His Promise

482 7 7
                                    

"Hazky, tara sa tambayan natin!"

Napatingin ako sa labas ng aking bintana sa kwarto upang tignan kung sino ang nagyayaya sa'kin, ang aking matalik na kaibigan pala ang sumigaw sa harap ng aming bahay. Gawain na niya 'yon sa tuwing yayayain niya akong lumabas.

"Saglit lang! Hintayin mo'ko diyan sa ibaba. Magpapaalam na rin ako kay mama!"

Sumigaw din ako pabalik sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti't sumenyas na hihintayin niya ako. Nagpalit na ako ng damit saka nagpolbo ng kaunti. Lumabas na ako ng kwarto at dumirecho sa sala upang makapagpaalam kay mama. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.

"Tinatawag ka na ng mahal mo." sambit ni mama

"Ma naman eh. O'sige, alis na po kami. Uuwi na lang ako kaagad." sambit ko

"Ba't 'di ka na lang magtapat sa kanya na gusto mo siya? Alam mo naman na sang-ayon ako kung siya ang makakatuluyan mo dahil matagal mo na siyang nakakasama at kilalang-kilala na namin siya." sambit pa ni mama

"Ma, ayaw ko po. Lalayuan lang niya ako." sabi ko at umiwas ng tingin kay mama

"Bahala ka, Hazky. Ako na ang nagsasabi sa'yo na magtapat ka na sa kanya." kibit-balikat pa na sambit ni mama

"Ewan ko po sa'yo, ma. Alis na'ko. Kanina pa po naghihintay 'yong si Yuki." sabi ko at naglakad na upang lumabas ng bahay

Bago pa man ako tuluyang makalabas, narinig ko pa si mama na sinabing...

"Magtapat ka na sa kanya bago pa mahuli ang lahat."

Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin? Pinagwalang-bahala ko na lang dahil baka pinagtitripan na naman ako ni mama. Pagkalabas ko, nakita ko agad ang aking matalik na kaibigang inip na inip na ata sa kahihintay sa akin habang nakaupo sa tapat ng aming gate. Kinuha ko muna ang bisikleta ko sa aming garahe bago lumabas sa gate.

"Tara na?" aya ko

"Ang tagal mo." asar na sabi niya at sinakyan na ang kanyang bisikleta

Hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi, bagkus sinakyan ko na lamang ang aking bisikleta. Maingat naming pinaandar ang aming bisikleta patungo sa aming pupuntahan. Habang minamaneho ko ng maingat ang aking bisikleta, hindi ko mapigilan na mapatingin sa aking kabigan na palihim kong minamahal.

Sa dinami-rami ng aking mga kaibigan, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan dahil magkababata kami at siya ang aking kauna-unahang lalaking kaibigan, lagi siyang nariyan kapag kailangan ko siya, ni hindi niya ako magawang pabayaan, pinaparamdam niya sa'kin ang tunay na pagkakaibigan, at pinapahalagahan niya ako sa kanyang sariling paraan. Hindi ko rin maikakaila na gwapo siya. Sa katunayan, maraming nagkakagustong babae sa kanya ngunit balewala lang ito sa kanya dahil ang sabi niya sa'kin, may iba raw siyang gusto at wala do'n sa mga babaeng naghahabol sa kanya, at 'yon ang masakit para sa akin dahil mahal ko siya.

Ngayon, narating na namin ni Yuki ang aming tambayan - sa tuktok ng isang burol malapit sa aming bayan. Dito kami madalas ni Yuki dahil sariwa ang hangin at masarap na pampalipas oras ang panunuod ng mga ulap sa langit. Dito rin kami nagkakilala ni Yuki noong mga bata pa kami.

Nagpi-picnic kami noon, kasama ko ang aking mga magulang at nakakatandang kapatid na babae. Marami-rami ring nagpi-picnic noon sa burol na ito dahil bakasyon. Nagpaalam ako noon kay mama na maglalakad-lakad ako para makahanap ng bagong kaibigan dahil lumipat na ng bahay ang mga kabigan kong babae noon, pumayag naman si mama sa aking kagustuhan. Naglalakad-lakad na ako noon nang bigla akong hinarangan ng tatlong lalaki na kasing-edad ko na pitong taong gulang. Kinukuha nila ang mga hawak kong pagkain at 'yong cellphone ko na Nokia. Umiiyak na ako noon dahil sa takot sa tatlong lalaki nang may pumunta sa harap ko at pinagtanggol ako. Tinulungan niya ako at sinabing 'wag na raw akong umiyak dahil lagi na raw niya akong sasamahan. Simula noon, naging magkaibigan na kami at napagalaman kong tatlong bahay lang pala ang layo ng bahay nila sa amin.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon