"Hoi, Kezeriah tama na nga kakaiyak na yan"Kinuha nya yung tissue. Bwiset ito eh. Paano hindi iiyak. Nanonood ako ng A Love So Beutiful. Iniwan kase ni Jiang Chen si Chen XiaoXi.
Yes, kala ko si Jiang Chen yung nakatayo sa harap ni Xiaoxi yun pala ay si Wu BoSong.
Minsan napapaisip ako paano kaya kung katulad kami ni Jiang Chen at XiaoXi? Yung tipong gusto nila isat'isa. Wala eh hindi.
Bat pa kase ako lumaban sa laban na alam ko sa simula pa lang ay talo na ako?
Bat pa sya nangangarap na mapansin ng mahal nya kung andito nman ako?
Andrama ko.
"Yun lang yon? tapos na?" tanong ko
"oo" sabi ni paula
"Yung episode 20 naman"
"oh shut up, bukas na anong oras na ha? 11:30 pm na na'ko. Bahala ka di ka magugustuhan ni Koozer"
"Bakit pag natulog ba ako ng maaga magugustuhan na ako nun?"
Lumapit sya sa akin habang tumatawa atsaka yinakap ako.
"Andrama mo. Wag ka na umasa na ang love story nyo ay katulad kila Jiang Chen at Xiaoxi. Busy pa si God sa pagsusulat ng perfect love story nyo"
Natigilan ako atsaka yinakap din sya.
"Alam mo may sense din pala ang mga sinasabi mo minsan"
tinanggal nya yung kamay nya sa pagyayakapan namin at sinapak ako.
"ansakit non"
"Yan, minsan na nga lang magadvice sayo ng matino tapos sasabihan mo ako ng ganon? Kung hindi ka din naman isat at kalahating loka loka"
At napatawa na lang ako. Atsaka isinara na Mac book ko at ipinatay na ang ilaw.
Humiga na ako at ipinikit ang mata ko.
1...2..3
shez di ako makatulog.
1...2..3
di pa rin
Tsk.
1..2..3
shez di ako makatulog!!
Umupo ako at hinimas ang ulo ko.
Okay. Fine
Iniisip ko nanaman sya ulit. Yes, all over again sya parin laman ng isip ko.
Damn! I am inlove with him. And he is inlove with my best friend.
Yes, ganda diba? Si Xeira.
The Guy i never loved back. Quits kami dahil hindi rin sya type ni Xeira.
Xeira Francisco. She is my best friend.But we still best friend. She is always there for me. And now she is lived at Japan.
"iniisip mo parin sya diba?" tanong ni paula na syang ikinagulat ko.
Umupo sya at binuksan ang lamp.
"Hindi noh, inaatake lang ako ng insomnia"
"Hays according to the movie from sid and aya 'karamihan daw sa mga may insomia ay maraming iniisip' . Don't lie to me because i know you. I see all your suffer and happines with Koozer"
hays ito na nga.
"Wala eh, sya parin. Sya parin kahit nasasaktan na ako. Sya parin kahit hindi nya ako mahal. Sya parin kahit hindi nya ako iniisip. Sya pa rin ang laman ng puso at isip ko. Sya parin"
YOU ARE READING
Mahal Kita Simula Pa Nung Una
General FictionPagiibigan na Hindi inaasahan. Akala ko hanggang tingin lang ako sa kanya.