Samantha's POV:
"If you just agreed on the operation---"
"I said I won't! Alin ba sa mga salitang iyon ang hindi niyo maintindihan?!" I said whilst shooting daggers-like glare on my mother. We've been through this argument for ten years and until now I still can't understand why she won't stop bragging me about that topic. Eh, sa ayaw kong gawin ang operasyon dahil masaya na ako sa kung ano ako ngayon kahit pa na itago ko pa ang tungkol doon habang buhay. Nakakainis na. When will she leave me alone? "This is me and I will not change who I am just because you said so. This is my body, my rules, my decision. End of discussion."
"Samantha---"
"Enough, Mother," I cut her off. "Gusto mong matuloy ang merger ng kumpanya natin sa Alfonso Industries, why don't you marry his son? Tutal ikaw naman ang may gusto ng pesteng merger na ito, di ba? Masaya na ako sa buhay ko. Just let me be."
Hindi ko pinansin ang ilang beses na pagtawag niya sa pangalan ko at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad hanggang sa makalabas ako ng building kung saan ginanap ang gathering ng mga business associates na mga nagpapayabangan lang sa kung gaano na kataas ang naabot ng kani-kanilang kumpanya. This event is boring as hell and I just wanted to go home.
"Sam! Sammy, wait!"
Napairap na lang ako saka sandaling tumigil sa coat check desk para kunin ang coat ko. Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.
"Grabe. Walang pansinan? Alam kong niratrat ka na naman ng nanay mo tungkol sa operasyon na yan kaya ganyan ang mood mo. Pero wag mo naman deadmahin itong napakaguwapo mong best friend slash best secretary of your life."
Muli, napairap na lang ako to the point na sumakit ang ulo ko. "Wala ako sa mood, Calvin. Give me a break," pagod na sabi ko sa kanya saka kinuha ang coat ko nang maiabot ko sa valet ang coat check number.
"Fine," Calvin huffed. "Off nga pala natin bukas. May gagawin ka?"
"Meron."
"Ano?"
"Matutulog maghapon."
Calvin pouted when he got his coat. "Ang boring mo. Kaya wala kang love life, eh."
I just started walking through the glass doors heading outside the building where the service car was waiting. "Love is impossible to some people like me anyway," I muttered.
"Come on! Don't be like that! Makakahanap ka rin ng love. Tiwala lang."
I just waved off Calvin's enthusiastic remark then climbed in the service car. Mahirap umasa lalo na sa mga taong kagaya ko. Who will love someone like me that was born differently? I have the body and the features of a woman but have something dangling between my legs. I accepted long ago that I was an abomination. Walang tatanggap sa isang taong kagaya ko. So hope is not on the table. Masasaktan lang ako sa huli. Now that's what I am sure of.
———————————————
Bloom's POV:
Napangiwi ako habang hinihilot ko ang aking braso at balikat. Iba talaga kapag dinner rush. Walang humpay ang pagdating mg mga customer. Pero ayos na rin yon kasi malaki-laki ang tip na nakuha ko. May pambayad na ako sa apartment na inuupahan ko, meron pa akong extra para sa mga ilan kong kakailanganin sa university since may full scholarship naman ako.
Napatingin ako sa mumurahing wristwatch na nabili ko sa Divisoria noong nakaraang linggo. Mag-a-alas onse na. Kailangan ko nang makauwi kasi may exam pa ako kinabukasan. Kailangan ko pang mag-review para hindi ako mangolelat. Pero aasikasuhin ko na muna itong kumakalam kong sikmura. Hindi na kasi ako nakakain dahil sa dami ng customer kanina. Nakalimutan ko na ring bumili ng take out. Makapaghanap na nga lang ng lugawan.
Tinanggal ko ang chain at podlock sa gulong ng bike ko na nakaparada sa isang tabi. Malapit lang naman sa apartment ko yung restaurant na pinapasukan ko kaya maayos na service itong bike na matagal ko pang pinag-ipunan. Malapit lang din naman ang university na pinapasukan ko kaya laking tipid din sa pamasahe. Konting ingat nga lang. Minsan na rin kasi akong nadukutan habang nagba-bike. Kaya hindi ko na inilalagay ang mga gamit ko sa basket puwera na lang kung puro libro.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bukas pa ang lugawan na madalas kong pinagkakainan kapag nagtitipid ako. Suki na rin naman kasi ako sa lugar kaya pagpasok ko pa lang ay may nakahanda nang isang order ng lugaw at isang order ng tokwa at dalawang pirasong lumpia. Pero nagtaka ako kasi may isang order din ng pritong pitso ng manok.
