Chapter Three

507 39 17
                                    

Author's Note:

Okay! Before we start... May nagbabasa pa ba neto? Kung meron, marami pong salamat! Kung wala... Edi wow. Charot! Ahaha!

Sige. Seryoso na. Pasensya na po kung ilang buwan na akong hindi nag-a-update. Ganun talaga lalo na't may bago na kaming baby sa pamilya at habit niya talagang magising sa kalagitnaan ng gabi kaya laging walang tulog ang lola niyo. Sorry talaga.

At magso-sorry na rin po ako in advance for the next upcoming months na hindi ako makakapag-update dahil hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at nag-signup ako sa isang event sa Twitter at Tumblr kung saan nagga-gather ang lahat ng writers and artists sa pagsusulat at paggawa ng art sa isang fanfiction. (Kung SwanQueen fan ka alam mo kung anong event ito. Lol!) Nag-signup ako bilang writer sa nasabing event (na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil hindi naman ako fluent sa pagsusulat ng story na purong English) so most probably doon muna mapo-focus ang lahat ng atensyon ko since may deadline sa paggawa ng fanfics. So on-hold PANSAMANTALA ang lahat ng stories ko (fanfics and originals) sooo SORRY PO TALAGA!

Sana po mas maging patient pa kayo saken. Medyo hirap lang talaga ako ngayong pagbalansehin ang buhay nanay at buhay writer. Pero salamat pa rin po sa mga nag-aabang ng update kahit once in a blue moon lang ako magparamdam.

Side note: Shout po sa isang mabait diyan na lagi akong kinukulit sa peysbuk na mag-update na raw ako. Pasalamat ka lab kitang bata ka. Tapusin ko na muna itong kina Bloom bago ko gawin iyong para sa cameo mo, ha? Konting hintay na lang. And advance happy bornday sa'yo! Heto na yung advance bertdey update na hinihintay mo. Hindi kita matiis, eh. Ahaha! Love 'ya!

Happy reading guys! Much love! xoxo

———————————————

Bloom's POV:

"Ha! Na-unggoy na naman si Carmina!" natatawang bulalas ko nang ibaba ni Avalon ang huli niyang pares ng card habang si Carmina naman ay may isa pang hawak. Hindi ko na talaga mapigilang tumawa ng malakas dahil tadtad na ng lipstick ang mukha niya. Kaawa-awang nilalang.

"Ang daya niyo naman, eh! Alam niyo kung ano ang nakatago na card!" nakangusong sabi naman niya habang nakahalukipkip.

"Aww! Huwag ka na magtampo. Isa pang round, siguradong mananalo ka na," sabi naman ni Avalon.

"Tse! Ayoko na! Maglalaro na lang ako ng Mobile Legends," nakabusangot na sabi niya sabay kuha sa cellphone niya.

Napa-iling na lang si Avalon sabay kuha ng wet wipes. "Bago ka naman maglaro ng ML diyan, tanggalin mo muna ang lipstick sa mukha mo," sabi niya habang marahang pinupunasan ang pisngi at noo ni Carmina.

"Tse," nakanguso pa rin na sabi ni Carmina pero hinayaan niyang punasan ni Avalon ang mukha niya.

Napailing na lang ako sabay tayo. "Tampururot," bulong ko. Narinig yata niya ang sinabi ko kasi natamdaman ko na lang na may tumama na kung ano sa ulo ko. Nilingon ko siya saka tinignan ng masama.

"At least cute ako," sabi niya sabay belat.

"Oy, hindi ka cute. Mas cute pa iyong aso ni Avalon sa'yo," kontra ko naman.

"Ehh! Basta cute ako! Di ba, Lonnie?!" pa-cute naman niya kay Avalon na patuloy lang sa pagpupunas sa mukha niya.

Ngumiti naman si Avalon sabay pisil sa pisngi niya. "Oo naman!"

"Kitams?!" sabi naman ni Carmina sa akin saka muling bumelat.

Inirapan ko na lang sila saka kunwari ay napaubo. "Whipped!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once I Lived In Darkness (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon