Mula sa di kalayuang panahon, may nakapagsabi na may isang mahiwagang lugar dito sa ating mundo na di natin aakalaing meron pala. At ang lugar na na iyon ay makikita kapag ikaw ay nakatingala. Oo! Tama, sa langit nga! Hindi yun heaven ah?
Isang lugar lugar iyon na nababalot ng isang di malaman na mahika upang pagtakpan at ikubli ang tunay nitong anyo. Kung ang isang normal na nilalang ang titingin sa lugar na ito'y malabo nila itong matatanaw. Mas matatanaw ang panlabas na anyo ng lugar na ito lalo na sa gabi. Ang mga tala ang siyang nagsisilbing panakip ng lugar na ito. Iyon ay Horoscopeia, isang lugar kung saan may naninirahang mga scopeian, mga nilalang na may mga kapangyarihang kayang promotekta ng kanilang mga sarili.
Sa may bandang dulo na bahagi ng Horoscopeia, may matatagpuan doon na mga pagalagalang nilalang na kung tawagin ay zodiac spirits, mga nilalang na anyong espirito at sila raw ay mga banal, sabi ng mga ninuno ng mga scopeians.
Noong unang panahon, ang mga zodiac spirits ay may kakayahang sumanib sa isang scopeian dahil minsan daw ay nangyari na ito noon nang minsan ay sumugod ang mga dark morph, mga masasamang mananakop, sa Horoscopeia at nang biglang may dumating na isang makapangyarihang bayani upang sila'y iligtas. Sa kasamaang palad, kasabay ng pagkawala ng mga nasabing mananakop ay ang siyang paglaho din ng nasabing makapangyarihang bayani.
Hindi mapakali magmula noon ang kalooban ng mga taga Horoscopeia dahil sa nangyari at napilitan silang magtatag ng isang grupo na kung taeagim ay Stellar Council, binubuo ito ng mga matatanyag at mga matatalinong scopeians upang pangunahan ang pagsasaliksik sa mga zodiac spirits.
Sa paglipas ng mga panahon ay may ilang silang mga natuklasan. Isa na roon ang mga pangalan ng mga zodiac spirits; Aries, Pisces, Virgo, Libra, Gemini, Cancer, Leo, Sagittarius, Capricorn, Taurus, Aquarrius at Scorpio. Ang labindalawang zodiacs na ayon sa sabi-sabi at pagsasaliksik ay lubhang makapangyarihan lalo na kung sasanib ito sa isang scopeian. Dahil sa dami nila at upang maiwasa ang pagkakalito sa pagkilala sa mga zodiacs ay napagdesisyonan nilang hatiin nalang ang mga spirits sa apat na nature; Apoy, Tubig, Lupa at Hangin. Madali mo itong malalaman kung titignan ang kulay ng mga mata ng zodiac spirits. Pula sa apoy, asul sa tubig, tsukolate sa lupa at kulay berde sa hangin. Hindi lang yun, may mga natatanging kapangyarihan ang ito na naayon sa kanilang nature, ang apoy ay may kakayahang mag-anyong sandata na kung saan magagamit ng isang scopeian kung sakaling sasanib ito sa kanya. Ang tubig ay may kakayahang magpagaling, ang lupa ay kaya namang mag-anyong kalasag na maaaring gamiting pandepensa sa isang matinding labanan. Ang pinakahuli ay ang hangin na may kapangyarihang mahikal.
Sa kasamaang palad, di nagtagal ay natuklasan din ng mga taga Stellar Council na di pwedeng sumanib ang isang zodiac spirits sa isang scopeian na siya naman pinagtataka ng mga ito. Nagtataka sila kung bakit hindi pwede at paanong 'di pwede, eh nagyari na naman ito noon? O kung scopeian nga ba ang bayaning sinaniban ng mga zodiac spirirts? Hindi kase sinasara ng mga taga council ang posibilidad na may iba pang naninirahan sa mundong ito.
"Magpahanggang ngayon ay nagpapatuloy parin ang pasasaliksik nga mga taga Stellar Council lalo na sa mga zodiac spirits."
BINABASA MO ANG
HOROSCOPEIA: REINFORCEMENTS
Science FictionPamilyar ka ba sa mga "zodiac signs"? Constellations? Heavenly bodies? Astrological phenomenon? Oo, tama nga ang mga naiisip mo, ang mga bagay na iyan ay parati nating nakikita sa mga diyaryo, minsan sa telebisyon at madalas sa internet. Sila yung n...