Still Waiting (One Shot)

52 2 0
                                    

STILL WAITING…

"Sis, Kinikilig ako sa bago kong manliligaw”sabi ko kay Lei, ang aking bestfriend/sister, hindi ko siya kapatid, sis lang talaga ang aming tawagan.  Ako nga pala si Lara Frances. 4 years na aming friendship, sinubok na ng panahon pero matatag parin kami, ganon kami katindi. Actually, ang dami naming pagkakatulad; sa ulam, ampalaya ang isa sa fave naming, kahit anong putahe pa yun basta may ampalaya go kami, mahilig kami sa siomai at inuulam pa talaga namin, sa ugali hindi rin kami papahuli, pareho kaming masungit at topakin pero mabait naman talaga kami, sa mga damit same taste parin kami, siguro nga lahat na lang may pagkakapareho kami. But, when it comes to boys, dun na kami nagkakaiba.

“Parang alam ko na ang istura niyan, singkit, pogi , matangkad at chubby siya ano?”tanong ni Lei.

“Yeah right sis” sagot ko habang paakbay sa kanya.  Mas prefer ko ang mga singkit,pogi, matangkad at chubby. Adik kasi ako sa koreanovela kaya gustong gusto ko ang mga mata nila, chubby guys for me are cute guys huggable pa kasi sila, at syempre pogi dapat, and last but not the least tall guys.

“Hinay hinay lang Sis, baka in the end masaktan ka na naman” banta ni Lei sa akin.

“Ops! Napakanega mo Sis, huwag nega”sabi ko sabay knock on wood. Baka mapurnada pa ang aking lovelife. Harhar

“Eh kelan ba nung huli kang umiyak dahil broken hearted ka?” tanong niya niya. Totoo naman yun, lagi na lang kasi ako iniiwan. Kaya siguro NBSB ako hanggang ngayon.

“Nakamove on na ako Sis, kaya wag mo ng ungkatin.” Yung huling manliligaw ko, muntik ko ng sagutin, pero nalaman ko na may asawa’t anak na pala siya, saka ko lang naisip na i-add siya sa fb, at dun ko nalaman na married nap ala ang loko. Gago na yun! Yung isa naman, isang buwan palang nanliligaw hayun hindi na nakahintay nakabuntis siya. Ang saklap

“Sis si Chad oh!” sabi ni Lei.

“Nasaan Sis?” napatayo pa ako sa sobrang excited.

“Nako! Basta pag narinig ang name na Chad aligaga ka na Sis” sabi ni Lei habang tumatawa. She’s right, basta pagdating kay Chad aligaga ako, kahit pa siguro tumatae ako pag nandiyan siya go na go parin ako para makita siya.

“Lakas ng tama mo sa kanya” sabi niya habang nagpupunas ng kanyang tears of joy. Lokang babae talaga to, lakas mantrip.

“Alam mo namang siya lang aking love of my life, kung pwede nga lang mang-agaw aagwin ko na siya sa chaka niyang asawa.” You read it right, may asawa na si Chad, nabuntis kasi niya yung girlalo na yun, pinikot lang yata siya eh, bitter na kung bitter pero mas maganda naman ako sa kanya. Hmp!

“Relax Sis, darating din yung para sayo. Si Chad, dumaan lang yan sa buhay mo, para iparanas yung feeling na naramdaman mo sa kanya noon” Ito naman ang gusto ko kay Lei, sa pagiging serious niya when it comes to relationship. Ikaw ba naman ang may boyfriend na inlove sayo since highschool at kayo parin hanggang ngayon, eh di siya na ang maswerte, at ako? Nevermind!

“Yup Sis, thank you kasi lagi kang nandiyan”

“Drama mo sis” and we laughed hard.

“Sis, sorry parating na daw si Daniel susunduin ako eh”sabi ni Lei

“Ano pa nga ba, eh di gora sa sis, ok lang ako dito”

“Totoo?”

“Oo nga, sige ka kapag mamaya hindi na kita payagan niyan na umalis.” Biro ko sa kanya

“Iloveyou sissy”sabay beso sa akin ni Lei

“Uwe agad ha!” sigaw ko at nakita kung tumango siya bilang tugon.

Still Waiting... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon