first mate

8 2 0
                                    


Episode 1

Malamig ang gabi habang magkahawak kamay sina Jeffry at Cristine.

Sa mga oras na un ay nasa labas ng bahay nila Cristine ang magkasintahan. Madalang lang silang magkita, sa kadahilanan mga BC ito sa kanikanilang trabaho.

Sinusulit ang bawat oras at minuto na magkasama. Dahil hindi nila alam kung kailan uli sila magkikita. Dahil sa araw na iyon Nagkataon na nagkapareho sila ng schedule.

Tin: kamusta? Na miss kita. (sabay kapit sa braso ng binata. Ilang minuto din bago uli nagsalita) dalawang linggo din di tayo nagkita. Baka may babae ka na sa trabaho mo. Aba magsabi ka lang.

Sabay na umupo ang dalawa at sa oras na un ay nakahawak na ang dalaga sa kamay ng binata at sabay sandal sa balikat nito.

Jeff: haha ganyan talaga ang tingin mo sakin. Parang di mo nman ako kilala. (habang nakatingala na animo binibilang ang bituin sa langit)
Tin: malay ko ba. Malay mo biglang magbago ang ihip ng hangin.
Jeff: kilala mo ko. Dakilang torpe ako. Halos ikaw na nga ang nanligaw sakin sa katorpehan ko.
Tin: kapal mo ha...(sabi na nasa ganun paring posisyon) ou na....ako na.....Ang gwapo kasi ng boyfriend ko. (sabay pinanggigilan ang di kalakihan na braso ng boyfriend)

Di naman kinakaila ng dalaga na sya nga halos ang nanligaw sa binata. Dahil nung una palang nya itong nakita ay hinangaan nya na to. Matangkad, may katamtamang katawan,hindi maputi hindi rin naman maitim. At ang kinakikiligan ni Cristine ay ang singkit na mata nito. na kapag ngumingiti ay sumasabay din ang mga ito.

Tumingin sya kay Cristine pagkatapos magsalita. Naalala nya ang hirap at pagtitiis sa kanya ng dalaga kapag binabaliwala nya ito. Dahil iba pa ang nasa puso at isipan ng binata noon kahit sila na.

Hinalikan nya sa noo si Cristine habang nakasandal parin sa balikat nya.

Jeff: Tin salamat sa lahat ha. Ikaw ang dahilan kaya tumagal ang relation na ito. Di ka sumuko sa pagpapakita ng nararamdaman mo sakin.(sabay hawak sa baba at hinarap ito sa muka nya na para bang hahalikan) Naaalala mo ba kung saan tayo unang nagkakilala?
Tin: ou naman. Hinding hindi ko makakalimutan yun. Sa.....

Di natuloy ang sasabihin ng may marinig na salita mula sa likuran. Di nila namalayan ang oras. Mag aalas onse na pala.

Ina ni Tin: aba Tintin anong oras na may balak ka pa bang pumasok? Maaga kapa bukas.
Tin: opo mah. Papasok na ako.
Ina ni Tin: bilisan mo nagagalit na tatay mo. Ikaw naman Jeff magingat sa paguwe.
Jeff: opo tita. Salamat po. (sabay talikod ng ina mula sa pinto) sige na Tin uwe na ako. Matulog ka na ha.

At tumayo na sila mula sa pagkakaupo.sabay niyakap naman ni Cristine ang binata. Sa sobrang higpit ay animo na ayaw na nya itong pakawalan.

Tin: ingat sa paguwe baka pagtripan ka. Marami pa naman lukoluko dyan. Ichat mo rin ako pag nakauwe kana. (sabay higpit uli ng yakap na parang bang wala ng bukas pero sa binata ay niwala man lang ganti)
Jeff: sige na.....bye....love you. (sabay bitaw sa pagkakayakap)

Di na hinintay ni Jeffry ang isasagot ng dalaga. At tuluyan na nga syang umalis.

Habang naglalakad si Jeffry ay maraming tumatakbo sa isipan nya. Baka kasi ito na ang huling makikita nya ang dalaga at bigla nyang naalala ang huling itinanong nya kay Cristine. Pumasok sa isip nya ang mga panahon kung saan sila unang nagkakilala.

***

Unang araw ni Jeffry sa inaplayan nyang trabaho. Kaya naman hinanda nya ang sarili bago man dumating ang araw na un.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

crush on youWhere stories live. Discover now