Isabella's POV"Ringgg! Ringgg!"
Hayyy, sa wakas. Tapos na ang klase. Friday ngayon, so ibig sabihin walang klase bukas. Yey! Hindi po ako tamad na bata. Hindi sa ayokong mag-aral pero kasi ayokong pumasok. Binubully kasi ako.
Iniwan ako ng magulang ko sa ampunan. Nakakainis sila. Anong masama sa iniwan sa ampunan? Mas mabuti na yon kesa sa ipalaglag ka ng nanay mo. At least kapag nasa ampunan ka, may pagkakataon kang mabuhay.
Hindi ba nila alam yon?
Sinadya kong tagalan ang pag-aayos sa gamit ko para hindi na ako makipagsiksikan palabas. Baka itulak lang nila ako. May pagkalampa pa naman ako.
Nang maayos ko na ang gamit ko, ako na lang tao sa room. Kaya lumabas na ako.
Pagbukas ko ng pinto para lumabas na, may biglang bumuhos na kung ano sa akin. Napatigil ako. Marami ang napatingin sa akin at natatawa sa nasaksihan.
Saka ko lang narealize na kaya pala nagmamadaling lumabas ang mga kaklase ko ay para mapanood nila ang mangyayari sa akin. Nakita ko kasing marami sa mga napatingin sa akin ay mga kaklase ko. Siguradong hinintay nila akong lumabas para masaksihan 'to. May nagvivideo pa sa akin.
Tuluyan nang bumuhos yung luhang pinipigilan ko. Napatakbo ako palayo. Pero bago pa man ako makaalis don, may pumatid sa akin kaya napasubsob ako sa lupa.
Tiningala ko kung sino ang may gawa nun.
"Oopps!" Si Jessie. Ang babaeng di ko alam pero malaki ang galit sa akin. Palagi niya akong pinagtritripan. Madalas siya ang may pakana sa mga nangyayari sakin dito sa school. Hindi na ako magtataka kung siya ang pasimuno dito.
"Sorry. I didn't saw you eh." Natatawang sabi ni Jessie sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinalaki akong mabuti nina Mother. Palagi nilang sinasabi na huwag patulan ang mga tumutukso sayo pero sa oras na yon, nalimutan ko yun.
Sinugod ko siya. Sinugod ko si Jessie. Sinampal ko siya at sinabunutan. Ang mga nanonood sa amin ay naghiyawan.
Wala akong pakialam.
Napuno lahat sa dibdib ko yung galit sa kaniya. Puno ang isip ko ng mga bagay na ginawa niya sa akin. Lahat ng pagpapahirap niya.
Sigaw ng sigaw si Jessie. Sa tindi ng galit ko naitulak ko siya.
"Ouch!" Maarteng sabi niya.
Saktong dumating yung guard na naglo-lock ng room sa school tuwing hapon na.
"Anong nangyayari dito? Bakit 'di pa kayo umuuwi? Bawal na ang mga estudyante sa mga oras na 'to dahil dapat nakauwi na kayo."
Napatingin ang mga estudyante sa guard. Nakita ng guard si Jessie. By the way, Lolo ni Jessie ang may-ari ng school na ito. Kaya siguradong kilala niya si Jessie.
"Ms. Jessie? Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong nung guard habang inaalalayang tumayo si Jessie na umiiyak na. Teka, umiiyak? Ano na namang drama 'to?
"My ankle. It hurts!" Bumitiw si Jessie sa guard pero muntik ulit itong matumba kung hindi agad naalalayan nung guard.
"I think it's broken. This is all your fault, Isabella! My grandfather will never forgive because of this!" Banta nito sa akin. Doon lang ako natauhan. Spoiled si Jessie dahil nag-iisa lang itong apo. Mapapaalis ako sa school na ito pag nalaman nang Lolo ni Jessie ang nangyari.
"T-teka Jessie. H-hindi ko yun s-sinasadya. Tsaka ikaw naman ang nauna eh." Hinarang ko sila nung guard. Baka maexpel ako. Wala kaming perang pambayad sa school. Kapag napaalis ako dito sa school, baka hindi na ako makapag-aral pa ulit.
Ang JA Academy lang kasi ang school dito sa bayan naming Walden ang libre o walang kailangang bayaran. Basta may pambili ka ng gamit mo school, pwede lang mag-aral. Pagmamay-ari ito ni Joaquin Angeles na lolo ni Jessie. Ang pamilya nila ang pinakamayaman sa buong Walden.
Naku! Sana naman hindi ako mapaalis.
BINABASA MO ANG
Amour University
Teen FictionWhat is the feeling of being in love? Loved? Or even appreciated? Isabella Garcia doesn't know. Mula pagkabata, hindi pa naramdaman ni Isabella ang pagmamahal. Anong naghihintay sa kaniya sa paglipat niya sa isang eskwelahan? Mararanasan na ba niya...