Huling Pakiusap

9 0 0
                                    

Damdamin mo'y di ko maintindihan,
Kaya't nagtatanong sa sarili kung anong nagawang kasalanan?
Pangako kong di ko mapanindigan,
Dahil sa ugali mong di ko maunawaan.

Pagmamahal ko naman sa'yo'y pipigilan,
Pero ba't parang wala pa rin akong kahalagahan,
Kahalagahang bilang kaibigan,
Hindi bilang kakilala mo lang.

Di ko naman pinagpipilitang mahalin mo ako,
Kaya sana wag mong pagpilitang pigilan ang nararamdaman sa iyo
Di ganun kadali yun dahil di ko rin gusto.
Dahil mas gugustuhin ko pang masaktan kesa mapunta ka na naman sa maling tao.

Huling pakiusap,
Sana'y dinggin ng kausap.
Kahit anong sabihin ay matatanggap,
Ngunit kung ikaliligaya mo'y, handa akong magpanggap.

Ako'y nakikiusap, humihiling,
Na ako'y harapin,
At wag kalilimutang
Ako'y kaibigan mo rin

Pero kung desididong gawin,
Pagsasama nati'y handa kong limutin.
Sa desisyong iyong pipiliin,
Sana'y mabuting isipin.

Huling pakiusap,
Patungo sa huli nating pag uusap.
Ako'y patuloy na magpapanggap,
Hanggang sa dulo'y aking matanggap.

Ito ang aking huling pamamaalam,
Sa ating pinagsamahan,
Kulitan at tawanan.
Paalam, kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling PakiusapWhere stories live. Discover now