Prologue

152 11 8
                                    


Takbo.

Takbo.

Takbo.

"Sinasabi ko sa'yo, Joohyun. Kahit ilang kilometro pa ang itakbo mo, maaabutan parin kita."

Bigla akong nangilabot nang marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin o kung saan ako dapat pumunta. Ang alam ko lang ay dapat tumakbo lang ako ng tumakbo. Yan ang sinasabi ng aking isip.

"You better run, run, run, run, run."

Narinig ko ang mahinang tawa nya habang kumakanta. Mas lalo akong matakot sa mahinang tawa nya.

"Joohyun. . . Malapit na ako. . ."

Unti unting tumulo ang aking luha dahil sa takot.

Tulungan nyo ako.

Please.

Mas binilisan ko ang takbo ko at nakakita ng isang abandonadong bahay at nagtago doon.

Nakakita akong isang closet at pinagkasya ko ang aking sarili.

Maya maya at nakarinig ako ng mga hakbang. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi marinig ang aking mga hikbi.

"Joohyun. . . Come out, come out, come out. . ."

Mas lalo akong natakot at bumilis ang takbo ng aking puso dahil sa kaba at takot.

Ilang minuto akong nakatago sa closet at wala na akong narinig na mga hakbang.

Wala na ba sya. . .?

Ilang minuto akong nagstay sa loob ng closet para siguraduhin kung wala na ba talaga sya at sinilip ko sa isang maliit na butas at nagulat ako nang may makita akong matang nakatingin sa butas na iyon.

Ngumisi sya at lumapit saakin.

"Found you."

Seulgi • Red VelvetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon