Napagpasiyahan namin ng Bf KO XD na mamasyal sa parke ng aming baranggay hall. Oo alam ko ang cheap pero wala akong magagawa kundi tanggapin ito dahil hindi siya mayaman tulad ng nababasa natin sa mga libro at wattpad. Pero kahit ganun kinikilig pa rin ako. Sabi ng Bf ko XD susunduin niya ako ng 1:00pm kaso minabuti ko na hintayin siya sa may kanto dahil mahirap na baka malaman nila mama at papa na may boyfriend na ako. Ayan na siya naglalakad papunta.. papunta sa akin? Di pa talaga ako sanay :3 Hayyst ang gwapo naman ng boyfriend ko nakakainlove syeet..

" Hi bree"  nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nahalata niya naman agad yun "este GF ko XD "  pambawi niya.

"Hi din Bf ko XD kamusta?"  

"Okay lang naman Gf ko XD ikaw kamusta tulog mo?"

"Ahh okay lang medyo puyat sa kakaisip sayo pero okie lang"

Pinagpatuloy namin ang pagkwekwentuhan habang naglalakad papuntang park.

"Ah ganun ako Gf ko ang sarap ng tulog ko yung tipong ayaw ko nang gumising" sabay ngiti niyang sinabi

Ouch Bakit ayaw na niyang magising? ayaw niya bang magkasama kami? Nakakalungkot naman na hindi kami pareho ng nararamdaman.

"oh bakit nakabusangot ka diyan Gf ko XD?"

"WALA! matulog ka na lang kaya" at nauna na ako sa paglalakad hinabol niya ako at hinawakan ang aking mga kamay.

"Huwag ka na magalit Gf ko XD ayaw ko lang magising dahil ikaw lang ang laman ng panaginip ko kaya ayoko na gumising dahil baka pagdilat ko ng aking mga mata ay mawala ka na" at bigla ko namang kinapula ang kanyang sinabi at napalitan ng kilig ang aking galit.

Ngayon ay magkahawak kamay kami at masayang-masaya sa pagkwekwentuhan. Hindi mo akalain na nagsimula ang lahat sa pagiging magbestfriend, naging crush ko siya at eto ngayon kami na.

Nakarating na kami sa parke nang bigla akong humiwalay sa holding hands namin. Nakita ko kasi kaklase namin.

"Bakit Gf ko XD?"

"Nakita ko si extra 1 na kaklase natin"

"Sino si extra 1 ?"

"Yung nasa chapter A yung pakarat na kagrupo ko :3 Ikaw Bf ko ah? Hindi ka nagbabasa ng story ko -_-"

"sorrynabhe :D pabayaan mo na siya, hayaan mo siyang mainggit sayo dahil girlfriend na

kita  wala na siyang magagawa dahil ikaw at ako ay nagmamahalan ng wagas at totoo"

Kyaaaaaaah yan lang ang nasabi ko sa loob-loob ko

"Yiee^^ kinikilig yung Gf ko XD"

"Hala :o hindi kaya!"

"anong hindi? namumula ka nga eh" at bigla siyang tumakbo

"Matty kasi ang bilis mo naman tumakbo"

"Ang taba mo kasi Bree :p"

"Ano Bf ko XD mataba ako? Humanda ka sa akin" Nagwalkout na ako kasi nakakainis ang taba ko daw eh hindi naman eh >o<

"Gf ko XD!!! San ka pupunta?"

"Sa gym magpapayat hiyang-hiya kasi yung katawan ko sa kapayatan mo" sarcastic kung pagsasalita

"Gf ko XD sorry na kahit mataba ka mahal pa rin kita"

Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na naglakad pauwi.

MAGKAKABATI KAYA ANG DALAWA O MAGHIHIWALAY NA? PUPUNTA NGA  BA SA GYM SI BREE O MANGBOBOYHUNTING LANG? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA.

AN: ayan na po mga guyth medyo bitin kasi problemado ako :3

My Modern Love story (onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon