Why? Bakit? Ayan ang tanong ko sa sarili
ko . Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko , hindi ko kilala ang
sarili ko at hindi ko alam kung ano ba
talaga ang purpose ko sa mundo . Isa
akong Living thing , Sabi nila ALL Living
things at lahat ng nag-eexist sa mundong
ito ay may function , may silbi at may
exsplenasyon kung ano ito at ano ang silbi
nito sa mundo . Bakit ganito hindi ko alam
kung ano ba talaga ako at kung sino ba
talaga ako sa mundong ito . Isa lang ba
akong dekorasyon ? nag-eexist , nakikita
lang pero hindi nararamdaman .
Teka , oo nga pala may isa akong
function, ang tumanggap ng lahat ng sakit
. Sakit na hindi dumudugo pero paulit-ulit
akong pinapatay . Yung sakit na hindi ko
alam kung may lunas pa . Yung sakit na
halos dala dala ko sa loob nang utak at
puso ko . Gusto ko sumigaw , gusto
magwala pero hindi ko magawa . Yung
sakit na hindi ko mailabas kasi baka
lalong makasakit o ako ang lalong
masaktan . Hindi ko alam kung
nararamdaman ng mga taong nakapaligid
sakin yung sakit na iyon pero nanatili
silang bulag at manhid sa mga luhang
aking tinatago . Mahal ba talaga ako ng
mga taong ito , ayon ang hindi ko alam .
Tahimik lang akong tao , nilalayo ko rin
ang sarili ko sa mga tao . Bakit ? kasi
ayoko makasakit at masaktan . Gusto kong
maging masaya pero sobrang takot ako
masaktan . Bakit ? Isa ba kong duwag ?
Hindi ko alam .
Mga luha kong nagtatago sa ilalim ng
kumot at unan . Mga sigaw na hindi
mailabas ng aking bibig . Bakit ? Bakit
kailangan ko maramdaman ito . Humihingi
ako ng tulong sa itaas , alam ko naririnig
niya ko at siya lang ang nasasabihan ko ,
minsan i doubt him but still sa kanya parin
ako lumalapit na sana isang araw maayos
din to , mawawala lahat ng problema ko ,
makikita din ng ibang tao at mga tao na
nasa paligid ko na nasasaktan ako ,
Nasasaktan ako ng sobra na halos hindi
ko na kinakaya at gusto ko nang sumuko .
Sumuko sa paraan na mas madali , sa
paraan na magtatapos sa lahat ng sakit na
nararamdaman ko , pero sa tuwing naiisip
ko yon , naiisip ko ang mga taong maiiwan
ko , Oo sila ang nakakasakit sakin but
still hindi ko kailanman pinairal sa utak ko
ang salitang hate , kasi sa totoo lang kahit
hindi ko kilala ang sarili ko isa lang ang
alam ko MAHAL ko sila ng sobra , kahit
paulit ulit nilang nasasaktan ang puso ko .
Dun ko nalaman na may purpose pala
talaga ako , Ang Magmahal ... ang
magpatawad at umintindi sa mga tao na
kahit gaano pa ako nasasaktan . Hindi ko
narin naiisip na nag-iisa ako , i have HIM
who save me , kahit na nag-duda ako at
paulit-ulit kong sinubukan wakasan ang
buhay ko . Kahit na paulit ulit kong
tinatanong sa kanya na BAKIT ? Bakit
ganito ako ? At Bakit ko nararamdaman
ito , Pero pinatawad niya parin ako at
nanatili siyang Sandalan ko . Mananatili
akong buhay at pipilitin kong maging
positibo sa mga bagay bagay .. Hanggang
ngayon , Nasasaktan pa rin ako , hindi ko
parin maisigaw kung ano ang tunay kong
nararamdaman ko ..Pero hindi parin ako
nawawalan ng pag-asa na Someday , I
will find a way .. na mahahanap ko rin ang
sagot o ang gamot sa sakit na ito .
Ginawa ko itong sulat na ito , para sabihin
sa lahat ng taong nakakaramdaman ng
Same Experience like me , Keep in mind ,
Youre not Alone You have ME & HIM .
NEVER EVER GIVE UP " yan ang motto ko.
(Ps. Pasensya na kung medyo hindi klaro ang mga naiisulat ko . Hindi ako magaling magsabi ng nararamdaman ko pero lahat ng ito galing sa puso ko , lahat ng ito ay totoo )
- Istorya ni SOMEONE