JANE’S POV
Nasa hallway kami ngayon ni Emman. Nagbubulungan yung mga babaeng students na nasa daan.
“girl, alam mo ba, ang gwapo nung kasama ni Garcia. Nakakainis siya! May Mark na nga siya, tas sumasama pa siya sa iba.”—girl1
“oo nga, well, sana break na sila ni Papa Mark para naman may pagkakataon na tayo.”—girl2
“hindi niyo ba alam? Lumipat ng section si Mark, nagpalipat daw siya eh. I hope dahil yun sa break na sila.”—girl3
Nabubulungan ba ang mga to o ano? Rinig na rinig ko kasi mga pinagsasabi nila eh.
Habang naglalakad kami ni Emman, nakita namin si Mark na nakaupo sa pinakadulong upuan ng isang classroom.
“Pre!”—sigaw ng kasama ko sabay taas ng kaliwang kamay niya.
Ngumiti lang ng pilit si Mark. Kahit hindi niya sabihin samin, alam namin may problema siya. Kaya naman nilapitan namin siya.
“Hoy! Bakit ka nagpalipat ng section?”—tanong ko sabay tapik sa balikat niya.
“Wala gusto ko lang. h-hehe.”—at tumawa pa ang loko.
“tss. Ewan sayo. Teka kayo pa ba ni Sheena?”
“ewan.”—tipid na sagot niya.
“Anong ewan?”—pasigaw na tanong ko nang nakakunot pa yung noo ko.
“Mr. Mark Cura please go to the faculty now.”—narinig namin na tumunog yung announcer namin.
Tumayo na si Mark at nagpaalam na sa amin.
“Ang weird niya.”—sabi ni Emman.
“I know right.”—sagot ko naman.
“Ikaw din weird.”—pang-iinis niya naman.
“anong sinabi mo?”
“wala sabi ko punta na tayo ng cafeteria. Gutom na ko eh.”—yaya niya.
Tumango na lang ako.
Lumabas na kami sa room nila Mark at naglakad na papuntang cafeteria.
Nung malapit na kami. Napansin naming ang daming tao sa harap ng cafeteria pero wala naman masyadong tao sa loob.
“Si Sheena yun di ba?”—boy1
“Oo siya nga. Pero hindi si Mark yung kasama niya. Break na ba sila?”—boy2
“Sino naman yang ungas na yan? Don’t tell me timer si Sheena?”—boy3
“Hindi pa sila break! Kaibigan niya lang si Lance! At pwede? Magsitabi, dadaan ako!”—sigaw ko.
Nagtinginan lahat ng tao sa direksyon namin.
Siga ba? I’m not usually this way, pero nainis lang talaga ko sa mga sinasabi nila. Well, hindi dahil sa panget ang mga sinasabi nila, dahil yun sa nakikialam sila. Schoolmate lang sila, they don’t have to be concern in the first place.
“Lance yung pangalan niya? Yiiieeehh... ang gwapo niya”—sigaw ng hindi popular na babae.
Kawawang nilalang.
Pumasok na kami sa cafeteria at lumapit ako sa table nila Sheena, si Emman naman bumili ng pagkain namin.
Kinalabit ko si Sheena at saka tinuro yung mga taong nanonood sa ginagawa nilang dalawa.
Kinunutan ng noo ni Sheena yung mga yun at tinaasan pa ng kilay. Kaya nag-alisan na sila.
“Bakit? Anong problema nung mga yun?”—tanong ni Lance. Halatang gulat siya I think he don’t expect na may nanonood na sa kanila.