Chapter One

12 2 0
                                    

"Matangkad, check. Matalino, check. Sporty, check. Mayaman, check. Gentleman, check. Ma—"

"Mahal mo, isang malaking no!" putol ni Margot sinasabi ng kaibigan. "Hindi ka ba napapagod?"

"Napapagod saan?" painosenteng tanong ni Maxine kahit na alam na naman niya ang tinutukoy ng kaibigan. Noon pa mang nasa kolehiyo siya, wala na siyang ibang alam gawin kundi ang i-check ang standard list niya kung pasado ba ang mga lalaking nagkakainteres sa kaniya, maliban lamang sa isang tao na labis niyang kinaiinisan.

"Max, hindi mo kailangan ng mga iyan para maging basehan mo ng pag-ibig—dahil ang pag-ibig hindi naghahanap ng rason kung bakit dahil hindi mata at isip ang magdedesisyon kundi ang nararamdaman mo. Hinding-hindi ka magiging masaya kung ipagpapatuloy mo lang 'yan." Nawika na lamang ni Margot bilang tugon sa tanong ng kaibigan. She's too tired of her drama, at last for quite so long, she had met her limitations.

"But I wanted my love story to be perfect," aniya.

"There's no such thing as perfect, Max, even fantasies have its own flaws...at ikaw, hindi ka rin perpekto. And one more thing, your life is far different from fairytales. Nasa totoong mundo ka Max, huwag mong hayaang lamunin ka ng pantasiya."

"But—"

"Hanggang ngayon, immature ka pa rin...grow up Max, hindi ka na 17 years old—you're not even at your teenage years. You're a lady now and you must act like a lady and do not act like a spoiled brat one." Walang kagatol-gatol na binitawan ni Margot ang mga katagang iyon. Kahit noon pa man ay wala nang makapipigil pa sa kaprangkahan nito, lalo na kapag kinakailangan nitong sabihin ang mga salitang nais nitong sabihin.

"Iyon na nga ang problema, hindi na ako bata, Margot. Gaano ba kahirap unawain na I need someone to lean on and a shoulder to cry on."

"Pektus, gusto mo? May pa-someone-someone to lean on at shoulder to cry on ka pang nalalaman diyan, kung itakwil na kaya kita nang magkaroon ka ng mas balidong rason para sabihin 'yan."

"I'm not getting any younger, Margot. And I think, it's time for me to find a partner—for good. Gusto kong maranasan ang mahalin ako nang totoo, hindi dahil sa kung ano ako. Gusto kong maramdaman na mahalin ako sa kung sino ako."

"Saang teleserye mo na naman hinugot ang mga linya mo, Max? Sabi ko naman sa iyo huwag kang masyadong nagnononood ng mga madradramang palabas sa telebisyon." Margot wanted to crack a joke to lighten up the mood, though she knew that it wouldn't help them now.

"I'm running out of time, Margot." Sa pagkakataong iyon, hindi na napigilan pa ni Maxine ang paglandas ng mga luha sa kaniyang mga mata. Mahirap para sa kaniya na tanggapin ang lahat, ngunit wala naman siyang ibang pagpipilian.

"Run—what do you mean?"

"I-I'm dyi—" Hindi pa man natatapos ni Maxine ang kaniyang sasabihin ay niyakap na siya nang mahigpit ng matalik na kaibigan habang hindi mapigil ang paghagulgol nito.

Hindi na ninais pang alamin ni Margot ang karamdaman ng kaibigan dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat ng loob na kaniyang nadarama ng mga sandaling iyon—isa pa, malalaman rin naman niya iyon sa mga susunod na araw.

Kinabukasan, maagang nagtungo si Margot sa bahay ni Maxine upang ayain ang huli na mamasyal, nang makapaglibang din ang dalaga—na kahit papaano ay makalimutan niya ang bigat na dinadala niya.

"Aga mo, a!" bungad ni Maxine nang mapagbuksan ng pintuan ang kaibigan.

"Sinandiya ko talagang agahan ang punta sa iyo nang maaga taong makagala at nang makarami," sabay silay ng nakalolokong ngiti sa mga labi nito na tila ba may ibang plinaplano.

"Makarami ng?" maang na tanong ni Maxine. Magkagayoon man ay may ideya na rin siya sa itinatakbo ng isip ng kaniyang best friend. Since elementary ay magkaibigan na ang dalawa kaya naman masasabing kabisado na nila ang bawat isa—tanging pinakalihim na lamang ang nananatiling lihim. Sabay na nagkamuwang at nagdalaga ang dalawa. Sabay nilang natuklasan ang maraming bagay sa mundo, ngunit isang bagay ang hindi sigurado, hanggang kailan sila mananatiling magkasama sa pagtuklas ng mundo.

"Sige, magmalinis ka kunwari." Sabay tawa nito ng pagak.

"Oo na. Sandali at maliligo muna ako bago tayo gumora. Ikaw na muna ang bahala sa sarili mo." At naglakad na siya pabalik ng kaniyang silid upang maghanda.

Nang mapag-isa, malungkot na inilibot ni Margot sa kabuuan ng bahay ang kaniyang paningin, ang bahay na nagsilbing pangalawa na niyang tahanan. Nang mga sandaling iyon, nabalot ng lungkot ang puso nito nang isa-isang magbalik sa kaniyang alaala ang kahapong nagdaan—parang kailan lang, pero ngayon hindi nito matukoy kung saan paroroon ang lahat. Alam nitong maaaring dumating ang panahon na kaniyang pinakakinatatakutan, ngunit masyado itong maaga kaysa sa inaasahan.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Margot nang madako ang kaniyang paningin sa center table kung saan nakapatong ang photo album ng kaibigan—mukhang tiningnan ito ni Maxine kanina bago siya dumating. Ngunit ang higit na nakapukaw ng kaniyang atensiyon ay ang larawan ng tatlong mga paslit na tila mo ba may pinag-aawayan. Ito ang nasa gitna at umaawat sa dalawa pa—walang iba kundi si Jan at si Max na noong mga panahon na iyo ay nag-aaway ng dahil sa laruan. Mula pa pagkabata ay magkakasabay nang lumaki ang tatlo, kapwa magkakaibigan ang kanilang mga ina, bukod pa sa magkakapitbahay sila. Nang magbinata at magdalaga na sila, doon lamang unti-unting humiwalay ng landas si Jan sa dalawa.

"Kumusta na kaya si Juanito?" wala sa loob na nasambit ni Margot habang matamang nakatitig sa kanilang larawan.

"Jan, pwera biro...tama ako 'di ba?" pangungumpirma ni Margot sa natuklasan nito.

"Tokwa ka, Got, huwag kang maingay kay Xine, lagot ako roon, parang 'di mo naman kilala kung paanong mang-okray ang isang iyon, at kung gaano kami ka kontra sa isa't isa."

"Sa isang kundisyon."

"Kahit ano. Basta, huwag mo lang sasabihin." Nang mga sandaling iyon ay tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan ang binatilyo.

"Secret?" paniniguro pa ng binata.

"Secret forever," sabay ngiti nito nang ubod ng tamis.

"Tara na?" bumalik lamang sa reyalidad si Margot nang marinig niya ang tinig ng kaibigan.

"Ano 'yan?" Usisa niya sa hawak nito.

"Picture, malamang," pamimilosopo nito.

"Alam kong picture."

"Didn't you miss him?" wala sa loob na naibulalas ni Margot. Gaano na nga ba katagal nang huli silang makasamang tatlo? At simula nang araw na iyon ni minsan ay wala na silang nabalitaan ukol sa binata simula nang mag-migrate ang pamilya nito sa Canada limang taon na ang nakalilipas.

"For quite sometimes, kahit papaano ay naging bahagi rin naman siya ng buhay natin...asungot kasi siya," she even try to fake a smile, but she failed to do so.

"Kumusta na kaya ang kumag na iyon. Grabe ang sama niya, kinalimutan na niya tayo," pagsesentimiento ni Margot.

"Asa ka pang makaalala ang isang iyon. Saka may sarili na rin siyang buhay—buhay na hindi na tayo kailanman magiging bahagi pa," wika niya sa malungkot na tinig. Kahit na madalas silang magtalo ni Juanito, ni minsan ay hindi naging daan iyon para hindi niya ito ituring na kaibigan. Sadyang may mga bagay lang na hindi talaga sila nagkakasundo.

"I don't think so? I know him well."

"Know him well? Margot, it's been five long years. Kahit gaano mo pa kakilala ang tao walang kasiguraduhan na hindi siya magbabago...time and distance change people." Nang mga sandaling iyon, hindi maipaliwanang ni Maxine ang kaniyang nadarama, noon pa man hindi niya hinayaan na madaig siya ng emosyon, liban na lang kung si Juanito ang kausap niya o ang pinag-uusapan nila.

"Sounds affected. How hard is it for you to accept the fact that you've missed him?"

Imbis na tugunin ang tanong nito, isa-isang niligpit ni Maxine ang nagkalat na larawan at photo album sa center table at muli itong ibinalik sa lagayan nito.

Standard QueenWhere stories live. Discover now