1

551 24 8
                                    

Four years after

Nagising si Vice ng makarinig siya ng mga mumunting tawa at bulong. Nang buksan ang mga mata ay nakita niya namang wala siyang kasama sa kwarto. Uminat siya ng katawan at umupo sakanilang kama. Napalaki ang mga mata niya ng makita sa salamin na ginawa nanaman siyang clown ng anak.

"KAAAAAAAARRRRRRYCCCCCEEEEEEEEEE!!!!"

~

"Hihihihi" di mapigilang hagigik ng batang kulot na si Karyce habang tinitignan ang ama niyang nagrereklamo sa kanyang ina.

"Mahal, nakita mo ba si Karyce? Hay naku grabe talaga yung batang yun. Ke aga-aga!"

"Bakit ano ba nanaman ang ginawa ni- Ay!" Mabilis tinakpan ni Karylle ang bunganga niya upang di matawanan ang asawa. Agad naman napasimangot si Vice dahil sa reaksyon ni Karylle.

"Isa ka pa eh!"

"Asuss. Sumimangot nanaman ang baby damulag ko. Yaan mo na nga yung bata. Nangungulit lang yun." Sabi ni Karylle at hinalikan sa labi ang asawa. "Kayo talaga mag-ama! Sayo nag mana yan eh kaya ayan nakahanap ka ng katapat!"

"Nanay naman eh! Pero sarap nun ah. Isa pa nga"

"Tatay! Ang naughty mo. Baka anjan lang yung bata"

"Wala yun. Tinago ko na yun sa baol"

Nagkulitan pa ang mag asawa hanggang sa nagpakita na nga ang maliit na Viceral.

"Tsawaaaaan! Nanay! Tatay! Aga-aga hawot hawot nanaman kayo" Sabi nito at nag cross ng arms

"Nak? San mo yan nalaman. Ikaw talaga Karyce" Karylle said at hinawi ang buhok ng anak.

"Sus! Naiingit ka lang samin ni Nanay eh"

"Di kaya" pagsisinungaling ng bata at nagpout

"Hasus nag inarte pa. Nanay?" Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Unti-unting napa atras ang bata dahil tila may ideya na siya sa gagawin ng kanyang mga magulang.

Bago pa man makalayo si Karyce ay agad na siyang hinila ng ina at ibinigay sakanyang ama. At doon kiniliti ng kiniliti siya nina Karylle at Vice.

"Na-Nanay! Ta-tay! Tam-Tama na- Hahahaha! Tama na po!" Sigaw ni Karyce habang patuloy parin sa pagtawa. Hindi naman nagpaawat sina Karylle at Vice

"Di ako titigil! May kasalanan ka pa sakin!" Sigaw ni Vice at kiniliti ang paa ng anak

"Tatay! Wag sa paa! Ihhhhhhh! Hahahahahahahahaha!"

"Hindi yang ang magic word" pag tease ni Vice sa anak. Maluha-luha na ito dahil sa tawa

"So-sowwy na! Sowwy na Tatay!"

Dahil doon ay itinigil na ni Vice ang pangingiliti sa anak. Kumuha naman ng tubig si Karylle para sakanyang mag-ama.

"Oh, drink mo muna to baby" Karylle said at inabot ang tubig sa bata ngunit iba ang uminom nito.

"Vice!"

"Ay! Akala ako yung baby" natatawang binigay ni Vice ang tubig sa anak

"Feewew"

"Buwol!"

"Hmp!"

"Tama na yan. Kain muna tayo"

Maawtoridad na sabi ni Karylle. Nagkatinginan naman ang mag-ama.

"Tiklop kay Kumander"

"Tikwop kay Kumandew"

Sabay nilang sabi at tumungo sa lamesa. Parehas napawow ang dalawa dahil sa pagkaing inihanda ni Karylle. Nagsimula ng mag dasal ang pamilyang Viceral. Karyce leaded the prayer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pamilyang ViceralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon