chapter 3: he's sick

7 0 0
                                    

(Jhen's POV)

umakyat agad kami sa kwarto ni Liam ng makarating kami sa bahay nila. nakita namin siya na nakahiga sa kama at parang walang malay. sinubukan namin siyang gisingin.

uy..Liam???tawag ko sa kanya.

uuuuuuuhhhhmmmm..tanging ungol lang na sagot niya sa akin, napatingin naman ako kina maam luz at carlyn.

Manong Arman, kumuha ka po ng palangana na may tubig tapos bimpo. utos ni Carlyn kay manong Arman.habang ako naman ay kumukuha ng gamit sa bag para tingnan ang temperatura, 02 saturation at blood pressure niya gamit ang mga dala kong paraphernalia.

38.7 degree celcius, sabi ko ng malakas para marinig ni maam luz at carlyn sabay tingin ko kay Liam na tulog pa rin.

taas ahh!panu ba yan maam?kakainom niya palang po ng gamot mga 20 minuto palang ang nakakalipas. tanong naman ni manong arman na nakpasok na ulit sa kwarto

punusan nalang muna po natin manong,para makatulong sa pagbaba ng lagnat niya, suhestyon ko sa kanya.

ahhh...ehhhh...nagaalangan pa na sabi ni manong arman..maam jhen,pwede po ba samahan niyo po ako ngayong gabi magbantay sa kanya??kung okay lang?parang nagsusumamong tanong pa ni manong arman.

po????nagulat ko namang sabi sa kanya.maam luz????naloloka kong biglang tanong kay maam luz.

maam luz, payagan niyo na po siya, kasi po di ko po alam gagawin kay sir, buti po sana kung andito si misis, kaso lumuwas po sa poblacion sa susunod na araw pa ang balik.

paliwanag ni manong arman sa amin.

hmn, sige na jhen baka kung mapano pa yan isisi pa sa atin kasi di mo sinamahan, pagpayag naman ni maam sa pabor na hinihingi ni manong arman.

bigla namang sumingit si carlyn,oo nga jhen, samahan mo nal---di niya natuloy ang sasabihin kasi bigla ko siyan pinutol.

pero wala akong dalang extrang damit! nagdadalawang isip ko pa na sabi.

dadalhan ka nalang namin bukas, kami na din bahala magsabi kay mama mo. -maam luz

haist!syete naman!wag naman kayong ganyan maam!!nababaliw ko nalang nsa kausap sa sarili ko.

pakalipas pa ng mahaba-habang pakiusapan, wala na din akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto nila, kaya naman ayun, sina maam luz at carlyn biyahe na pauwi samantalang ako, eto nakatulala pa sa labas ng gate ng bahay,

maam jhen, pasok na po tayo tapos kumain na muna po tayo ng hapunan.tawag sa akin ni manong arman ng nakangiti.

ahmn, titingnan ko muna po sa kwarto si Liam, chi-check ko muna po temperatura niya, napipilitang ngumiti nalang ako kay manong arman habang papasok kami sa loob ng bahay.

my gosh!anu ba naman yan!naloloka na ako!bakit ako pa ang pinaiwan!sana si carlyn nalang!

ehhh syempre duhh!!!barangay mo kaya to.tsss.parang tanga lang na kausap ko sa sarili ko habang paakyat sa hagdan.

pagbukas ko ng pinto, para akong natulala sa nakita ko. mahimbing pa rin na natutulog si Liam at nakahiga siya paharap sa may pinto kung saan ako nanggaling. para siyang bata kung matulog, ang cute lang!!!! natutuwa ko pang sabi sa isipan ko.

ehem!anu ba yan,nagkaka-crush pa ata ako dito, ang cute ng mata niya,tapos yung ilong matangos na bumagay sa mukha niya, yung lips,,ohhh!yummy!red na red,sarap halikan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

right time, right place, right person??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon