Chapter 33 (LETTER)

9.1K 242 25
                                    

**ARIANNE'S POV**

My name is Arrianne Phenolophe. 17 years of age, bitch na kung bitch— Hindi ako mabait.

Nag hahanda na kami para sa pangalawang labanan. Nandito ako sa Phyton's Arena at sino pa ba ang ipupusta ko syempre ang mga wala kong kwentang tauhan. Isa na si Mikel. At Oo, alam kong masyado na akong nagiging mahigpit sa kanya pero kasi lagi nalang kasi syang pumapalpak!! Araw-araw, lagi nyang sinasabi na hinding-hindi nya ako bibiguin pero palagi nalang!! Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong hanggang salita nalang.

"Ma'am mag uumpisa na po," napatigil ako sa pag-iisip at agad-agad nang naglakad patungo sa lugar kung saan magaganap ang labanan.

Habang nag lalakad ay bigla namang sumulpot si Mikel na halatang naiinis at nangangamba, "Ako nanaman ba ilalaban mo??" tanong nya.

"Bobo lang?? Ano ba sa tingin mo? Ikaw ang gagawin kong referee??" sagot ko sa kanya.

"Mainit ang ulo mo. Mag palamig ka nga muna," sabi nya sabay bigay nanag isang bottled mineral.

"Hindi ko kailangan 'yan!! I. WANT. YOU. TO. KILL. HER!! Gaano ba kahirap gawin 'yon ha??" naiinis kong tanong. Nakakapunyeta na kasi sya eh!

"Kaya nga nandito ako diba?" malungkot nyang hudyat.

"Puro ka salita. Lagi-lagi mo nalang 'yan sinasabi pero hanggang ngayon, buhay at andirito parin 'yang babaeng 'yan."

"Hindi naman kasi ganon kadali 'yon. Kahit naman anong gawin mo, hinding-hindi ka mananalo sakanya," bulong nya sa sarili nya ngunit rinig na rinig ko parin. Mas kumukulo ang dugo ko at akmang sasampalin ko na sya nang may pumigil sakin.

Napatingin ako sa hampas lupang pumigil sa akin at akmang sisigawan ko na ito nang makita ko kung sino sya.

"Empress," gulat at natatakot bati sa babaeng nasa harap ko.

"Tsk.. I never thought na ganyang babae ka na ngayon. Inampon at pinalaki kita kaya siguraduhin mo na ilulugar mo 'yang ugali mo," mahinahon ngunit seryoso nyang tugon.

Mas kumukulo naman ang dugo ko pero alam kong hindi ko sya pwedeng suwayin. Sya ang nagtayo at namumuno sa grupo namin.

"Sa susunod na makikita kita, siguraduhin mong hindi kita masasampal. Naiintindinan mo?" tanong nya. Hindi ko naman mapigilan mapa-iwas ng tingin..

Galit sa akin si Empress dahil ako ang pumapalit sa kanilang "karapatdapat na Prinsesa". At doon din ako naiinis!! Wala na nga yung prinsesa nila diba? Ako!! Ako ang nandito para sa mundo nang gangster at mafia pero kahit kailan ay hindi nya ako matrato tulad nang pagtrato nya sa dating princesa.

"Alam kong naiinis ka, pero bayaan mo na sya. Umakyat ka na doon," utos sa akin ni Emperor.

Isa pa sya sa mga umampon sa akin. Hindi ko kilala ang mga magulang ko dahil pinatay sila ni Empress. Sa huli ay inampon ako ni Emperor at tinuruan din maging parte n mundong ito. Maayos na ang buhay namin noon. Kinikilala ako bilang tunay na anak ni Emperor, ako ang pinaka malakas na gangster ,ako ang pinaka kinakatakutan. At ako ang Prinsesa ..

Hanggang sa dumating ang kanilang tunay na anak, at karapatdapat na Prinsesa. Nawala ang lahat sa akin sa isang iglap. Naging sya nalang palagi! Naiinis ako sa kanya, nagagalit, kinasusuklaman ko sya!! At higit sa lahat..

Naiingit ako sakanya.

Dahil kahit wala syang gawin, maraming natutuwa sakanya, maraming may gusto sa kanya at napaka bait nya kahit na lagi ko nalang syang inaapi noon.

Umakyat na ako sa battle ground. Nakita ko na ang makakalaban ko at medyo napangiti ako ng makita ko kung gaano kahina ang mga magiging kalaban ko.

Ngunit bago ako tuluyang maka-akyat ay kinapa ko muna ang bulsa nang leather jacket ko upang kunin ang hand knife ko. Pero hindi ko iyon mahawakan, akala ko ay mahulog ko ito sa kung saan kaya ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ngunit imbis na kutsilyo ang mahawakan ko ay isang papel na kulay itim ang nandoon.

Nanlumo ako sa nabasa ko...

Ano ang ibig sabhin nito?! Bakit may naka-ipit na sulat sa loob ng jacket ko at bakit hindi ko man lang ito naramdaman?!

Bumaba ulit ako sa ring at tumakbo palabas nang Arena at bumalik sa bahay upang makita kung ligtas ang kapaid ko.

Takbo ako ng takbo...

Naiiyak na ako dahil sa nabasa ko sa may papel na itim na may dugo...

Ang sabi dito ay ...

"RUN FAST ARIANNE. YOUR BROTHER'S DEATH IS COMING. IN A COUNT OF 5SEE HIM ON HELL."
________________________

The Secret Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon