PART I

3K 68 14
                                    

FACEBOOK STATUS (two-shot story)

capturedseconds

 PART I

Lauren Castro Grabe ka naman magpamiss. Sobrang effective.

                             Good afternoon people! Especially, Good afternoon Mr. Blue! <3

                              |Like| |Comment| |Follow Post|

Haaaay. Mr. Blue. Ang effective mo naman magpainlove.

Ay! Di nyo pa pala ako kilala! HAHA! Ako si Lauren Castro. Senior year student. Anti-social ang tawag nila sila akin. Maganda naman daw ako kaso hindi pala-usap sa iba. Isa lang masasabi ko sa kanila:

WEH?!

Ako pa anti-social. HAHA! Pero, siguro nga may point sila. Hindi naman nila sasabihin yun kung wala silang nakikitang mali sa akin. Oh well. Whatever na lang kung ano tingin nila. Basta ako, masaya kay Mr. Blue ko.

Si Mr. Blue? Siya si ----   

di ko alam. Swear, di ako nagbibiro. Kaya nga tawag ko sa kanya lang ay Mr. Blue ay dahil wala naman akong maitatawag sa kanya na alam kong pangalan niya for real. Actually, magkalapit lang naman ang bahay namin. Nasa iisang village lang kami. Kaso, ang ganda ng scenario!

 Ito bahay namin, may pumapagitna, tapos ayun yung bahay nila.

Oh diba, may humadlang na lang basta-basta? =____=

Kontrabida lang ang dating ng bahay sa tabi namin at nila. Ay, kung pwede lang sabihin sa bahay na katabi namin, “Excuse me, tatabihan ko lang si Blue House” ginawa ko na! Kaso, the reality is, may humahadlang talaga!

3 years ago pa lang simula nung lumipat kami dito at unang araw pa lang, nakita ko na siya at nalove at first sight.

Describe him in one word?

GwapomatangkadmaputiatlagingnakaBLUE!

Oh diba? One word lang yan, pero asenso naman yung qualities ni Mr. Blue.

Mr. Blue kasi halos lahat ng bagay niya BLUE. Bahay nila, BLUE. Sasakyan nila, BLUE. T-shirt niya pag nakikita ko siya, color BLUE. Bags at accessories niya, BLUE. Siya mismo, GWAPU! Hahaha! =)

Minsan ko siyang natatanaw mula sa bintana namin. Minsan meron siyang mga kaibigan na pumupunta sa kanila. Ang gagwapo at ang gaganda rin kaso mas maganda ako. Mwahahha!

Hindi niya pa siguro ako napapansin.  Ang sad noh? Kamusta naman ang beauty ko kung hindi niya rin papansinin, diba? Hay, Mr. Blue, usap naman tayo minsan! HAHA!

Facebook Status (two-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon