Part 1: The Background

39 0 0
                                    

Rosseth's POV

"Ipasok na yan." sabi ko sa mga tauhan ko. "Siya na ba 'yun?"

"Opo Ms. Rose."

Lumapit ako sa taong dala-dala nila. Hindi niya ako nakikita sapagkat nakapiring siya. Nakatali rin ang mga paa't kamay niya kaya hindi siya makakapalag.

"Tsk, kawawa ka naman."

"Sino ka? Pakawalan mo ko!!" sabi niya.

"Hindi ko naman gagawin ito kung hindi mo ako kinalaban ee." sabi ko habang nakasabunot sa buhok niya. "Kung hindi mo sana ginawa 'yun edi sana wala ka dito."

"Ano bang kasalanan ko sa'yo? Ni hindi nga kita kilala kaya 'wag mo akong pahirapan!!!!!"

"Oo hindi mo ako kilala, pero ikaw, kilalang-kilala ko!"

Andito ngayon sa harapan ko ang babaeng umagaw kay Ford. Siya ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Pero hindi ko alam kung bakit mas pinili niya itong babaeng ito kesa sa akin. Di hamak naman na mas maganda ako kesa sa kanya, tss.

"Pakawalan mo na ako, pakiusap.."

Napaisip ako. Kung papahirapan ko ba siya hihiwalayan niya si Ford? Hindi. At panigurado hindi rin naman makikipaghiwalay yung lalaking yun. Hayst. Bakit kasi pinaasa mo ako, Ford? Maghihirap tuloy ang babaeng pinagpalit mo sa akin. Tsk.

"Don't worry. Hindi naman kita papatayin eh. Papahirapan lang kita para magtino ka!" Binitawan ko na ang buhok niya tsaka tumalikod. "Kayo na ang bahala sa kanya, girls." At lumakad na ko palabas ng hide out namin.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala ng pormal sa inyo. Ako si Rosseth Kwon, at tama ang hinala niyo. Ako ang leader ng pinakamatinik at pinakatatakutang all female gang dito sa Pilipinas, ang Black Mariposa. Pero para maitago ang tunay kong pagkatao, madalas akong nkamaskara at naka-black fitted suit, at ang tawag nila sakin, Ms. Rose. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang pamilya ko, andun sila sa Korea. Nagpapatakbo ng business namin. Actually, hindi nila alam ang mga ginagawa ko dito sa Pilipinas. At ayokong malaman nila yung tungkol sa Black Mariposa. Malaman na nila lahat ng kalokohan ko, huwag lang yung gang. Pero pakiramdam ko wala na silang pakialam sa akin. Alam naman nating lahat na sadyang may mga taong mas mahalaga ang pera kaysa sa pamilya nila. Sad to say, isa ang pamilya ko doon. Pero, even if ganoon ang kalagayan namin, mahal ko pa din ang pamilya ko dahil kung wala sila, wala din ako. Kaya nga lang, wala na ang nag iisang kakampi ko, yun ay ang Mama ko. Wala eh, iniwan na niya kami dahil sa isang plane crash. Kaya siguro nabuo ko ang Black Mariposa, dahil lahat kami wala ng ina. Lima lang kami ngunit marami kaming kakilala na pwedeng magback up smin. Kung sino ang mga kasama ko, makikilala niyo din sila afterwards.

-----------------

Kenzo's POV

"Nakakaasar!!!" sabi ko sabay sabunot ng buhok ko.

"Boss, tama na 'yan."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko ho tam--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil nasapak ko na siya. Badtrip eh. Ako leader dito kaya hindi sila dapat umasta ng ganoon.

"Tumahimik ka ngang kupal ka. Bwisit talaga!!!!" at ngayon 'yung basurahan naman 'yung napagdiskitahan ko. Kawawang basurahan. Tsk.

"Iwan niyo muna kami ni Kenzo." sabi ni Ford. "Pare, tama na 'yan. Kahit ano pang gawin mo diyang pagwawala, hindi na babalik sayo si Mitch. Wala na siya.."

Tama si Ford, wala na si Mitch. Natagpuan na lang si Mitch na walang saplot at madaming sugat at pasa sa katawan. Nung sinugod siya sa ospital, dead on arrival na. Ang sabi ng mga pulis, may posibilidad daw na na-gang rape siya. Pero matagal na daw yung mga sugat at pasa kaya baka daw tinorture muna siya. Nahuli yung mga nangrape pero ayon sa mga ito, hindi daw sila ang nangtorture dahil nung nakita nila ito ay ganoon na daw ang kalagayan niya. Hindi naman malaman ng mga pulis kung saan sila kukuha ng lead dahil walang nakakita kung saan nanggaling si Mitch. Pero hindi ako titigil para makamit ang hustisya para sa nobya ko.

Nga pala, ako si Kenzo Kim. At may gang ako, Great Error ang tawag sa amin. Tama daw 'yun dahil isa kaming 'Great Error' sa lipunan. Tss. Yung pamilya ko? Si Mama na lang kasama ko, si Papa wala na, kaya si Mama na lang yung nagpapatakbo ng maliit naming restaurant. Yun lang ang napamana ni Papa sa amin. Yung nagsalita kanina, siya si Ford. Bestfriend ko yan. Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa grupo dahil kasama ko na siya since elementary kami. Si Mitch naman, siya ang first love ko, first girlfriend din. Mahal na mahal ko siya at nawala siya ng biglaan dahil sa kung sino mang hinayupak yun.

Nagbalik naman ako sa katinuan nung may tumapik sa akin sa balikat. "Pare, lahat tayo nagluluksa, pero kailangan nating makapagmove on." At tuluyan na niya akong iniwan dito.

Siguro nga kailangan mag move on. Pero kahit kailan, hindi kita makakalimutan, Mitch.

-------

Author's note:

Uwaaahhh!! Pasensya na kung kaunti lang 'to. Promise next chapter mahaba na talaga. Thank you nga pala sa gumawa ng cover, si Ms. Lalaine Gelacio Cucal (@OfficialYullaine), kamsahamnida unnie~~❤

First time ko po gumawa ng ganitong genre ng story. Pasensya na sa mga badwords na magagamit kung sakali. Lalala~ At I accept constructive criticisms po. Yun lang. Enjoy reading. ❤

~Braizen Awrii

Even If.. [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon