Part 3: The Encounter

18 0 0
                                    

Rosseth's POV

"Shocks, Rosseth. Ikaw pala itong ulyanin eh. Can't you remember na si Mitch ay doon nag aaral sa East Wedge Academy? So it means, doon din nag-aaral si Ford!!" ~Misty

Natapakan ko ang preno ng di oras.

"Aaaaaahhhhhhh!!!!" ~sila

"Jusko, Rosseth. Next time nga kung magpe-preno ka yung dahan-dahan hindi yung biglaan. Ayoko pang mamatay noh!!" ~Sheer

Pero wala na akong pake sa sinasabi nila ngayon. Sh*t. Bakit ba nakalimutan ko ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay? Ngayon lang ako nakalimot. Dahil ba sa masyado akong naging stressed nung mga nakaraang araw? Doon nga pala nag aaral ang Ford na yun pati yung gf niya. Hay naku naman!!!

"Bahala na."

"Anong bahala ka diyan?" ~Aya

"Wala eh. Naka-oo na ako kay Daddy. I can't back out now. And besides, even if ganoon siya, alam niyo namang mahal ko pa din yun dahil siya ang tatay ko. Wala akong pake kung doon man nag-aaral si Ford o kahit yung gf niya pa. Basta doon ako papasok dahil yun ang request ni Daddy."

"Hayy naku, girl. Nakakastress talaga!!"~Misty

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa resthouse. Nagpunta na kami sa kanya-kanyang kwarto. Yeah, kanya-kanya dahil madami din ang kwarto dito. Parang mini version ng mansion namin.

Nasa kwarto na ako pero hindi pa din ako makatulog. Kahit anong gawin ko bukas pa din ang diwa ko. Paano kung magkita kami ni Ford doon? Ang masama pa, baka kasama niya yung gf niya. Pero malamang talaga, sa ayaw man o gusto ko ay magkikita pa din kami doon. Kailangan ko lang paghandaan yun dahil baka mamaya, ipagkanulo ako ng mga galaw ko kapag nakita ko na siya.

Kinabukasan, maaga akong nagising upang ipasa ang mga files ko sa East Wedge. Buti na lang walang uniform at nakuha ko na din agad ang I.D. ko. Nakuha ko na din yung schedule ko for the whole semester. Wala pala akong pasok tuwing wednesday. Bale, Monday-Tuesday tapos Thursday-Friday lang. At buti na lang wednesday ngayon. Tinatamad pa kasi akong pumasok kasi di ba yung mind set ko ay dapat hindi ako papasok ngayong sem? Yun lang, naudlot kasi kaya kailangan kong magsipag na naman. Pero ayoko pang umuwi, naglibot muna ako sa buong school para tanda ko na agad yung buong lugar.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang medyo tagong lugar.

"Aaaahhhhh!!!!"

"Sino yan?" Pero wala akong narinig na sumagot. Tsk. "Mukhang may fraternity sa school na to ah. Parang may nagaganap na hazing doon. Makaalis na nga. Ayokong madamay sa kanila at ayokong gumawa ng kalokohan dito."

Kaya napagpasyahan kong pumunta na lang ng canteen. Hindi pa nga pala ako nagbe-breakfast. Yung mga kasama ko kasi sa bahay mga tulog pa nung umalis ako.

"Ang dami din palang estudyante dito. Tapos ang haba pa ng pila. Tsk."

Ilang saglit pa ay ako na ang oorder. Spaghetti Pasta, Orange juice tapos sinamahan ko ng isang slice ng chocolate cake. Yummy. Naghanap ako ng mauupuan kaso mukhang puno na ang canteen, nang may mahagip yung mata ko. May bakante pang pwesto kaso sa dulo at super gilid pa. Bakit kaya walang napwesto dun? Hayaan na nga.

Pagkadating ko sa pwesto ay umupo na agad ako. Kaso, lahat ng mga estudyante nakatingin sa akin. Nagbubulungan pa sila. Ano bang masama na umupo dito?

"Bago siguro siya."~Girl 1

"Naku, kawawa naman siya kapag naabutan siya diyan ng Great Error." ~Girl 2

Great Error? Sino ba yung mga yun? Who cares naman ee. Basta ako magpapakabusog ako dito.

Tapos, biglang tumahimik yung mga tao dito sa canteen.

"Miss, miss." ~Guy 1

Tumingin lang ako sa kanya.

"Ahhh, eehhh, ano kasi..." sabi niya pa habang kakamot-kamot ng ulo. Tapos lumingon siya sa may pinto ng canteen. "Naku patay, andyan na sila. Umalis ka na dyan kung gusto mo pang mabuhay." Tapos tumakbo na siya palayo. Anong problema nun? Tsk. Panira sa pagkain ko yun ah.

Busy pa din ako sa pagkain kaya hindi ko napansin na may 5 lalake na huminto sa harap ng table.

"Sarap ng kain mo diyan ah." ~Boy1

Hindi ko na lang siya pinansin. Kailangan kong maubos ang pagkain ko para masatisfy yung cravings ko.

"Aba't hindi ako pinansin!!"~ Boy1

Bigla niyang sinuntok yung table.

"Whoa!" Napatayo na ako. "Ano bang problema mo? Kita mong may nakain dito eh. BULAG KA BA???" Hindi ko na napigil ang sarili ko kaya nasigawan ko na siya.

Napansin kong naghiyawan yung mga estudyante na para bang tuwang tuwa sa nakikita nila.

"Hindi mo ba ako kilala??" ~Boy1

"Pake ko sayo. Tss. Leave me alone please. Hindi ko maubos-ubos yung kinakain ko dahil kanina pa may nagi-interrupt sa akin."

"Hinahamon mo ako? Boys, alam niyo na ang gagawin niyo."

I can hear the other students gasps. Hindi siguro sila makapaniwala sa sinabi nung lalake.

Bigla namang may sumugod sa akin na kasamahan niya ata. Pero nahawakan ko yung kamao niya.

"Not so fast." Binigyan ko siya ng sipa sa tiyan.

Hiyawan ulit yung mga estudyante.

Sinugod ako ng isa pa pero nasuntok ko na agad siya sa mukha. Tsk. Mga mahihina naman pala. Ganun din yung ginawa ng iba. Ang tanging natira na lang ay yung leader ata nila.

"Mahihina naman pala yung mga kasama mo eh." Pang aasar ko.

"Anong sabi mo??!!!" Tapos sinugod niya ako. Puro siya suntok pero lahat yun nailagan ko. Tumalon ako para mapunta ako sa likod niya tsaka ko siya sinipa. Plakda ang loko.

Yung mga estudyante, hindi makapaniwala na natalo ko sila.

"Anong nangyayari dito?"~Guy

Natigilan ako. Yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Ford.."

Kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Rosseth??"

Lumapit siya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

Ngunit hindi ko sinagot yung tanong niya. Bagkus ay tumakbo ako ng napakabilis upang lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan na ako napadpad. At doon ko na pinakawalan ang masaganang luhang kanina ko pa pinipigilan.

---------

A/N:

Waahhh.. Rosseth, don't cry pleathe. T_T short update lang.

Next part: POV ni Kenzo (my loves lol) at ni Ford

Happy Reading!! ↖(^▽^)↗

Even If.. [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon