Ang buhay ng taong tampulan ng mga bully. Kung paano nagsumikap at umahon. Sa buhay ngayon parang hindi perpekto ang araw at pamumuhay kung walang sinasaktang tao pisikal man o emosyonal. Wala silang pakialam kung marinig o hindi. Wala silang pakialam kahit makarating sayo ang mahalaga lang ay makapanira sila ng tao. Na parang sila'y perpekto.
Ito ang kwento ni Mae na isang babaeng simple, mabait at masunurin ngunit payat.
Ang payat naman niya sabi ng babae sa gilid.
Oo nga noh. Katabi ng babaeng nasa gilid.
Ano ba yan parang stick. Babaeng nasa gitna.
Hindi ba sila aware na naririnig ko yun?
Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako? Gaya nila kapag nakaririnig ng masakit tungkol sa kanila? O sinasadya nila para marinig ko?.Nagkunwaring hindi ko na lang marinig at isinawalang bahala ang mga sinabi nila at naglakad papasok ng school.
First day ko palang bilang high school na bully na agad ako. Paano pa kaya kapag nagumpisa na ang klase? Araw-araw nalang ba akong makakaring ng ganito? Paano kapag college na masmalala na ba? Sa isip-isip ko.
Buti pa kasi noong elementary hindi bigdeal ang katawan.
Hi Mae! Si Ana friend ko nung elementary kasama si Joy at Rose na bigla na lang sumulpot sa aking tabi. Alam na alam talaga nilang ang tamang timing.
Tara na nga maraming mga mapanghusga dito. Si Joy na tagapagtanggol namin.
Sige tara na. Sabi ko dahil baka hindi ko mapigilang umiyak.
Masakit man ang mga pinagsasabi nila ng pabulong nga ba kung tutuusin o hindi nagpatuloy nalang kaming maglakad papasok ng classroom.
Pagpasok sa room itinuon ko ang aking sarili sa pag-aaral ganun na din ang aking mga kaibigan dahil iniisip namin na baka titigil na sila sa pangbubully kapag matataas ang grado namin. Oo nabubully din sila dahil si Joy mataba at maitim, si Rose naman maputi, mahiyain at mababa ang mga grado si Ana kagaya kong payat.
Dumaan ang First, Second, Third at Fourth Grading na matataas ang mga grado naming magkakaibigan. Naging achiever kami. Sa pagkakataong yun iilan na lang ang naglalakas loob na ibully kami. Nagtuloy-tuloy kami sa paniniwalang yun nag-aral ng mabuti, nagtiyaga at nagsumikap hanggang sa makagraduate ng High School na may top.
Nang nagCollege panibagong kalbaryo ulit ang hinarap namin dahil si Rose at Joy ay nag-aral sa ibang bayan samantalang kami ni Ana ay magkasama ngunit iba ang kursong pinili.
Pagdating palang sa pageenroll ibang tingin na ang pinupukaw sa amin. Halata na lang namin na minamaliit at hinuhusgahan kami. Syempre sino ba naman ang hindi mapapalingon sa amin ang papayat namin at maiitim. Mapagkakamalan kaming mga babaeng namamalimos dahil kahit anong bihis at porma namin ay yung katawan namin yung pinapansin.
Pagpasok namin para magentrance exam nagtatanong at nagtataka na ang guro na magbibigay ng pagsusulit sa amin.
Ano yun mga ineng?. Tanong ng guro na parang napadaan at magtatanong lang kami.
Entrance Exam po ma'am. Si Ana sabay abot sa mga kinakailangang papeles.
Ah ok. Si ma'am sabay abot ng mga papeles at tingin sa amin na para bang sinusuri kami na parang pinagloloko lang namin siya.
Amm.. matataas pala ang mga grado niyo?. May top ba kayo noon?. Sabay baling sa amin.
Opo ma'am. Sabay naming sagot ni Ana.
Anong mga Top niyo?
1 po. Ako
2 po. Ana
Ahhh. Sabay tango ni ma'am.
Pagkatapos makuha ang result ng entrance exam na pasado sa gusto naming kunin na kurso ay nagenroll na kami. Habang naghihintay sa mahabang pila. Naririnig namin ang mga dating student at mga new na kagaya namin na nagpapagalingan sa kanilang mga grado at kung ilang percent ang kanilang passing rate sa entrance exam.
Napapalingon naman yung iba sa amin dahil tingin nila parang mababa ang score namin. Na parang wala kaming pambabayad sa pageenroll.
First time kong gumawa ng story at nakakahiya 😳. Sana may magbasa. Yung tipong napadaan lang at binasa dahil walang magawa sa life 😅.
BINABASA MO ANG
I'm a Victim of Bullying
Historia CortaAng buhay ng taong tampulan ng mga bully. Kung paano nagsumikap at umahon.