Prelude

37 1 0
                                    

Prelude

"I love you but I'm scared of what might happened in the future. So, let's just be friends."

..........................................................................................................................

 What is FRIENDS?

Siya ang tunay na nagmamahal sayo at minamahal mo, besides your family. Siya ang matatakbohan natin kapag kailangan mo ng tulong, at siya rin ang tatakbo sa iyo kapag kailangan rin niya ng tulong. Nirerespeto ka niya, nirerespeto mo rin siya. Ang taong kaya mong pagkatiwalan, at ang nagtitiwala sayo. Tapat siya, at tapat ka rin sa kanila. Totoong tao, hindi plastik.

Ang friend ay ang loko-lokong unggoy na magpapatawa sayo kapag umiiyak ka, at ang taong kaya mong ipangiti. Laging tinatawag na "baliw". Kahit tahimik, basta't magkasama...laging masaya. Kasama mo magpuyat kapag trip niyo.

Siya yung walang care kapag panget ka o hindi, kahit ang boring mo man. Laging napapatawad ka at, sabi ko nga, helpful. Mas lalo na sa homeworks. Friend na handang ibigay ang sariling buhay at kasiyahan para sa iyo.

A friend is someone na lagi mong kasama kahit ang boring ng pinupuntahan niyo, kahit taas baba kayo sa stairs. Lagi mong kausap kahit paulit-ulit na lang ang pinaguusapan niyo. Wala kayong pakialam kong sino makikinig o susulpot sa usapan niyo.

Kaibigan na tinatama lahat ng desisyon mo, minsan susuportahan ka na lang. Yung lagi mong inaabangan pagdating sa school, at inaabangan ka niya rin. Minsan kaugali mo at parehas ang interest niyo, pero minsan hindi.

A friend is a partner, not a leader or a follower.

..........................................................................................................................

What is a LOVER?

Taong minamahal mo, in a romantic way nga lang. Ang "love of your life" at ang "buong buhay" mo. Taong nagbibigay ng kasiyahan sayo, pero kaya ka rin paiyakin.

Kapag sobrang pagmamahal, sobra rin ang sakit. Kaya kang paiyakin at higit sa lahat, baliwin. Siya ang unang rason kung bakit kailangan nasa mental hospital ka na.

Lagi ka niyang kasama sa bawat nararamdaman mo, at siya ang lagi mong ka lovey-dovey. Sila ang taong gusto mong pasiyahin ng habang buhay.

..........................................................................................................................

Halos parehas lang rin sila, pero malaki ang pinagkakaiba. Iba't iba ang halaga nila sa buhay mo na dapat mong tatandaan. Ang mga taong, syempre, special sayo.

Pero alin nga ba dito ang mas maganda?

Kaya mo bang isuko ang pagkakaibigan niyo para lang sa nararamdaman?

O isuko ang nararamdaman para lang sa pagkakaibigan?

Hirap noh? Mas lalo na kapag nainlove ka sa taong feel mo na dapat hindi mo minamahal ng ganun. Pero mahirap nga ba talaga?

Oo. May END sa FRIENDS at wala sa LOVERS. Pero come to think of it, madaming nagsasabi na "romance dies easily, but friendship last a lifetime."

Kakayanin naman natin mawalan ng LOVER kapag andyan ang FRIEND to support, pero mahirap ang walang FRIEND dahil hindi laging nandyan si LOVER. Pero mas mahirap kung mawawala silang pareho.

What would you do?

Are you willing to say to the person you love the most to...

JUST BE FRIENDS?

..........................................................................................................................

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon