Chapter 2: Your husband
•••
"Sino ka ba?" Sarkastikong tanong ko.
Mapapakanta ka nalang talaga ng,
Maybe you're a perfect strangers, maybe it's not forever...Hahahahaha! Ay aba bongga!
"I'm Kayne Hans Winterson, your husband." Sagot niya.
Kayne Hans Winterson?
Inpyerness and bonnga ng name a.
"Hindi kita kilala." Tugon ko.
"Ok, see you later Wifey." Aniya.
Wifey? Si Greg ang asawa ko. Si Gregory William. At hindi ikaw.
Kumindat siya at tumalikod sa akin. Naglakad siya palabas ng University.
Tulala ang lahat. Nakatingin sila sakin.
Biglang dumating si Kulog, nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.
"Yta anong nangyare? Bakit sila lahat nakatingin sayo." Tanong nito sa akin.
"Tara na Kulog akyat na tayo." Pag iiba ko ng usapan.
"Pero diba may Flag Ceremony pa?"
Alam kong hindi na yun matutuloy, ultimo mga teacher nakatitig sakin.
Parang wala na rin silang balak ituloy ang flag ceremony dahil sa nangyare.
Lahat dito sa University nagmistulang gulat.
Sinong impakto ba yun? Bakit nagkakaganito ang mga tao dito, pati ang mga teachers.
Napalingin ako sandali sa isang sulok ng building.
Nakita ko ang Principal na nakatitig sakin, naka half smile siya at ilang sandali pa ay pumasok sa office niya.
"Ano ba kasi nangyare?" Tanong ulit ni Thunder.
"Na-na-nadapa ako, t-tara na, pasok na tayo, h-h-hindi daw tuloy ang flag ceremony." Paliwanag ko.
"Nadapa ka lang hindi na tuloy ang flag ceremony? Patingin nga kung may sugat, patingin ng braso mo kung--"
"Umakyat nalang tayo! Pwede ba?!" Bulyaw ko kay Thunder na ikinagulat niya.
Pati ako nagulat sa inakto ko. Ano nga ba nangyare?
"O sige tara na, wag mo na alalahanin yun."
Wag alalahanin? May pumunta ditong mama na bigla nalang sinabing asawa ko? Wag alalahanin? Tama ba yun?
Umakyat na kami ng building 3 at pumasok sa room ko.
Ayoko na pumasok, parang lahat ng tao nakatingin sakin.
Para akong kriminal. What is happening in Handleburg?
BINABASA MO ANG
Run Away Couple
Dla nastolatkówWhat if, you just found out na engage ka na sa isang taong hindi mo kakilala? Sa isang lalaking kahit pangalan niya, hindi pamilyar? Will you fall? Or will you fail. Run Away Couple All rights reserve 2018