Soulmate

7 0 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa sinasabi nilang naglalakbay daw ang ating kaluluwa sa tuwing tayo ay natutulog upang hanapin ang nakatadhana para sayo? Kung ako ang tatanungin? Walang katotohanan at purong kathang isip lamang yun para sa akin NOON.

Nagbago ang lahat Simula nang maranasan ko ito.

Papauwi na ako galing sa aking trabaho. Habang nakasakay sa train ay nakatulog ako nang di ko namamalayan.

Pero alam niyo ba yung feeling na sa umpisa ay matatakot ka dahil aakalain mong patay ka na. Yan ang unang naramdaman ko nung humihalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

Naglakad lang ako ng naglakad haggang sa nagsink in na rin sa utak ko na di pa ako patay.

Bawat makita ko pinagtritripan ko. Tulad nalang nang nasa harapan kong dalawang taong naglalampungan ngayon.

" hay naku! Sige lang.. Sulitin nyo na yan. Kasi mag-brebreak rin naman kayo." Saad ko sa harapan nilang dalawa.

Wala akong pake kasi di Nila ako nakikita dahil kaluluwa lang ako na nakatayo sa harapan Nila.

" mga Bata nga naman. Nung ganyang edad ko ang nasa isip ko lang maglaro.. Hay naku talaga! Kawawa ang mga magulang ng mga batang ito." Pagtatalak ko habang naglalakad palayo sa dalawa.

Bigla naman akong napatigil nang may nakita akong isang lalaking nakaupo sa dulo.

Nagbabasa ito ng hawak newspaper nang lapitan ko ito.

"Ang gwapo naman ng lalaking to!" Bulong ko sa sarili ko.

Yumuko ako at mas lalong lumapit sa mukha niya.

Napatigil ako nang bigla siyang tumingin. Akala ko nagkataon lang pero bakit di pa rin niya inaalis ang tingin niya sa aking mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nakikita niya ako. Napatayo ako ng tuwid at dali daling umalis.

"I- Imposible! P-panong nangyari yun?" Kinakabahan Kong tanong sa sarili ko.

Agad Kong hinanap ang katawan ko at bumalik doon.

Nagising ako matapos ang ilang Segundo. Tamang-tama naman na huminto ang train sa station na bababaan ko.

Agad akong lumabas at pawis na pawis na naglakad palayo.

Pagkarating ko sa condo ay di pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kaya umupo ako sa tapat ng computer at nagresearch.

Ayon sa mga nababasa ko ang ating kaluluwa daw ay naglalabay sa tuwing natutulog tayo. 30% lang ng tao ang nakakaalam o nakakaalala ng lahat ng nangyari kapag bumalik na sa kanyang katawan ang kaluluwa niya.

' so.. Isa ako sa mga yun.' Saad ko sa isip ko.

May mga nakikita rin akong mga comment na totoo daw at may mga Iba rin na nagsasabi na kalokohan lang lahat ng nasa article na ito.

Nag scroll lang ako ng nagscroll nang may nakita ako sa isang comment.

@shine
-ako lang ba? Ako lang ba ang may kakaibang experience?

Nakuha nito ang atensyon ko.
Mahigit isang taon na itong nakapost.

Agad ko siyang nimessage.

-Hi shine.. Ako nga pala si Tin. May gusto lang sana akong tanungin. Naguguluhan na kasi ako. Sana matulungan mo ako. Pakicontact nalang ako sa number na ito..09******899. Salamat.

Pagkatapos Kong masent sa kanya ay humiga na ako sa aking kama.

Kinabukasan..

Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa aking cellphone.
Agad ko tong kinuha at sinagot.

SOULMATE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon