°

7 1 0
                                    

🥀jungkook  oneshot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🥀
jungkook  oneshot

you as lara
your pov

"hello?! hello?! bwisit." binaba ko ang cellphone ko at napapadyak sa inis. kanina pa ah!

tinatawagan ko si mama para sunduin ako dito sa kalsada ng qc. luisita street. according to the sign to my left. alas dyes na ng gabi pero wala pa rin syang pake! may kotse naman daw akong dala! nasiraan kasi ako kaya nagpapasundo ako.

umupo ako sa aspalto habang sabu-sabunot ang buhok ko. ayaw paniwalaan ni mama na nasiraan ako, psh. paano pag merong masasamang tao dito? wala na! bye precious life!

good thing na nasa gilid ang kotse ko. hindi maaabala ang mga sasakyang dumadaan. mabuti rin kasi may mga sasakyang dumadaan.

boplaks ko rin. pwede naman akong humingi ng tulong sa kanila pero nahihiya ako eh. hehe.

"gago ka! akala mo kung sino ka para banggain kami!" napaangat ang ulo ko nang marinig ko yun. wow, ganitong oras, may nag-gagaguhan pa rin?

at dahil pakialamera ako, tumayo ako at dahan-dahang naglakad sa eskinitang pinanggagalingan ng sigawan nila. probably pati suntukan nila.

nang makapagtago sa gilid, may natamaan ang tuhod ko at nang makita ko, kahoy pala na katamtaman para mabuhat ko. pwede to pangtulong sa mga pinaggagagawa nila. naks, i feel so heroic.

sumilip ako at nakita ko ang dalawang lalaking halatang adik na pinagtutulungan ang isang lalaking parang kaedad ko lang. di ko masyadong makita ang mukha kasi emo ang datingan.

"siga ka ba ha?" bigla nalang tinulak ng isang lalaki ang kawawa sa saradong tindahan kaya napapikit ako at napahawak sa bibig. muntik na ko mapasigaw sa gulat. rinig na rinig kasi yung pagkakatulak.

sumilip ulit ako nang makita ko na ang kutsilyo sa tiyan ng lalaki. shit!

"tapusin mo na ako." walang emosyong sambit ng lalaki. walang halong takot ang mukha. para bang di sya takot sa kamatayan na kahahantungan. gago ba sya?!

bago pa nya masaksak si emo boy, umeksena agad ako at buong pwersa na pinalo sa ulo ang kahoy na dala-dala ko.

"tangina!" bigla agad lumapit sa akin yung isa kaya bago pa nya maidampi ang kamay nya sa akin, hinampas ko kaagad ang braso nya, dahilan para tumama sya sa mga kahoy sa gilid na kaagad nasira. wow, i made them sleep in just one move!

"mga walang hiya! hindi matatawaran kapag sinaksak nyo sya!" pagtapos ko sabihin yan, tumalikod ako para kausapin si emo boy but i saw only the closed store. o, asan na sya?

"huh?" tumingin ako both sides and nakita ko sya sa right, tumatakbo palayo sa akin kaya kaagad ko syang sinundan.

"hoy, teka lang!" sigaw ko nang mas lalo pang bumilis ang takbo nya kaya kinuha ko ang sandals ko at tinapon agad sakanya yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon