"MC I'm sorry pero break na tayo,"nakayukong sabi sa akin ng boyfriend ko.Si Jomar.
"B-bakit babe may nagawa ba akong mali?Sabihin mo sa akin para maitama ko,"sabi ko sa kanya.
"Hindi.Hindi na kasi kita mahal.May iba na ako."
"M-mahal?Nagbibiro ka lang diba?Well,para sabihin ko sayo hindi ito nakakatawa."Naluluhang saad ko.
"Hindi ako nagbibiro.I'm sorry,"tumayo na sya at umalis.Naiwan akong tulala dito sa park.Humahagulhol.
Punyetang mga yan!Bakit malas ako sa lovelife?!Puro ganito na lang ang kinahihinatnan ng mga naging boyfriend ko!At ang malala puro J pa ang punyemas na unang letra ng pangalan nila!Si JM,Jho,Joshua,John Michael,Jose Dianne tapos ngayon,Jomar?!Nakakainis na eh!
Patuloy pa rin ang pagluha ko dito sa park.Parang nawalan ako ng lakas para umuwi.Grabe naman ito.Best birthday gift ko ito.Palagi naman ehh.Puro hindi magaganda ang nangyayari tuwing birthday ko.
May biglang lumitaw na panyo sa harapan ko.Tinignan ko kung sino ang may ari nun.Matangkad,singkit,matangos ang ilong,kissa-wait.MC kakagaling mo lang ng break up.
"A-ahm ito nga pala panyo pampunas mo sa luha mo,"nahihiyang sabi nya sabay kamot sa batok.Para hindi maging bastos tinanggap ko naman.
Umupo sya sa tabi ko.Pinupunasan ko ang luha ko nang magtanong sya."A-ahm nakita ko nga pala yung nangyari kanina."Sabi nya.Hindi halatang tsismoso eh no?
"So?Ano naman ngayon?"mataray na tanong ko?
"Ang sungit mo naman!"sabi nya.Bakit sya nagrereklamo sya itong lumapit.Inirapan ko sya."Eto naman!Joke lang yun!Hindi ka maarte alam ko yun!"
Huh?Pinagsasasabi netong mongoloid na to?"Pinagsasasabi mo?"
"Hindi mo ko kilala?"manghang tanong nya."Sabagay sino nga namang makakapansin sa isang nobody'ing katulad ko."
"Sino ka ba kasi?"
Umayos naman sya ng upo at tumikhin."Ako si Janssen Lee Gambon kaklase mo last school year.Ewan ko lang ngayong pasukan kung magka section tayo ulet.J nanaman?
"MC,"maikling sabi ko.Tumayo ako at nag umpisa nang maglakad.
"Huy!Saan ka pupunta?"habol nya saken.Hinawakan nya ako sa braso kaya napatingin ako doon.Agad naman syang bumitaw."A-ah sorry di ko naman sinasadya.Bakit mo kasi ako iniwan dun?"
Wow naman!Grabe sya oh!Close kame?Close kame?Sapakin ko to eh!"Grabe ka maka drama close tayo?"
"Grabe ka naman.Gusto ko lang naman makipag kaibigan.Kung ayaw mo,di wag.Di naman kita pipilitin."Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad paalis.Ako naman itong nakokonsensya.Argh!Bakit ako nakakaramdam ng ganto?!
"Wait!"tawag ko sa kanya?Hindi sya lumingon."Huy!"hindi pa rin.Hayst!"Janssen!"ugh i hate letter J!Kahit pa first letter yun ng pangalan ng parents ko at bunsong kapatid ko.
Hinawakan ko sya sa braso."Baket?"Walang buhay na sabi nya.
"Baket ka umalis?Akala ko ba gusto mo kong maging friend?"
"Akala ko ba--"Hindi ko na sya pinatapos.
"Akala mo lang yun!Tara na!"aya ko sa kanya.
"Teka saan tayo pupunta?Dahan dahan lang naman!"Hinihila ko kasi sya.
"Ngayon friends na tayo kaya ililibre mo ako!"
"Talaga friends na tayo?"di makapaniwalabg sambit nya.
"Bakit ayaw mo?Sige wag---"pinigilan nya ako.
"Sinong nagsabing ayaw ko?!Sasapakin ko!"
"OA mo!Tara na at gutom na ako!"
YOU ARE READING
J LIST
Teen FictionIsang babaeng natrauma na sa J.Puro J ang umpisa ng pangalan na ex.Until one day may makikilala syang isang lalaki.Si Janssen Lee Gambon.J nanaman?!Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa?Hmmm..