TWO

7 1 0
                                    

J'Ann

"My God!Kyaaaaahhh!Te ang gwapo talaga ni Kent plus yong Bob!Woah!"

Hyper  niya noh?Huh!

"Feeling ko Te inlove na naman ako...Tapos......Kyah!Dalawa sila si Kent at Bob!Wahh"

O.A niya noh?Huh!

"At tyaka dfghjklzxcvbnm-----"

"Te yang bunganga mo!Tumigil ka mga andyan sila oh papasok dito sa canteen!"

You read it right guys!Nasa canteen nga kami nitong balahora kong kaibigan na sana hindi nalang,charot!

At tama kayo ulit!Hindi pa din siya nakaka get over sa nangyari kahapon.So ayon na nga kuda siya ng kuda na akala mo siya ang BIDA.haha.Mejo nakakalito din kase noh?Anyways tinakpan ko bunga-nga niya dahil ang mga taong bukam bibig niya ay palapit sa amin...Oh Hem Gie!

"Hi girls."bati sa amin ni Bob kaya dali daling inalis nitong gaga ang kamay ko sa bunganga niya.

"Heiiii."
See?Pabebe amputa.haha.Sarehh

"Hi...Ahmm.Pwede maki upo?"tanong naman ni Kent.At yong ano..Si Ano.Oo!Si Mr.Snob...ganun pa din..Snob pa din.huhuhu

Ngumiti ako ng matamis..Nahhh.Sayang yong toothpaste na gamit ko kung walang exposure ang mga ngipin ko noh.Ansabe?Haha.

"Sure."walang pag-aalinlangang sagot ko.Naramdaman ko pa ang simpleng pagsipa nitong kaharap ko.I knew it.Landi niya mga te!

Pinagitnaan ni Bob at Kent si Alexa na pulang pula.When you see her,you wouldn't  thought she just had a heartbreak yesterday.Yan!Kaya siya iiyak iyak dahil kung may gwapo,fall siya agad.Tsk.Unlike me..No boyfriend since birth pero madaming crush at isa dito itong katabi ko----Wait!!!KATABI KO SI CRUSH!!!

Lord..Kung siya na ang para sakin...Please lang ibigay niyo na!

Narinig kung nag-uusap ang tatlo samantalang ako eto nakatungo kumakain.Dahil yong gagang best friend ko, may lalaki lang sa tabi niya limot na niya ako.huhu.Why so silent kase kuya!

Anyways biglang sumagi sa isip ko ang tamatawang si SPONGEBOB kaya naman napangiti ako ng matamis,favorite ko kase siya eh.

"Tsk.Parang baliw."
Alam niyo yong literal na biglang nalaglag yong panga?Ganun ako te!Yong ngiti ko kala mo hinabol ng nanay niya kaya dali daling nawala at nagtago!Tinignan ko ng masama itong katabi ko na napaka presko.After akong pagsabihan ng ganun parang wala na----

"Haha.Biro lang.
Para akong nawalan ng lakas ng makita kong ibaba siya ang cellphone niya!Akala ko ako kausap pero---

"BAKIT?"Ano ba!Lagi nalang napuputol yong nasa isip ko dahil dito sa lalaking minsan na nga lang mamansin masungit pa!
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa biglaang pagtatanong niya.Marahil nagtataka dahil nakatingin ako sa kanya...
Inirapan ko nga!Leche niya!

"Wala." walang gana at plain kung sagot sa kanya.

Bigla siyang natawa kaya naman tinignan ko siya ng masama.
Infaireness mas gwapo siya pag nakatawa.

"Matthew."
Syempre napatanga ako.Eh sa malay ko ba kung ano sinasabi niya.

"Ano?"
Ngumiti siya ng kunti.

"Matthew ang pangalan ko."
Alam niyo yong pagtataka ko  napalitan ng gulat at saya??wew!

Tumango tango nalang ako para kunwari wala lang sakin yon.

"J'ann----"

"O My God Te!Papalapit si Carlo."
Halos manigas ako ng bigla akong makaramdam ng mamasa masa at malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko.

"Hi Ann.Did you missed me?"
Tsk!Ang presko talaga neto kahit kailan.Galawang gago talaga!Ewan ko ba kahit matagal na akong kinukulit neto hindi pa din ako sanay.

Yong taong kadarating lang at ang walangyang lumapastangan sa pisngi ko siya.Siya si James Carlo Amilyo ang gago/leche/siraulong manliligaw ko.Ewan ko ba kung saan siya nagpupunta kase halos 2 weeks siyang wala.Same course kami iba lang ng section.

Hindi na ako nakasagot ng biglang tumayo si Matthew at inilahad ang kamay kay Carlo.

"Matthew Pare."
Simpleng pakilala niya pero hindi manlang inabot ni Carlo ang kamay niya.

"So?"tsk!Gago talaga to.Ang bastos niya nagpapakilala lang yong tao pero kung umasta kala mo----

"Julie Ann's BOYFRIEND"Kung kayo nagulat!?How much more sakin as in lumaki ang mata ko at for sure maging si Alexa na dati ng malaki ang mata ewan ko lang baka Owl na ang hitsure.

"A-Ahmm----"

"Let's  go BABE.. Excuse us."
Ewan ko pero parang na blangko na ako.Naramdaman ko nalang na hawak ni Matthew ang kamay habang papalabas kami sa canteen.

Dinala niya ako sa may park ng school,nang tumigil kami sa paglalakad dali dali kong hinila ang kamay ko at naupo patalikod sa kanya .

"What was that for?"
Plain kung tanong.Okay!Crush ko siya pero it doesn't mean na ganun ganun nalang bigla.Hindi ako kaladkarin or kung ano pa man.I adore this guy but being in a relationship with him in no time hindi yon makatarungan-----

"NOTHING."
Pagkarinig ko sa walang kwentang sagot niya tumayo ako at ngali ngaling sinampal siya!Oo!Sinampal ko ang gagong siraulo na nagsabing girlfriend ako sa harap ng ibang tao tapus sasabihing wala lang daw yon?!

Kita kong nagulat siya pero dali dali rin siyang ngumisi kaya bubwelo na naman sana ako para sampalin siya pero hinuli niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako habang nakangiti ng nakakaloko.

"Hey.Hey lady.Stop over reacting will you?.Tyaka ano ba naman yong sabihin kung boyfriend moko para tantanan ka ng makulit na lalaking yon na obviously paglalaruan ka lang."napatigil ako sa pag-agaw ng ay ko mula sa hawak niya at napatitig sakanya.Mula sa malokong ngiti nasilayan ko ang ngiting maamo sa mukha niya kaya naman hindi ko napigilan ang ngumiti rin sa kanya.
Naramdaman ko ang unti unti pagbitaw niya sa kamay ko habang walang humpay ang titigan namin.
Naputol ito ng biglang nagring ang cellphone niya at sagutin ito.

"H-Helo" rinig na rinig ko ang utal na pagsagot niya bago siya tumalikod at lumayo ng kaunti.

"Ah Oo.Sige babe papunta na ako."
Dinig na dinig ko pa rin boses niya kahit mejo lumayo siya kaya naman mejo nagulat ako sa narinig mula sa kanya---

"I love You too.Bye"

Hindi porket sinabing boyfriend mo siya totoo na kayo na kase ang totoo ginawa niya lang naman yon para ilayo ka sa lalaking lolokohin ka J'ann!Pagkastigo ko sa sarili habang nakatingin sa papalayong pigura ni Matthew.

Ewan ko pero aaminin ko nalungkot ako sa narinig ko dahil meron pala siyang Girlfriend,yong totoo.I mean gaga na ako kung sasabihin kung ok lang ako kahit ganun.Eh diba nga crush ko siya natural naman sigurong masaktan ako ng very light diba?.

Haysssss.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
Authors Note:Hi guys.Hindi ito ang unang story ko sa pagitan ng babae at lalaki pero ito ang unang story ko sa genre na to na ipu-push ko talaga.Kaya sana i-support niyo po ako.Thank you.

Sa lahat pala ng mga sumuporta sa UNANG story kong BxB themed or BoysLove COMPLETE na po siya "PAREho ang Nadarama"thank you guys.Maraming salamat sa pagsubaybay sa istorya kong umabot ng mahigit isang taon bago ko matapos.Haha.Agyaman nak! (Thank you!).Xie Xie!

Follow.
Comment.
Vote.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lonely SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon