"Aira, kanina pa kita ginigising! Gusto mo buhusan kita ng tubig diyan !"
Haaay! Ang ingay talaga ng babaeng ito. Pero well, kailangan ko na talagang bumangon baka kasi totohanin nya yung sinabi nya eh.
"OO na Marga, babangon na ako!" -pasigaw ko ring sagot sa kanya.
" Bilisan mo dyan at nang madeliver na natin tong biko bago tayo pupuntang school. Nag-aantay na yung mga umorder satin."
"Okay, maliligo lang ako."Hi! Ako nga pala si Aira Jandell Bernalez. 18, petite and very pretty. Yaaay! Just kiddin'.. Di talaga ako maganda, nagmamaganda lang. By the way, nakitira lang ako sa bahay ng pinsan kong si Marga since pareho na kaming mga ulila sa buhay. Matagal nang namatay yung parents ko noong 12 pa lamang ako. Tinataguyod ko ang pag-aaral ko sa pamamagitan ng scholarship na nakuha ko sa insurance company na pinagtatrabahuan ni Papa nung buhay pa sya. Kaya naman, nakapasok ako sa isang sikat at kinikilalang unibersidad dito sa amin.
"Airaaaaa! Di ka pa ba tapos dyan?"
Natigil ako sa pag muni-muni nang marinig ko na naman ang sigaw ni Marga."Tapos na Marg, sandali lang at bababa na ako"
" Taray! Akala mo lang may second floor tong bahay natin!"
" Joke lang yun! Ikaw talaga Marg."
"Oh siya, halika kana. "
Umalis na kami ni Marga at dineliver yung mga bikong niluto nya.
" Aira, ikaw nalang magdeliver ng bikong to kay Mrs. Demas. 7:00 kasi klase ko, 6:45 na. Malelate ako, terror pa Prof. ko ngayon."
"Sige-sige Marg, una kana. 9:00 pa naman class ko ."
"Salamat Aira."
"Nyeeee, hahaha you're always welcome Marg."
"Una na ko ha? See you sa school."
"Sige Marg."
(Mrs. Demas Residence)
"Tao po, tao po.."
Hala! Baka walang tayo. Paano na to ngayon?
Nyee.. May doorbell naman pala. Haha!(Ding dong! Ding dong!)
"Sandali lang.."
Hay! Salamat at may tao. Akala ko pa naman di ko madedeliver to. Mapapanis to, sayang puhunan namin ni Marg dito.
" Ah.. Andyan na pala yung inorder ko."
"Hehe..Good Morning po Ma'am."
" Good Morning din. You look familiar?"
" Po? "
" Ah wala- wala. Oh siya, akin na yang inorder ko."
" Ay hehe.. Eto po."
" Thank you, Iha."
" Walang anuman po, una na po ako. "
"Ingat ka, Iha. You really look like her."
" Thank you po. "
Hala! Ba't ang weird nung Ginang na yun? Pamilyar daw ako sa kanya? May kamukha daw ako? Totoo? Haaay!
"Pataaaay! 9:15 na. 15 MINUTEEEES na akong late. Huhu! What to do?"
Lakad-takbo ginawa ko para di lang ako malate, kahit sa totoo, late na talaga ako.
" Nakuu, nakuu! Aaaaaaay?!! HOOOOOY! TANGA KA BA? KITA MONG MAY TAO, DI KA BA MARUNONG MAG-ingaaat?"
" Ah Miss, are you okay?"
" Yeeesssh, okay lang ako."- sabay pacute. Hehe!
" Sorry Miss. JK by the way."
" Aika. "
" JK, tara na. Malelate tayo sa practice. Papagalitan tayo ni Coach."
"Uhmm, sorry talaga Miss ha? Pasensya na."
" Walang problema. Okay lang ako."
" Sure ka?"
" Oo, okay lang talaga ako. "
"JK!"
At tuluyan nang umalis ang grupo ng lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
He's my Everything
HumorPaano kung ang pamilya ng lalaking pinakamamahal mo ang siyang dahilan ng pagkawasak ng pamilya mo? Ipaglalaban mo ba ang iyong pag-ibig o kakasuklaman mo ang lalaking iyong pinakamamahal?