Meet
Nandito kami ngayon sa bahay ni Misha at kinakaladkad ako ni Coleen paakyat sa kwarto ni Misha dahil inaantok pa ako at may ipapakita daw si Misha saming importante at kailangan ang presence naming dalawa ni Coleen. Sabay-sabay nalang daw kami pumunta sa school.
"Mish ano ba kasi ang ipapakita mo." Sabay higa sa kanyang kama. "Matutulog muna ako aga mo pa kasi kaming ginising."
"Sigurado ka bang matutulog ka?" Sabi ni Misha.
"Hmmm" Sabay lagay ng kumot.
"Well okay. Hindi ko na sasabihin sayo ang mga information na nalaman ko tungkol kay Timothy." Bigla akong bumangon at napangiti sa sinabi ni Misha. Pumunta ako malapit sa kanila.
"Ba't di mo sinabi agad! Asan na?" Masigla kung sabi habang ngumingiti.
"Hala! Grabi Ad! Gising na gising kana agad." Si Coleen. Tumawa silang dalawa.
"Here, ayon sa research ko siya ay basketball captain, 6'1, student president, isang 3rd year Engineering student at may dalawa siyang kapatid Terrence Dave de Luca na ka batch natin at Theressa Mikaela de Luca nasa elementary pa lang. Anak siya nina Helen Liz at Troy Richard de Luca ang pamilya nila ang nagmamayari ng THL Industries, at THL Holdings.
"Wait sila ang nagmamay-ari ng THL?! Well that is awesome!" Sambit ni Coleen.
"Bakit kilala mo sila Coleen?" Tanong ko.
"Duh sila lang naman po ang mga nagsu-supply samin ng cement at gumagawa para sa pag-extend ni dad ng mall namin at nakita niyo ang mga skyway sila ang mga gumawa niyan." Tumango-tango ako.
May na isip akong idea. Sabihin ko din kaya kay dad na sakanila kami magpa renovate ng airport. Hindi ko pala nasabi sa inyo na kami ang nagmamay-ari ng ilang airlines at airport. O kaya kahit mag supply nalang ng mga cement. Pwede-pwede hmm ano pa kaya?
"Coleen tingnan mo ang kaibigan natin na loloka na." Rinig ko sabi ni Misha.
"Bes nakakatakot naman si Ad parang may evil spirit na nakapalibot da kanya." Nagyakapan silang dalawa.
"Guys ang OA niyo!"
"Kami pa talaga ang OA? Eh ikaw nga diyan nakangiti ng hindi namin alam kung ano ang iniisip mo." Inakbayan ko sila.
"Alam niyo mga bes pumasok na tayo sa school dahil ang ganda ng araw ko. Baka ma late pa tayo." Nginitian ko sila.
Pagdating namin sa school late nga kami ang traffic kasi kainis! Ako pa naman mag-isa ngayon dahil may na iwan pa akong mga
minor subjects at hindi ko ka klase silang dalawa. Uh oh! Andiyan na ang teacher. Malas naman! Tumingin-tingin ako at may nakita isang bakanteng upuan sa tabi nga natutulog. Bahala na nga papasok nalang ako."So as I was saying hindi ko talaga gusto sa mga taong nali-late sa klase ko." Parinig sakin ng prof. "This is our first meeting. And this will be your final seating arrangement. This is the seat plan so just sign up your name." At umupo na siya muli at may kung ano-anong ginagawa.
"Uhm excuse miss." Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. At naka ngiti pa siya sakin. "Lagay mo daw pangalan mo dito."
"I know." Kita ko ang pakawala ng ngiti niya. Ayaw ko kasi talaga mag entertain sa mga tao kung hindi ko naman sila gusto. Hindi naman sa masungit ako ayaw ko lang talaga. Kaya nga grabi makareact mga kaibigan ko ng sinabi kung na in love ako dahil hindi naman talaga ako ganon. Pagkatapos kung mag sign up.
"Excuse me." Sabay kalabit ko sa lalaking natutulog sa tabi ko. Unti-unti siyang humarap sakin. And OMG! Si Timothy Zach de Luca lang naman ang nasa harap ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Naulit na naman yung feeling na parang kami lang dalawa yung tao. I cannot believe classmates kami huhu ang swerte ko naman talaga! Ang gwapo niya kahit bagong gising!
"Ano na miss ti-tingnan mo lang ba ako?" Bigla na lang nawala ang mga imaginations ko saming dalawa ng magsalita siya. Hinablot niya sakit ang papel at nagsimula ng sumulat.
Ang sungit nga talaga nitong Timothy na to. Humanda ka.

YOU ARE READING
If you choose me
RomanceAdrianna is very decisive to win Timothy's heart. Will she survive? Will Timothy choose her?