UNANG KABANATA

47 1 0
                                    

Maingay ang tugtog ng musika, masakit sa ilong ang usok ng tabako kasabay nito ay maaamoy mo ang matapang na samyo ng alak. Hindi gaanong maliwanag ang paligid na binibigyang ilaw ng mga kandilang gawa sa iba't ibang kulay.

Bakas ang takot sa mga mata ng binibini ang kanyang igala paningin sa paligid.

"Diyos ko po. Nawa'y gabayan ninyo ako panginoon. Pakiusap po ay tulungan ninyo ako sa sitwasyong kinalalagyan ko. Kayo na lamang po ang aking kinakapitan, diyos ko" taimtim na dasal ng binibini sa kanyang isip.

Kasalukuyan itong nakaupo sa isang silya sa gilid nang tawagin sya ng isang pamilyar na mukha.

"Ofelia" napahigpit ang kanyang kapit sa kanyang  saya nang marinig nya ang kanyang pangalan at makita ang babaeng naglalakad papalapit sa kanya.

"Po?" tugon ng binibini ng makalapit ang babae.

"Ang anak ng heneral ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong gabi at tila wala ka namang pinapaligaya ngayon. Sayo ko to itotoka. Anak ito ng heneral kaya't pagbutihin mo, ija."

Marahang tumango ang binibini sa tinuran ng babae. Hindi ito ang unang pagkakataong gagawa siya ng malaswang bagay ngunit baguhan pa lamang ang binibini at hindi pa sanay sa nga gawaing hindi malinis kung kaya't mababakas sa mukha nito ang kaba.

"Pagsapit ng alas onse y media ay umakyat ka sa ikalawang palapag. Ang pinakahuling kwarto sa kanan ay siyang iyong papasukan, maliwanag?"

"Opo madam" walang nagawa ang binibini kundi pumayag pagkat batid nitong ang pagtanggi ay kanyang ikapapahamak lamang.

Muli niyang iginala ang paningin sa paligid. Sa isang sulok ay may mga babaeng sumasayaw ng malaswa. Sa isang banda ay may grupo ng nga sundalong nag iinuman habang may mga babaeng nakapulupot ang mga kamay sa kanilang katawan. Ang iba namang mga babae ay nakakandong na. May ibang papaakyat na sa ikalawang palapag kung saan ang mga milagro ay isinasagawa.

Napatingin ang binibini sa orasan sa taas. Isang oras na lamang at sasapit na ang alas onse y media kaya't napag isipan nitong maligo saglit at magpalit ng suot.

Napatingin ang binibini sa kanyang repleksyon sa malaking salamin. Isang babaeng maputla ang balat. Maamo ang kanyang mukha. Bahagyang bilugan ang nga mata, medyo matambok ang pisngi. May katangusan ang kanyang ilong na kanyang namana sa ama nyang amerikano at bumagay lamang ito sa manipis nyang labi. Mahaba din ang kulot na buhok nito. Katamtaman lamang ang taas at katawan ng binibini. Hindi sobrang payat at hindi rin mataba. Suot nya ang isang barong yumayakap sa makurba nyang katawan at pares dito ay isang pulang saya na nakakaagaw pansin. Naglagay ito ng konting kolorete sa mukha at nagsuot ng matamis na pabango upang masigurong siya ay magiging kaakit-akit.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ng binibini ang orasan.  Limang minuto na lamang at mag-aalas onse y media na kaya't napag-isipan nyang tahakin na ang daan papunta sa ikalawang palapag. Kumanan ang binibini at naglakad papunta sa pinakahuling kwarto.

Pumikit saglit ang binibini.  Inayos nito saglit ang kanyang buhok at huminga ng malalim sabay katok ng mahina sa pinto.

Kasabay sa pag-alsa ng kaba sa kanyang dibdib ay ang pagbukas nya ng pinto at sa pagbukas nito, kanyang nasilayan ang nakakapigil hiningang anyo ng isang ginoo.

----------------------
Written: April 12, 2019
Published: April 15,2019

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watashiwa O Aishite Imasen (LOVE ME NOT) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon