Prologue

11 2 0
                                    

"Matangkad, check. Matalino, check. Sporty, check. Mayaman, check. Gentleman—"

"Isang malaking no!" Kulang na lamang ay mapatid ang litid ni Maxine sa pagtapos sa sasabihin ng kaibigan.

"Grabe ka naman sa tao, mabait naman si Juanito," pagtatanggol naman ni Margot sa binata.

"Kailan pa naging mabait ang herodes na iyon, e nuknukan nga ng yabang noon. Alam mo 'yong para siyang walking typhoon—samahan mo pa ng kulog at kidlat. Kung ano'ng ikinapanget ng pangalan niya, siyang ikinapanget ng ugali niya...isama mo na ang itsura niya para 3-in-1 na." Mababakas ang labis na pagkadisgusto sa mga tinig ni Maxine. She really hate that guy so much, na wala yata siyang masasabing maganda kapag ito ang kanilang paksa.

"Buti na lang maganda ka, kasi kung nagkataon, kawawa ka. Panget na nga ang ugali mo, wala ka pang utak, bansot ka pa," wika ng kararating lang na si Juanito. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang mga tinuran sa kaniya ng dalaga.

"Nagsalita ang taong pinagpala sa talino, kinapos naman ng kagandahang asal," aniya.

"Nahiya naman ako sa busilak mong pagkatao na walang bahid ng kalinisan," ganti pa niya na tila 'di padaraig sa dalaga.

"P'wede tama na, masyado na kayong nagkakapersonalang dalawa," awat ni Margot sa dalawa na tila ba anomang oras ay magsisimula ng digmaan.

"Epal kasi."

"Ang sabihin mo, masyado ka lang immature—o baka naman, nai-insecure ka sa akin?"

"In your wildest dream!"

"Wow, English 'yon...congrats!"

Standard QueenWhere stories live. Discover now