Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 4

107K 2.9K 1.3K
                                    

Chapter 4 

NARRATOR

"GIVE me your phone," mungkahi ni Demon nang makababa mula sa sasakyan si Apple. Agad naman niya itong iniabot at may kung anong kinalikot dito si Demon. "Just because I forgot about contacting you doesn't mean I don't love you," saad nito matapos maibalik ang telepono kay Apple. "I left for our sake. Gusto kong mabigyan ka ng magandang buhay. Look, nakikitira lang tayo sa mga taong hindi naman natin kadugo," giit nito sabay buntonghininga. "Please, don't do it again. Hindi mo naman siguro gugustuhing magalit sa 'yo si Devi, right?"

Hinintay nitong sumagot si Apple ngunit nanatili lamang itong nakayuko at pinagmamasdan ang sahig. Humakbang papalapit sa kanya si Demon at binigyan ng halik ang bumbunan nito. "I love you both," saad niya saka niyaya itong pumasok na ng mansiyon.

"Dad?"

Natigilan si Demon at nilingon si Apple. Base pa lamang sa ekspresyon ng mukha ni Apple ay parang may gusto itong sabihin pero nagdadalawang-isip.

"Yeah?"

"That nerd. D-do you know her?" mahinang tanong nito dahilan para mas magsalubong pa ang kilay ni Demon. Hinayaan niya lamang itong ituloy ang sasabihin. "I don't know why but she keeps on running in my head." Napakagat ito sa ibabang labi kasabay ang pagkamot sa likuran ng ulo.

Bahagya namang napangiti si Demon saka tumango. "Me too."

Mas lalong lumukot ang mukha ni Apple nang masulyapan ang ngipin ng ama dulot ng pagngiti nito. "The way your eyes look at her, they're shining bright like stars. I'm scared."

Napayuko ito. "Is it because you see Mommy Devi in her? A strong, independent woman?" Lumunok ito at tiningnan si Demon na naglaho ang ngiti. "But she's different, Apple. Don't you trust me? I won't love any other women aside from you and your mom."

"Apple!"

Sabay na napalingon ang dalawa kay David na kabababa pa lamang ng hagdan. Bago ibaling ni David nang tuluyan ang tingin kay Apple ay halos manigas ito sa kinatatayuan nang makita si Demon na magkasalubong ang kilay.

Napa-krus ito sa braso. "Apple, go to your room," utos ni Demon habang ang mga mata ay na kay David.

Tumango naman si Apple at nilampasan si David.

"Don't touch her," wika ni Demon nang akmang hahawakan na ni David sa braso si Apple. Napatigil pa sa paglalakad si Apple bago tuluyang umakyat sa kuwarto.

Napabagsak naman ang balikat ni David kasabay ng pagbuga ng hangin.

"Come on, Demon. Magbabago na ako!"

"Don't say it. Do it."

"David, hindi sa ayaw ko sa 'yo para kay Apple but loving someone is a serious matter. I knew from the very start that you love and care for her, pero hindi puwedeng mahal mo lang siya," mahabang litanya nito habang direktang nakatingin kay David. "Hindi lahat ng babae, bad boy ang gusto. At hindi lahat ng bad boy, sineseryoso."

"I was once a bad boy and I regret it," giit nito.

Lumapit ito kay David at tinapik ang balikat. "Huwag mong hintaying sa huli, magsisi ka."

"SIMULA bukas, ako na ang susundo at maghahatid sa 'yo sa eskuwelahan," mungkahi ni Alex pagkababa ni Sisi sa motorsiklo.

Tinanggal ni Sisi ang helmet bago nagsalita. "You don't have to. Huli na 'yon, Alex. I swear," saad nito saka inayos ang buhok na humaharang sa mukha niya.

"Mapaglaro ang tadhana, Felesisima Fajardo," giit nito. Luminga ito sa paligid upang tiyaking walang nanonood sa kanilang dalawa. "Kung gusto talaga kayong pagtagpuin, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan. Kahit ikaw, hindi mo maiiwasan at mapipigilan iyon. The only thing that we can do is to be careful."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay KwinAlpha, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni KwinAlpha
@QueenABCDE
Famous delinquent Demon Lewisham saw the love of his life Devi Parker...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 29 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @QueenABCDE.
The Dark Secret (Book 2 of The Devils Hell University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon