VOICE FOURTY FOUR

63 3 1
                                    

Day Thirty Two

November 30, 2018

11: 47  AM


Tumawag sa akin ang isa sa mga naging kaibigan ko sa lugar na tinitirahan ko ngayon. Sinabi niya na nasa ospital daw siya kaya naman dali-dali akong nag paalam kila mama na aalis na ako at babalik na lang kapag may free time uli ako. Pumayag naman sila, at sa huling paalam ay dali-dali akong lumabas ng bahay patungo sa paradahan ng jeep. Pero ganon din ako kadaling napahinto ng makita ko ang isang lalaki na hindi ko inaaasahang makita. tatalikod na sana ako ng bigla niya akong nginitian. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yon o nakita ko talaga siyang ngumiti sa akin. 

"Sakay na oh! Isa na lang aalis na!" Sigaw nung driver ng jeep kaya naman sa huling pag kakataon ay lumingon ako sakanya sa pag talikod ko ay may nakita akong labis na nag palungkot sa akin. ---Nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo galing sa mga mata niya.

Your Voice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon