Kabanata 1: June 16

57 2 0
                                    

Lachlan's PoV

"Sir, this is a documents na kailangan niyo pong pirmahan" Sabi ni Astrid, ang aking secretary dito sa aming company

"Good you may go" Sabi ko

Nandito ako ngayon sa office at may nakita ako sa aking computer na may nag-leak daw sa aming factory na langis pero ang sabi sa comments ay fake news daw ang mga ito

"Sir Pentocillos diba po birthday ng anak niyo? " Tanong ni Lucas, na isa ding secretary ko dito

"Oo nga pala thank you Lucas ah pinaalala mo busy kasi eh" Sagot ko

Pagkatapos kong magtrabaho ay derecho ako sa department store para bilhin yung drone na pinapabili niya last-last year. Pagkatapos ay bumalik na ako sa mansion

"Good afternoon sir" Bungad na bati sakin ni Manang

"Where is my son? " Tanong ko

"Nasa kwarto nya po" Sagot nya

Pinuntahan ko agad siya sa kwarto nya at kinausap

"Where is your mom? " Tanong ko

"Nasa work pa po dad" Sagot ni Khester

"Okay this is your gift, akala mo siguro di ko naalala" Sabi ko "Why?, open it" Dagdag ko pa

Binuksan niya ito at nakita ang laman na drone na binili ko kanina at parang wala lang sa kanya ang regalo ko

"Last year on my birthday too" Sabi nya sakin

"Aaahhh, okay tell me what you want?" Tanong ko

"I want to go to Vender Island, sasama ako sa mga kaibigan ko" Sagot nya

"Sorrrrr----------" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya

"Grant my wish for once, please dad" Ani Khester

"Okay sige" Sabi ko

"Thanks dad!" Dagdag pa niya

Lumabas na ako sa kwarto niya at agad na bumaba sa salas. Naabutan ko na nandon si Renzei ang aking asawa

"Renzei, gustong sumama ni Khester sa outing nila" Sabi ko

"Okay sige pasamahin na natin siya" Sabi nya

"Ah manang mag-impake ka nga ng mga gamit ni Khester sasama siya sa outing nila" Utos pa ni Mom Olivia ang aking nanay

(7:00 pm)

Nandito kami ngayon sa dining room para kumain na ng dinner

"Khester, are you sure?, sasama ka talaga? " Tanong ko

"Yes dad, hindi na magbabago yun" Sagot niya

"Pabayaan mo na nga siya teen-ager na yan, kaya niya na yan" Sabat ni Mom Olivia

"Oo nga hayaan mo na siya" Sabi pa ni Renzei

"Okay, pagtulungan nyo ko" Matigas na sabi ko

Walang umimik matapos kong sabihin yung kanina. Pagkatapos naming kumain ay kaniya-kaniya kaming balik sa kwarto namin

"Sorry sa kanina Renzei ah" Paumanhin ko

"Okay lang yun, sige na matulog na tayo" Sabi nya

"Good night" Sabi ko hanggang sa makatulog na ako

Infected! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon