Chapter 3: The Start

16 0 0
                                    





"Aika na maganda! Saan ka galing at sino ang lalaking iyon?!"

"Pwede bang papasukin mo muna ako Marg, andumi-dumi ko na kasi at ang kati-kati na."

"Hmm! Sige, pero pagkatapos niyan ay magpapaliwanag ka pa sakin."

"O sige-sige Marg."

Pumunta kaagad ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay lumabas kaagad ako para kumain.

"O ayan! Inihanda ko na ang pagkain natin. Kumain na tayo at magkukuwento ka pa."

"Ewan ko sayo Marga."

Kumain na kami ni Marga at infairness, ansarap ng luto niya.

"Wag ka nang maghugas ng pinggan. Ako na ang gagawa, ireserve mo ang energy mo sa pagkuwento. Hmmm... hehehe."

Ikinuwento ko lahat kay Marga at ...



"Ahhhhhhhhhh! AIKA! IKAW NA MAGANDA! OH MY GOSH! SI JK YUN. SI JANON KENDRICK SMITH. AHHHHHHHH! "

"Eh ano naman Marg? Tsaka pwede ba tumigil ka sa pagsigaw, mababasag eardrums ko sayo eh."

"HANUBA! ONE OF THE CAMPUS HEARTHROB YUN! Or should I say the leader of the Campus Princes.  Pero mas bet ko si Shawn, Ehehehe anu ba yan."

"Tinge ka talaga Marg, sa tingin mo ba magkakagusto sa 'kin yun?"

"Oo naman! Maganda ka kaya pero hindi ka lang marunong mag-ayos ng sarili mo. Hmmm, Aika kapag naging kayo na ni JK, ipakilala mo ako kay Shawn ha? Pleaseeeeeeee."

"Oa mo naman Marga Sandoval. Hindi nga 'yun nangliligaw  sakin at... never yung magkakagusto sa akin."

"Malay mo naman. Niligtas ka nga niya diba? Hehehe."

"Ay naku Marga. Matulog na nga lang tayo, maaga pa pasok natin bukas."

"Uyy AIKA, sabado kaya bukas. Hahaha! Pre-occupied isip mo kay JK no kaya di mo alam na Sabado na bukas."

"Ay oo nga pala, hahaha pero pagod at inaantok na ako Marg."

"O 'sya sige. Matulog na tayo.

Sabay naming tinungo ni Marga ang aming kwarto. Nagsepilyo muna ako bago matulog...

Toot! (2 messages received)

Fr: Share-A-Load

₱1OO pesos was loaded to your mobile by 09xxxxxxxxx.

Huh? Sino naman 'tong nagload sakin? At 100 pesos pa talaga ha?

Toot! (1 message received!)

09xxxxxxxxx

• Hi Aika! I hope you will still get a good sleep after what happened earlier.

• Salamat. Pero sino ba ito?

• It's JK. Have a good night.

JK? Ano ba yan! Di yata ako papatulugin ng lalaking ito eh. Hmmp, pero di ako magpapadala.  Makatulog na nga!



Kinabukasan...

"Aika? Gising!"

"Hmm..."

"Aika! Gising kana."

"Hmm. Marga bakit?"

"Ano ka ba? Nakalimutan mo bang sasamahan mo ako ngayon papunta kay Mrs. Demas ."

He's my EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon