Enormous Destiny

27 3 0
                                    

               Noong unang panahon pagkatapos ng gera ng mga diyos at diyosa sa Greece , bumaba ang diyosang si Athena sa bundok Olympus upang turuan ang mga tao ng kanyang mga kakayahan pagdating sa paghahabi , pagsusulsi , paggawa ng mga palamuti at iba pa . Itinuon niya ang kanyang mga araw upang maturuan lamang ang mga tao .

“ Ako si Athena ! Naparito ako upang turuan kayo ng aking mga kakayahan . “ Ang sabi ni Athena sa mga tao sa Greece .

               Lumuhod ang mga tao tanda ng kanilang paggalang sa diyosang si Athena at agad na tinanggap ang pagturo niya . Tatlong araw na nanatili ang diyosang si Athena sa mga tao , masayang masaya naman sila dahil napakabait ng diyosa sa kanila .

               Lumipas ang tatlong araw , bumalik na ang diyosang si Athena sa bundok Olympus , nagpapasalamat ang mga tao sa kanya at nagpasalamat din siya sa mga tao .

“ Athena , maraming maraming salamat sa lahat ng mga itinuro mo sa amin . “ Ang sabi ng isang tao .

“ Tama ! Salamat po talaga sa inyo , hindi kami nagsisisi na ikaw ang pinili namin bilang tagapangalaga ng Athens . “ Ang tuwang tuwang sabi ng isang lalaki .

“ Marami ring salamat sa inyo , marami rin akong natutunan sa inyong mga tao . May gusto lang ako ninyong gawin , gusto kong palaganapin ninyo ang mga tinuro ko sa inyo , ituro ninyo ito sa gustong matuto at mga nangangalaingan . “ Ang mahinahong sabi ni Athena .

               Lumuhod ang mga tao bilang pagpupugay nila sa diyosang si Athena ng paalis na si Athena at lumakad na siya papuntang bundok Olympus at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ng mga tao .

               Maraming taon ang lumipas , sa isang maliit na bayan ng Lydia sa Greece , may isang babaeng nagngangalang Arachne . Siya ay isang magandang babae , mahaba ang buhok na kulay itim , maputi ang kanyang balat at napakahusay pagdating sa paghahabi . Ang kanyang ama ay isang tagapagkulay ng mga sinulid . Buong araw si Arachne na nakaupo at nagtatrabaho , mula sa umaga hanggang tanghali ay ginagawang pinong sinulid ni Arachne ang dating pangit at dikit dikit na sinulid at mula tanghali hanggang gabi ay naghahabi siya upang ang mga sinulid ay maging malambot na tela . Napakagaling talaga ni Arachne sa ganitong gawain .

“ Arachne , anak , kumain ka muna . Kanina ka pa diyan sa trabaho mo . “ Ang sabi ng ama ni Arachne .

“ Mamaya na po ama , tatapusin ko muna itong paghahabi . “ Ang mahinahong sabi ni Arachne .

               Napakagaganda ng mga gawa ni Arachne na mga tela , pinong pinong at pulido ang pagkakagawa . Maraming naghahabi sa Greece pero si lamang ang nakakagawa ng ganoong kagandang tela na may kakaibang mga disenyo .

               Dumating ang panahon ang pangalang Arachne ay naging pinakasikat na pangalan sa buong Greece dahil sa mga malambot at pinong mga gawang tela niya .

“ Ang galing talaga ng aking anak ! “ Ang pagmamalaking sabi ng ama ni Arachne .

“ Dapat magpasalamat ka sa mga diyos at diyosa lalo na kay Athena kasi binigyan ka nila ng ganyang kakayahan . “ Ang pahabol na sabi ng ama ni Arachne .

“ Pwede ba ama , hindi sila ang nagbigay ng aking kakayahan , hindi niyo nga rin ito itinuro sa akin ito , basta natutunan ko lang ito ! “ Ang galit sabi ni Arachne .

“ Arachne , dapat igalang mo ang mga diyos at diyosa dahil binibigay nila ang mga pangangailan natin . “ Mahinahong sabi ng kanyang ama .

“ Wala silang mga kwenta , lalo na si Athena , bakit ba sinasabi ng mga tao na regalo sa akin ni Athena ang ganitong kakayahan ? Hay , basta ! Wala akong pakialam sa kanilang lahat ! “ Pasigaw na sabi ni Arachne .

Enormous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon