Zia P.O.V
"Ate" Ramdam kong may yumugyug sa akin pero hindi ko ito pinansin.
"Ate hoy" Sambit ulit nito sabay yugyug ulit at may kasama pang hampas.
"Ateeeeeee!" Tuluyan na akong nagising at napa upo sa kama dahil sa malakas na sigaw ng kapatid ko at itinutok niya pa talaga ito sa mismong tenga ko!
"Ano ba Dia, alam mong natutulog pa ako oh! Lumabas ka nga ng kwarto ko" Reklamo ko sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay ko at tsaka nag talukbong ulit pero napabangon ulit ako at napatingin kay Dia na ngayon ay naka cross arms at masama ang tingin sa akin.
"Teka.. Bat naka uniform ka na? Ang aga aga pa excited kang pumasok?"
"Duh ate I'm going to be late, bilisan mo nga isusumbong kita kay mama na nag puyat ka nanaman kagabi kakabasa ng novels." Pananakot nito sa akin.
"Kaya ka nagiging korni eh. Hopeless romantic." Pag papatuloy nito at tsaka nag martsa palabas ng kwarto
Aba't! Letseng bibwit yon.
Tumayo na ako at kumilos papunta sa loob ng CR at tsaka ginawa ang morning rituals ko. Pero bago ako tuluyang pumasok sa CR ay napasulyap ako sa malaking relo na naka sabit sa tapat ng kama ko at nakitang 5:30 palang ng umaga!
For heaven sake ano naman kayang problema ng bibwit na yun at napaka aga niya?
"Ano ba ate! Bilisan mo ngang kumain mas mabagal ka pa sa pagong eh." Napatigil ako sa pag subo at napatingin kay Dia naka cross arms nanaman habang magkasalubong ang mga kilay at nakasandal sa upuan.
"Eh bakit ba nag mamadali ka? Ala sais palang ng umaga, ano namang gagawin mo ng ganito ka aga sa school niyo ha? Dianna Graciella Suarez?"
"B-basta! hihintayin nalang kita sa kotse." Iwas nito sa tanong ko at iniwan na ako sa kusina.
Okay? Ano ba talagang problema niya?
"Zia bilisan mo diyan anak dahil kanina pang nag hihintay sayo yung kapatid mo, bawal daw silang ma late dahil baka bigyan sila ng green slip sa guidance." Sabi ni mama.
Wow ha! Ngayon nya pa talaga naisipang pumasok ng maaga? Ngayong 2 months nalang eh bakasyon na?!
Pero binilisan ko nalang din ang pagkain dahil baka mamaya ay kung ano ano nanamang matanong ni mama tungkol sa performance ko sa school.
Puro bagsak pa naman ako sa quiz namin. ><
"Opo, aalis na po kami byeee" Paalam ko at hinalikan siya sa pisngi niya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
"Mag iingat kayo."
"Opo"
"Kuya pakibilisan po dahil baka malate ang bibwit na ito." Sabi ko sa driver namin at itinuro si Dia.
"What?! Hoy ate wag mo nga akong tawaging bibwit! Dalaga na ako dalaga na!"
Nagulat naman ako dahil sa reaksyon niya at nag tataka akong napatingin sa kaniya.
Ngayon lang kasi siya nag react ng ganiyan sa tuwing tinatawag ko siyang bibwit at talaga namang nakakapanibago dahil ipinag sigawan niya pa talagang dalaga na siya.
Kamakailan nga lang ay naririnig ko pa siyang inis na sinasabing ang bata bata niya pa pero stress na stress na daw siya dahil sa dami ng project at assignment na ibinibigay ng teacher nila.
Tapos ngayon ay halos ipag sigawan na niya sa buong mundo na dalaga na siya?
"Hahahahaha oo dalaga ka na. 11 years old? Not bad nyahaha." Pang aasar ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dear Destiny (COMPLETED)
Short StoryONE-SHOT Story Minsan grabe talaga sumubok ang tadhana. Yung tipong akala mo ayos na lahat tapos bigla nalang palang su-surpresa sayo ang mas matindi pang pag subok. Kaya nga minsan ang hirap hirap maging masaya, dahil pagkatapos ng saya kailangan m...