Gigising ng maaga at at sabay kaming papasok ni Van at sabay ding uuwi. Ganyan na ang routine ko araw araw at nasanay na din naman ako. Lagi kong kasama si Van at di nya ako tinitigilan, ang kulit kulit niya palagi. Tulad na lang ngayon.
"Euniiiiceeee!!! Gooodmorninggggg!!! Musta gising natin? ayos ba? haaaa?!" o diba ang kulit niya talaga. Pero laking pasalamat ko at lagi niya akong sinasamahan.
"Van ayos lang ako kanina kaso nakita ko yang pagmumukha mo hindi na ako ayos. Nakakasawa na yang mukha mo." nakasimangot kong tugon sa kanya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon nya sa mukha. Kung kanina ay abot tenga ang ngiti nito ngayon ay mukha syang aso na iniwan ng amo. Ang cute cute talaga niya kapag nagtatampo siya.
"Hahahhaha joke lang kaw naman bilis mo talaga magtampo, tara na nga!" Natatawa kong sabi sabay hila sa kanya. Asaran at kwentuhan lang ang ginawa namin hanggang sa makapasok na kami sa eskwelahan.
"Eunice, paunahan tayong makapasok sa room. Kung sino mahuli siya manlilibre mamaya. Ano game?!" naghahamong sabi sakin ni Van.
"Sge, bilis ko yatang tumakbo. Ihanda mo na pera mo mamaya." sabay kindat ko sa kaniya.
"Okay. Ready. Set. Go!" sigaw niya sabay takbo. Papatalo ba ako? Syempre hindi, kung mabilis ang takbo niya mas binilisan ko din ang takbo ko. Malapit na ako sa pinto ng room ngunit may biglang humarang.
"Tabiiiiii!!!" sigaw ko sa nakahara sa pinto. Ngunit sa halip na tumabi ay tinitigan nya lamang ako. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko dahil ang bilis ng takbo ko kaya ang kinalabasan . . . .
*Booooooooghsssss!!!* isang napakalakas na dagasa. Natigilan ang mga tao sa room at hallway dahil sa ingay na ginawa namin.
Shit! Parang gusto kong lamunin na lang ako ng sahig. Ang ano uhm ang uhm ang hehe ang awkward lang kasi sa dami kong madadaganan ay si Alex pa. Napatingin ako sa kanya, shit! Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ngayon ko lang napakatitigan ang kulay itim na itim niyang mata.
"Baka gusto mong umalis sa pagkakadagan sakin." walang emosyong sabi nito. Bigla naman akong nahiya at namula ang pisngi. Kanina pa nga pala kami sa ganitong pwesto.
"Yiiiiieee si eunice namumula!!!"
"Yiiiieeeee"
"Kakakilig silaa"
"Landi ni eunice"
"Enjoy na enjoy naman si eunice"Sari saring kumento ang napakinig ko sa kanila kaya umalis na ako sa pagkakadapa ko sa kaniya.
"HAHAHAHAHHAHA EUNICE ANG LAMPA MO!!!" sabi sakin ni van habang utas na siya ng kakatawa. Binatukan ko naman siya at sinisi.
"Kasalanan mo to e! Kung di ka bumilis ng takbo di kita hahabulin at lalampasan kaya ako nadapa e dahil mo!" pasigaw kong sagot sa kaniya.
"HAHAHAHAHA LAMPA KA LANG TALAGA" sagot niya sakin at tawa pa rin ng tawa.
"Bahala ka sa buhay mo." sagot ko sa kanya sabay punta sa upuan ko. Agad naman siyang tumabi sakin at kinulit na naman ako. Hay nako, ang kulit talaga ni van kahit kailan. Tumigil lang siya kakakulit sakin noong dumating na si ma'am.
Hanggang sa dumating ang lunch e wala pa ding tigil itong si van. Hindi ata nauubusan ng energy.
"Anong order mo?" tanong nito sa akin.
"Dalawang kanin at sinigang na lang saka tubig." tugon ko rito.
"Takaw mo talaga kahit kailan." sabay gulo ng buhok ko. Aiish! ano ba yan lagi na lang niyang ginulo ang buhok ko.
Kanina pa doon si Van dahil ambagal ng usad ng pila. Inikot ko ang paningin ko sa buong kabuoan ng canteen. Hmmn, puno siya at madaming nakain. Paglingon ko sa harapan ko ay nakita kong naglalakad si Trav sa gawi ko. Agad naman niya akong nginitian kaya naman nginitian ko rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/151856882-288-k9772.jpg)
YOU ARE READING
Torn Between Those Boys
Teen FictionGusto lamang ni Eunice Alliah Madrid ay ang magkaroon ng kaibigan at normal na buhay. Madalas siyang mabully sa dati niyang eskwelahan kaya naman napagisipan niyang lumipat sa San Benilde Colleges upang doon magpatuloy magsenior high school. Sa pagt...