"Manang Glinda, wala ho akong ino-order na pritong manok," sabi ko sa may-ari ng lugawan.
"On the house na yan," sabi niya sa akin nang lumabas siya mula sa kusina. "Pasasalamat na rin kasi tinulungan mo si Buknoy sa assignment niya kahapon. Kumain ka na diyan at alam kong galing ka pa sa trabaho mo. May exam ka pa bukas."
Nagkibit na lang ako ng balikat saka kumain. Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya? Minsan lang sa tanang buhay ko ako makaranas ng libreng pagkain. Aangal pa ba ako?
"Heto ho ang bayad. Salamat!" sabi ko nang lumapit ako sa kahera pagkatapos kong kumain saka nagsimula nang tumayo. Napahaplos pa ako sa tiyan ko dahil sa kabusugan. Sumaglit muna ako sa water jug para kumuha ng maiinom na tubig. Since kita mula sa kinatatayuan ko ang kinapaparadahan ng bike ko, halos maibuga ko ang iniinom kong tubig nang makita ko ang pagdating ng isang magarang sasakyan at walang pakundangan na sinagasaan ang nananahimik kong bike. Mabuti na lang talaga at plastic ang baso na hawak ko dahil malamang basag na iyon nang mabitawan ko iyon dahil sa gulat.
"Shit! Calvin!"
"I'm sorry!"
Doon lang ako natauhan nang makarinig ako ng sunud-sunod na pagmumura mula sa mga taong sakay ng magarang sasakyan na sumagasa sa inosente kong bike. "Ang bike ko!" bulalas ko sabay lapit sa bisikleta na nayupi sa gitna habang nakaipit sa ilalim ng gulong ng sasakyan. Hindi ko tuloy napigilan ang mapamura ng malakas. "Anak ng magaling naman, oo!" Gusto kong maiyak. Ang bike ko!
"We're really, really, really sorry about your bike, Miss. We promise we will pay for the damages."
Tinignan ko ang mga siraulong sumira sa bike ko. Sandali pa akong napatitig sa napakagandang babae na nasilayan ko sa tanang buhay ko. Kung hindi lang dahil sa nangyari sa bike ko, malamang mukha na akong timang habang nakatitig sa babae. Mas nangibabaw ang inis ko sa dalawang ito.
"Aba'y dapat lang! Kaayos-ayos ng pagkakaparada ng bisikleta ko tapos raratratin niyo lang! Kapag tinamaan ka nga naman ng mga lintek, oo! Ayusin niyo yan!"
"We will. We promise," sabi ng lalaki na mukhang malapit nang umiyak. "Ibigay mo na lang sa amin ang address mo para alam namin kung saan namin dadalhin ang bike."
Inis na kinuha ko ang inabot niyang notepad at ballpen saka sinulat ang address ko. Mukhang wala akong service bukas o sa mga susunod na araw dahil sa mga lintek na ito. "Ayan. Ayusin niyo yan ha? Tsaka sa susunod, ayusin niyo ang pagmamaneho. Nakakaperwisyo kayo sa hanap-buhay ng tao, eh," inis na sumbat ko sa kanila saka tumalikod na.
"Wait, Miss! We didn't get your name!"
Napaungol na lang ako dahil sa inis saka muling kinuha ang notepad at ballpen ng lalaki sabay sulat sa pangalan at contact number ko. "Ayan. Puwede na ba akong umalis? Maaga pa ang pasok ko bukas dahil may exam pa ako."
"Y-yes. Thank you."
Inirapan ko lang sila saka nagpatuloy sa paglalakad. Dalawang kanto pa ang layo ng apartment ko mula sa lugawan at masakit na ang paa ko dahil sa maya't-maya kong paglakad mula sa trabaho pero ininda ko na muna. Tiis-tiis na lang din pag may time. Makakapagpahinga naman ako pagdating ko sa apartment. Pero sana makapag-review ako kahit konti bago ako patulugin ni Sandman. Kailangan kong makapasa sa exam bukas para ma-maintain ko ang scholarship ko.
———————————————

BINABASA MO ANG
Once I Lived In Darkness (GirlxGirl)
Любовные романыSamantha Gregorio. A rich and famous personality with a lot of hidden secrets. Gaano man siya kakilala sa mundo ng negosyo at madaming lalaki at babae ang naghahangad na mapansin ng isang kagaya niya, pakiramdam niya lagi na lang may kulang. That's...