IV.

3 1 0
                                    

Naalala mo pa kaya ako?
Siguro hindi na dahil masaya na kayo
Masaya na kayo ng iyong bago

Ngayong gabing ito inaalala ko
Lahat ng bagay na ginawa natin
Yung mga oras na sinabi mo ako lang ang iyong mamahalin
At pangako mong walang makakapagpahiwalay saatin

Lubos akong nasaktan
Nung ako'y iyong iniwan
Hindi pa ba ako sapat?
Mahal ginawa ko naman na ang lahat

Naalala mo pa ba mahal nung gabing tinignan natin ang mga bituin?
Nung gabing sa palaka kita tatakutin
Nung gabing ang oras ay parang saatin
Nung gabing magkahawak ang mga kamay natin
Nung gabing sinimulan kita mahalin.

Naging masaya naman tayo
Aaminin ko dahil sayo ako ay nagbago
Natutunan ko na wag maging gago
Dahil sayo ako ay naging mas mabuting tao
Kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sayo

Subalit hindi perpekto ang ating relasyon
May mga oras na hindi tayo magkaintindihan
May mga oras na hindi kita maintindihan
May nga oras na naiisip ko bakit parang ang tadhana ay hindi sumasangayon saatin?

Hanggang sa dumating yungoras na sinabi mong
"Paalam"
Biglang nag blanko ang utak ko na parang wala na akong alam
Pero hindi na kita mapipilit kung yan ang iyong gusto.
Mahal na mahal parin kita
Kahit alam kong ikaw ay hindi na babalik pa.

Sana maging masaya kayo
Sana matupad lahat ng inyong pangarap at gusto
Pinapagdasal parin kita
Na sana ikaw ay masaya
Sana ligtas ka palagi

Mahal na mahal parin kita
Kahit ikaw ay pagmamayari na ng iba
Kahit alam kong hindi ka na babalik pa
Kahit alam kong ako'y kinalimutan mo na
Kahit may mahal ka nang iba
Kaya parin kitang mahalin
Kahit ikaw ay hindi na akin

Mahal, alam kong wala ka nangpakealam
Kaya mahal, paalam.

Words Left UnspokenWhere stories live. Discover now