan" sabi nya. "Ba't sakin ka nakikipag kaibigan? Marami namang iba" sabi ko at nagbasa ulit.
"Bookworm kase ako, bookworm karin, Wala kang kaibigan, wala rin akong kaibigan, Kaya ikaw ang napili ko, diba soulmate tayo" ngingiting sabi nya, napangisi ako't napa iling. "It's up to you" sabi ko at nagbasa ulit.
"Psstt... Kyria, pwede ba kitang tawagin na Riya?"
I didn't respond
"Uyy... Sumagot ka"
Still didn't respond
"Okay ibang tanong nalang... Ilan kayong magkakapatid?"
Still didn't respond
"Ihhh sungit"
Inilipat ko ang pahina ng binabasa ko."Akala koba bookworm ka? Ba't di ka pa nagbabasa?" Sabi ko pero sa libro parin nakatuon ang pansin ko, "Diba nga, ngayon lang tayo nagkausap so mag 'Get to know each other' muna tayo para totally friends na tayo ^_^" sabi nya at ang lapad ng ngiti.
"Ayokong makipag kaibigan, atsaka Ba't ba ako pa? Marami pa namang bookworm Jan, wag ako, Di ko kailangan ng kaibigan" sabi ko at sa libro parin nakatingin, alam Kong medyo nahurt sya.
"Kase, ewan kinwento kalang ni Kuya saken" sabi nya at nagsimulang nagbasa. Ibinaba ko ang librong hawak ko at matiim syang titingnan, nasa libro ang mga tingin nya "Kuya mo? Kilala ako? Teka? Di nga kita kilala" sabi ko.
"Hindi mo sya kilala, hindi karin nya kilala" sabi nya at nilipat ang pahina ng binabasa nya. "Ehh? Pano nya ako naikwento?" sasagot sana sya nang biglang tumunog ang bell... Pasukan na naman Haist. Nauna ng umalis si Keira.
*********
Second period class na nang hapon at iniisip ko parin kung bakit ako naikwento ng kuya ni Keira sa kanya. Sa harap nakahoodie si Keira so I can't talk to her yet. So instead of listening to Sir Jason who's talking in front right now about shits, nagdesisyon akong matulog nalang, la namang kwenta yang sinasabi nya since next week pa ang start ng Lessons.
*******
*poke*poke*
Bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa desk ko, nakita ko si Keira na nakatayo sa harap ko. "Uwian na Riya, sabay na tayong lumabas" sabi nya at ayan na naman ang matatamis nyang ngiti.
Naglalakad kami palabas, dun daw nya hihintayin ang sundo nya. "So, about nga pala sa kuya mo... I mean, bat nya ko kinwento sayo?" ewan ko kung Ba't ko tinanong yun, medyo nagsisi ako kase baka isipin ni Keira na big deal saken yun.
"Don't get me wrong, curious lang ako
kase wala pa naman akong nakakasalamuhang transferee except you" sabi ko, ngumiti ulit sya ng matamis. Pinamamayabang ba nya saken ang maputi at pantay nyang ngipin?"Si Keyro?" she asked
"Keyro who?"
"My Brother"
"Ohh... Kakilala ko ba sya?"
" *chuckles* Kinwento nya saken yung about sa food court, kung pano mo sya pagsabihan" sabi nya, Anong nakakatawa dun?... Atsaka anudaw?!?! Nakasagutan sa food court?"Wait, don't tell me.. Sh*t, Kuya mo yung lalaking singitero?" I said in disbelief. Natawa ulit sya, "I like it when you call him singitero, well he wants to come first before anyone, ayaw nyang nahuhuli sya" Keira said.
"That jerk, wait... Why am I talking to you? He's your brother, baka magkatulad kayo ng ugali. Ayoko ng ganun" Seryosong sabi ko, Medyo napasimangot sya.
"Grabeh ka naman, kuya kolang sya pero magkaiba kami, super magkaiba. Lagi kaming war nun, Kaya nga nung kinwento ka nya saken na pinagalitan mo raw sya sa maraming tao, na amaze ako. I mean sa previous school namin, halos lahat ng babae gustong lumuhod sa kanya at ibinibigay lahat ng gusto nya. My brother is charming anyway, I can't deny that because we're look alike *wink*"
"He's Beautiful, physically. PHYSICALLY :)" Gwapo nga spoiled brat naman. "Papara nanga ako ng Taxi baka gabihin pako eh, Teka nga San naba yung sundo mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa kaliwa at kanan, tapos sya cellphone nya.
"Parating nayun, nasa gate naraw... Ayy ayan na, Kuya here!!!" sabi nya at kumaway kaway pa... So it's her kuya? Papalapit na sh*t "Sige Keira dun nako maghihintay ng taxi bye--"
Bago ko Matapos ang sinasabi ko ay hinablot na ni Keira ang pulsuhan ko. "Sumabay kana samen, naku ala singko na, mahirap kumuha ng taxi sa ganitong Oras" sabi nya. "Ahh.. Ehh hindi na, aalis nako Keira ano ba" sabi ko. Paalis na sana ako, ang kaso Lang...
"Keira, sino yang kasama mo?" sabi nung familiar na boses mula sa likod ko, Kyria... Takbo na daliiiiiii-- "Si RIYA Kuya, naku HOY RIYA HALIKANA SABAY KANA!!!!"
Sa lakas siguro ng sigaw ni Keira eh aabot hanggang kabilang School. Ayokong lumingon pero narinig ko ang ngisi nung lalaking singitero. Dahan dahan akong humarap, sabi nanga ba, ngising aso ang gag*
"It's nice to see you again Ms. Arellano *wink*"
At tuluyan nakong pumutok sa kahihiyan at inis.
********
Oha!! Sarot hahahahah
Wootwoot~ sulitin ang Wi-Fi ni tita hahahahah short update, Sana may nag aabang so hanggang pangarap nalang :'< Sana magustuhan nyo
YOU ARE READING
Risk (On-Going)
RomanceKyria Arellano is just an ordinary girl with a normal life. Bahay, School, Library ang daily routine nya, no lovelife, no social life. At gusto nya ang routine nyang iyon as long as she's with her books and gadgets. Broken Family sya at sa Mother Cu...