One: First Day of Class

15 1 1
                                    

"Eaaaaaaaaah! Gising naaaaaa!"

Naalimpungatan ako at tumingin sa orasang nakalagay sa gilid ng aking kama. Ala sais na pala ng umaga at kaunting minuto na lang at kung di pa ako nagising ay siguradong malelate na ako sa paggagayak sa aking sarili.

"Okay na Ma! Gising na po ako." sigaw ko pabalik upang malaman niyang gising na ako.

Unti unti akong bumangon sa aking kama at nagtungo na sa aking banyo. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Hanggang bewang na pala ang itim kong buhok at medyo tinubuan ako ng tagihawat sa noo.

"Aiiish! Ano ba yan saka pa ako nagkatagihawat kung kailan first day ko pa! "

Binuksan ko ang shower at naramdaman ko ang pagdaloy na malamig na tubig sa aking katawan. Binilisan ko na ang panliligo at lumabas na ng banyo at inumpisahan ko ng magbihis at magsuklay. Matapos ayusin ang sarili ay bumaba na ako at dali daling nagpaalam kay Mama.

"Ma, alis na ako." paalam ko rito sabay halik sa kanyang pisngi.

"Ingat ka anak." sabi niya at inumpisahan ko ng maglakad patungong eskwelahan. Malapit lang naman ang school namin, makalabas lang ng subdivision tspos kaunting lakad pa.

"Patay na, six forty na kaunti na lang malelate na ako."

Lakad takbo ang aking ginawa upang marating ko ang gate ng eskwelahan. Papasok na sana ako sa gate ng harangin ako ng guard ng school.

"Miss, id mo?" tanong sa akin ng guard. Nalintikan na naiwan ko pala id ko sa pagmamadali. Nako pano to? kailangan kong malampasan ang guard na to para di ako malate.

"Ahm, ano po kasi e-" naputol ang sasabihin ko ng may sumulpot na lalaki sa tagiliran ko.

"Kuya nahulog wallet ko makikitulong naman sa paghahanap." nataranta ang guard at nagumpisa na sa paghahanap. Habang taranta ang guard sa paghahanap ay sinenyasan ako ng lalaki na tumakbo na papasok ng school. Sinunod ko naman ito at nakalimutang magpasalamat dahil malelate na ako.

"11- HUMSS (ZEAL) " basa ko sa papel kung saan nakalagay ang schedule at section ko. Saan kaya ito? hirap talaga pag transferee. Mayroon na lamang akong limang minuto upang mahanap ang classroom ko.

"Kuyaaa!" tawag ko sa lalaking dumaan sa harapan ko. Agad naman siyang lumingon at tumingin sa akin.

"Oh?" tugon nito na may malaking ngisi sa kaniyang labi. Weird.

"San po itong 11-Zeal?" agad na tanong ko rito.

"Ahh yan ba? kita mo yung building na yon? Sa fourth floor, last room yan yun." tumingin siya sa relo nya sabay sabing "Sge una na ako."

Nagsimula na akong naglakad patungo sa tinurong direksyon noong lalaki. Laking gulat ko na maling building pala ang tinuro niya sakin dahil elementary building pala yon.

"Bwisit na lalaki, niligaw pa ako pogi pa naman sana."

*KRIIIIIIINGGGGGGGGGG!!!! KRINGGGGGGGGG!!!*

Tumunog na ang bell hudyat na time na at late na ako. Napabusangot na lang ako ng mukha at nagpatuloy maglakad sa kawalan.

"Kuyaa!" tawag ko sa lalaking nakita ko. Mukhang nagulat pa ito at kinunutan ako ng noo.

"Bakit?" tanong nito sakin. Tinanong ko siya kung saan ang hinahanap kong classroom. "Sundan mo ako." yon lamang ang sinabi niya.

Jusko late na talaga ako. Sinundan ko na lamang ang lalaki at napagtantong nasa room na kami. So, it means kaklase ko siya.

"Salamat." sabi ko sa kanya at tinanguan niya lamang ako.

Torn Between Those BoysWhere stories live. Discover now