"Dada, malelate na tayo gising ka na!" Pagtatawag niya sakin mula sa pintuan ng kwarto ko.
Yan ang aking kapatid na si Abby, short for Abigail. Nakikigaya na din sa mga kaklase ko. Second year high school na yan.
"Ayaw kooo, inaantok pa ako!" Angal ko at mas niyakap ko ang aking Lifesize Teddy Bear. I named him Matt.
"Bahala ka diyan mauuna na kami"
"Wait! kailangan kong pumasok, hindi ko kayang hindi makita si Vannie my loves"
"Ang OA mo! bilisan mo nalang"
Bumangon na ako at ginawa ang aking daily routine.
Kausap sa picture ni Vannie my loves. Mumog. Kain. Toothbrush. Ligo. Powder. And lastly, blow a kiss to the picture of Vannie my loves.
"I'll see you in school my loves" Sabi ko sa picture.
"Ate nababaliw ka nanaman, malelate na tayo."
"Oo na, oo na!"
Pagdating ko sa school gamit ang kotse ko, oops, I mean kotse ng dada ko...
"Vannieeee my lov- hoy Meirr wag mo hinaharass ang loves ko!"
Nakita ko si Meirr niyayakap ang loves ko!
"Anong hinaharass ka diyan, nagrereklamo ba siya?!", Reply ni Meirr
"Oo, kanina pa ako nagrereklamo dito" Sabi ni Vanie my loves habang tinatanggal niya ang kamay ni Meirr sa pagkayakap sa kanya.
"Si babes naman dine-deny pa, kinikilig ka din naman eh" Sabi ni Meirr at sinubukan ulit na yakapin si my loves.
"Yuck! lumayo ka nga" at tumakbo na si Vannie my loves sa kabilang dulo ng classroom
Nagtataka ba kayo kung sino si Meirr? Isa lang naman siya sa napakagaling kong Bestfriend/ Childhood Friend. Kashmeirr Lione Lagahit, isa siyang middle class girl, neither rich nor poor. Malandi at F.C.. Siya nagsabi niyan hindi ako.
"Jayson! Walanghiya ka! Nagstarbucks ka pala hindi mo man lang ako sinama, may picture na sana ako na nasa starbucks." Sabi ni Pat ng nakita niya yung picture ni Jayson, isa sa mga kaklase ko, sa facebook na umiinom ng kape sa starbucks.
Yan si Patricia Mae Ricaforte gusto niya tawagin ang sarili niyang isang social climber, middle class din, swears to not have a boyfriend unless it's Zayn Malik.
"OMG! Mae nakita mo yung bagong music video ng One Direction?! Ang hot nilaaaa!" Pag spazz naman ni Sam habang niyuyugyog si Pat.
Yan naman si Mikaela Sam Molavizar isang avid fan ng One Direction. Katulad ni Patricia, she doesn't wanna have a boyfriend unless it's Niall Horan.
"Ay hindi, cold sila. Kasing lamig ng Antartica!"
Yan naman si Aidan Lee Farofil, isa sa mga baklang kaibigan ko. Balak atang maging Vice Ganda the Second, wagas makabara!
And lastly,
"Lalalalalalalaaaaaa~!"
Si Emette Evangelista Jr.. Ang baklang feeling singer. Pangarap magkaroon ng boses na katulad ni Mariah Carey.
There's no need to introduce my other classmates, kami lang ang star sa story na to. Chos ~
Ito ang Section IV-Aster. Madaming klase ng tao ang mamemeet mo dito, merong Nymphomaniac, Psychopath, Sociopath, Autistic at kung anu-ano pa...
Joke ^_^
Walang ganyan sa klase namin, pero pag minsan magdadalawang isip ka kung asa katinuan ba talaga sila.
46 kaming lahat dito sa klase at may sari-sariling grupo. Ang kaninang inintroduce ko ay ang aking mga close friends.
Speaking of close friends...
"Raz! Hindi kami papasok mamayang hapon pupunta kami sa bahay ni Sam, sama ka?" Sabi ni Patricia habang inaayos na niya ang mga gamit niya
"Oo naman, basta kasama si Vannie my loves", reply ko
"Sakin sasama si Vannie babes, wag kang epal!", Singit ni Meirr
"Ikaw epal, parehas lang naman tayo ng lugar na pupuntahan"
"Sabi ko nga"
"Okay tayo nina Sam, Meirr, Raz, Van at ako ang sasama, magsulat na kayo ng mga excuse letter niyo", sabi ni Patricia
"Sakin masakit tiyan ko!", sabi ni Vannie my loves
"Sakin naman masakit ulo ko!", sabi naman ni Patricia
"Uy sakin yun ah! Wag ka gagaya, mahahalata tayo!", sabi ni Loraine
"Magpalit ka nalang ng dahilan mo"
"Okay, sasabihin ko nalang may emergency haha"
"Bilisan niyo na! Gusto ko na umalis", sabi ni Vannie my loves
"Vannie my loves, alam ko namang gusto mo akong makasama. Sabihin mo lang, ikakasal na tayo."
"Eeeewwww! In your dreams Raz! Si Baekhyun lang papakasalan ko!"
"Yes my loves, it is my dream to be your wife and I plan on pursuing that dream."
"Whatever" Hindi na ako nilabanan, narealize na niya siguro na may gusto siya sa akin haha.
"Vannie babes doon nalang tayo sa bahay niyo, hindi pa kami nakakapunta doon" Sabi ni Meirr habang pinupulupot niya ang kamay niya kay Vannie my loves.
"Oo nga"Sabi naming lahat maliban lang kay Meirr at Vannie my loves
"Oo na! pupunta na tayo sa bahay" Sabi ni my loves nang hindi kami tumigil sa kaka oo nga. "Para kayong baka" dagdag pa niya.
Hindi na namin yun pinansin at nagsulat na kami ng mga excuse letter namin at umalis na.
Kapag ganyan ang ginagawa namin, usually pumupunta kami sa bahay ng isa namin kaklase just to be safe at sa bahay ni Vannie my loves naman ang pupuntahan namin.
Isipin niyo nalang ang tuwa ko nang nalaman kong doon kami pupunta. This is the first time na makakapunta kami sa bahay niya, hindi siya nagpapapunta doon.
Pagkadating namin sa bahay niya ay nilibot kaagad namin iyon. Malaki ang bahay nila. May game room sila, 5 bedrooms, 3 guestrooms,6 bathrooms, a swimming pool, a gym and etc.. Pero minsan lang niya gamitin ang gym nila.
"Vannie my loves gusto ko makita loob ng kwarto mo" Sabi ko
"Sama din ako babe" Singit naman ni Meirr
"Ayaw ko" Pagtanggi ni Vannie my loves
"Hmph!"
"Dun nalang tayo sa living room, pataasan tayo ng score sa Piano Tiles" Sabi ni my loves
At pinalipas namin ang hapon kakalaro ng Piano Tiles.
-------
A/N: Wag niyo gagayahin ang ginawa nila diyan ha! XD
BINABASA MO ANG
Project: From Gay to Straight
Teen FictionIsang lalaki. Dalawang babae. Isang kalahating babae at lalaki. A story of teenagers on their way to discover love.